EPISODE 6/1

143 14 0
                                    

—THE FALL—

AROD'S POINT OF VIEW

"Ano, tatayo ka na lang diyan? Laban!" Sigaw ni Thana. Tumingin naman ako ng seryoso sakanya at binunot ang kukay green kong singsing na iningat-ingatan ko ng maraming panahon. Itinutok sa harapan ni Thana.

"Roll in, Garuda, the Green-Fired Phoenix!" Sigaw ko. Lumitaw naman ang light green na magic circle sa harapan ng singing ko at lumabas mula roon ang green na Phoenix na si Garuda. Sinigawan nito ang Adjunctus ni Thana at sumigaw din naman pabalik ito. Bigla namang naalala ko ang araw na naging Adjunctus ko so Garuda...

—Flash Back—

(Two years ago, after Arod knew his League...)

Nasa may kama ako ngayon at inaayos ang mga gamit ko dahil balak kong bisitahin ang puntod ni Kuya Orad. Narinig ko namang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Rod," Dinig kong sabi ni Sister Feline. Kaya napatingin ako sakanya at nginitian siya.

"Ano po iyon, Sister Feline?" Tanong ko. May kinuha naman siya sa bulsa niya at inilabas ang isang kulay red na kahon.

"Ito oh, para sayo iyan. Ang tagal ko naring tinatago saiyo yan kase gusto ko kapag binigay ko na sayo yan eh nasa tamang edad ka na at alam mo na ang League mo," Sabi ni Sister Feline. Kaya, binuksan ko na ang kahon at nakita ang pamilyar na singsing. Kinuha ko ito at saka tinaas.

"Parang pamilyar po ang singing na ito, Sister," Sabi ko. Umupo naman sa tabi ko si Sister Feline.

"Iyan ang singsing ni Orad, nakita raw ng mga awtoridad iyan malapait sa stairs ng port. Baka raw tumilapot doon," Sabi ni Sister Feline. Kaya sinuot ko ito at inilapit ko sa puso ko.

"Maraming salamat po, Sister Feline," Sabi ko. Napatingin naman ito sa orasan ko at umiling-iling.

"Naku, Arod. Balak pa sana kitang ihatid sa labas, nasakto naman na inabutan na ako ng Praying Hours. Okay lang ba na iwan na kita?" Tanong ni Sister Feline. Tinanguan ko namam siya.

"Okay lang po. Sige Sister Feline, mas mahalaga pong makapagdasal tayo," Sabi ko. Hinawakan niya naman ang balikat ko at saka na tumayo. Katapos ay lumakad na ito palabas. Pagkalabas ni Sister ay inilapit ko ulit sa puso ko ang singsing at pinakiramdaman ko naman ang singsing, at bigla namang uminit ito. Kaya hinubad ko ulit. Bigla naman itong umilaw, kaya naman lumabas ako sa bintana dahil sa mukhang lalabas ang Adjunctus na nakatira rito. Nagmadali naman ako pumunta sa garden, kung saan wala masyadong pumupunta. Nang nasa garden na ako ay lumutang ang singsing at nabuo ang light green na magic circle. Lumabas naman mula roon ang napakalaking Phoenix na nababalutan ng green na apoy at sumigaw ito na ikinabahala ko naman dahil sa Praying Hours nga at baka mabulabog ng sigaw niya ang mga awtoridad ng Cathedral.

"Shhh! Huwag kang maingay!" Sigaw ko naman. Kaya napatingin ito sakin at tinitigan ako ng matagal.

"Master Orad? Akala ko patay ka na?" Tanong nito.

"Ako ang kapatid ni Kuya Orad, ako si Arod. Nice to meet you," Sabi ko. Tinagilid naman nito ang ulo niya at at sa tumango-tango.

"Kamukhang-kamukha mo siya, gusto mo bang maging bagong master ko?" Tanong niya. Napangiti naman ako at tumango-tango.

"Oo naman, para rin maipaghiganti ko si kuya at patayin ang mga pumatay sakanya. Sasamahan mo ba ako?" Tanong ko. Ibinuka naman nito ang pakpak niya at lumabas mula sa puso niya ang isang Ball of Magmus na pahiwatig na gusto niyang makipag-contract. Kaya naman ibinuka ko rin ang aking bisig at naglabas ng Ball of Magmus ko.

"Tinatanggap ko," Sabi ni Garuda. Kaya nagdikit naman ang Ball of Magmus namin at pumasok ito sa singsing...

—End of Flash Back —

"Waoh, the Adjunctus of Late Viscount Orad, uh? Gusto mo rin bang patayin kita katulad ng ginawa ko sa kuya mo noon? Kaso this time, ipapasubo na kita ng buo." Sabi ni Thana habang tumatawa ng malakas na nagpabalik sa wisyo ko.

"Sige tumawa ka lang, mamaya magmamakaawa ka naman habang umiiyak!" Sigaw ko at saka ibinuka ang aking bisig, "Garuda, I command you to do the Morphine!" Sigaw ