EPISODE 3/2

140 14 7
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

Napapaligiran kami ng napakaraming co-players na gusto kaming patayin ngayon...

"Hindi ba pwedeng magtulungan na lang tayo?" Tanong ko. Tumawa naman silang lahat na nagpangiwi sakin, "Hoy seryoso ako!" Sigaw ko na mas nagpatawa pa sakanila.

"Bata, walang tulungan sa Mayhem, alam mo bang kahit mismong mga ka-grupo mo ay pwede kang pagtaksilan. Kaya ingat karin!" Sigaw nung lalaking may Kaliskis. Kita ko namang ina-analyze ni Calin ngayon ang lalako, at katapos nun ay makikitang biglang mababakas na lang ang takot sa mukha ni Calin.

"Sh*t! Starbound Summoner, Master-Sumus na siya. We don't stand a chance, let's run," Bulong ni Calin. Lumakad naman na sila ng papalapit samin, kaya napaatras kami.

"You already knew ah? Before I kill your group, let me introduce myself, My name is Kliffer Froid Vultre, a Merfolk, nice to meet you," Sabi nito. At kinuha sa bag niya ang isang tarot card.

"What's that?" Tanong ko. Kita ko naman ang paglunok ni Calin at Invera.

"The Tarot of Stars," Sabi lang naman ni Invera.

"Roll in, The representation of sea goat; the mountain goat; the earth of the earth. Capricorn!" Sigaw ni Kliffer. Lumitaw naman ang kulay brown na magic circle sa harapan ng card at lumabas mula doon ang isang nilalang na may ulo ng kambing, hubad na katawan ng babae, at sa kalahati naman niya ay parang mga paa ng kambing. May hawak din itong spear at itinutok samin.

"Malas! Isa pa sa mga Zodiac!" Galit na sigaw ni Arod. Kaya napatingin ako sakanya at nakita ang takot sa mga mata niya. Naglabas narin naman ng mga Adjunctus ang iba pang mga gustong pumatay samin.

"Lilituhin ko sila, may Adjunctus ba kayong kayang tumakbo ng mas mabilis sa Capricorn?" Tanong ni Invera. Napangisi naman si Calin at Arod. Mukhang meron silang Adjunctus na ganon.

"Wala," Sabay na sabi nilang dalawa. Nahulog naman bigla ang balikat ko.

"May Pester ako na kayang lagpasan ang bilis ng Capricorn, pero kakailanganin ko ng oras dahil masyadong malaking Magmus ang kakainin nito.

"Ano, magkkwentuhan na lang kayo?" Tanong ni Kliffer. Kaya napatingin kami sakanya at kita ang ngisi niya sa labi. Tumingin naman ito sa mga kasama niya.

"Huwag na kayong makialam ah, kaya ko na ang mga ito kahit ako na lang mag-isa." Sabi pa ni Kliffer. Binalik naman ng mga ka-grupo niya ang mga Adjunctus nila at nagkibit balikat.

"Sige, siguraduhin mo lang na mananalo ka. Kami na bahala pumatay sakanila katapos," Sabi naman ng isang babaeng nagbalik ng Hellhound.

"Sige, pprotektahan kita, Vera. Simulan mo na," Sabi ni Arod. Napangiti naman ako ng mapait dahil doon.

"Yup, sige na Vera. Simulan mo na," Sabi ko rin. Tinanguan naman ako ni Vera at pumikit.

"Sugod, Capri!" Sigaw ni Kliffer. Kaya tumakbo naman ng napakabilis. Hinila naman ni Arod ang bracelet niya at itinutok sa rumaragasang Adjunctus.

"Roll in, Julius of Roughness!" Sigaw ni Arod. May lumabas na kulay silver na magic circle sa harapan ng bracelet at lumabas mula doon ang isang purong silver na pagong. Bigla itong pumasok sa shell niya at haharangan sana ang pasugod na Capricorn nang matamaan na ng Capricorn ang shell ay bigla namang tumilapon si Julius na muntikan pang tumama samin.

"Tsk, tsk, tsk. Capricorn has magical and physical defense penetration," Sabi ni Kliffer. Katapos non ay tumalon ang Capricorn at nakita ko na lang nasa harapan ko na siya at malapit niya na akong masaksak.

"Mush! Mush!" Sigaw ni Mush. Bigla namang lumabas ang magic circle ko at pumasok ng mabilisan si Mush dahilan para mapa-atras ng kaunti ang Capricorn. Mag-Morphine na nga na naman kami ni Mush ng siya ang may command.

"I command you to do the Morphine, Escar!" Sigaw naman ni Calin. Doon ko lang nakita na na-summon na pala ni Calin si Escar.

"I command you to do the Morphine, Julius!" Sigaw din naman ni Arod at nag-Morphine na sila ni Julius at lumitaw naman ang silver na armor, napakalaking silver na shield, at head gear na kulay silver at may korteng bahay ng pagong.

"Morphine, uh? Hindi ko na kailangan iyan, Capri, kill them!" Sigaw ni Kliffer. Kaya umatake na naman ang Capricorn samin.

"Quinn, protektahan mo muna si Vera," Sabi naman ni Arod. Kaya naman pumunta ako sa harapan ng nakapikit paring si Invera. Sinalubong naman nila Calin at Arod ang atake. Napatilapon naman sila ng sipain sila ng Capricorn. Agad naman silang tumayo at sinugod ang Capricorn.

"D*mn goat!" Sigaw ni Arod at ipinukpok sa ulo ng Capricorn ang kanyang shield, imbes na mabasag ang sungay ng Capricorn ay ang shield ni Arod ang nabasag. Susuwagin sana ng Adjunctus gamit ang sungay nito si Arod nang hilahin siya ni Calin, dahilan para makaligtas siya.

"Water prison!" Sigaw naman ni Calin at kinulong ang ulo ng Capricorn sa bola ng tubig, dahilan para piliting tanggalin ng Capricorn ang bilog na tubig sa ulo niya. Narinig ko namang parang sumusuka si Vera. Napatingin ako sakanya at nakikitang may papalabas sakanyang higanting ulo ng tutubig, napaluhod na nga si Vera na mukhang hirap na hirap. Tutulungan ko sana siya ng itaas niya ang kaliwang kamay niya para pigilan ako.

"Sugod na, Cal!" Sigaw naman ni Arod na nagpabalik na tingin ko sakanila. Kita ko ngang pasugod na si Calin sa Capricorn at ilang pulgada na lang ang layo ni Calin nang bigla namang itapon ng Capricorn ang spear niya kay Calin, naka-iwas naman si Calin, pero dumaplis ang talim ng spear sa may tagiliran ni Calin.

"Akala niyo ba ma-ssuffocate niyo ang Capricorn sa tubig? Remember, isa siyang Sea goat! Huwag mo ng patagalin at patayin mo na sila!" Sigaw ni Kliffer. Kaya sumugod ulit ang Capricorn. May naramdaman akong malakas na hanging sa likuran ko at nakita si Invera na nakasakay na sa higanting tutubi na kulay black at naglalabas ang pakpak nito ng kuryente.

"Quinn, sakay na!" Sabi niya habang nakapalad sakin. Inabot ko naman ang palad niya at sumakay.

"Vera, kunin na natin muna si Calin. Mukhang napuruhan siya," Sabi ko. Tinanguan naman ako ni Vera.

"Bolt Dragon Fly, puntahan muna natin ang lalaking Elf at buhatin mo siya," Utos niya. Kaya naman mabilisang lumipad ang higanting tutubi kung nasaan si Calin at dinampot ang sugatan at nanghihinang si Calin.

"Arod, talon na dito!" Sigaw ko. Tumango si Arod, at tumalon sa likuran ng higanting tutubi.

"Dali, umalis na tayo!" Sigaw ni Arod.

"Bolt, lipad na palayo dito!" Utos ni Invera. Lilipad na sana ang Adjunctus ni Invera nang  biglang lumitaw sa harapan namin ang Capricorn. Sasaksakin sana niya si Invera gamit ang Spear niya nang yakapin ni Arod si Invera.

"Quinn, talon na rin!" Sigaw ni Arod at magpatihulog sa higanting tutubi. Tatalon na sana ako nang makita kong mabilis na dumiretso ang spear sakin. Ang akala ko ay hindi ako tatablan nang biglang mula sa tyan ko ay lunusot ang talim ng spear hanggang sa likod ko ay lumusot. Napatingin ako sa tiyan ko at nakitang bumuo ito ng butas sa tiyan ko at tumatagas ngayon ang napakaraming dugo na nagpa-dilim sa paningin ko...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now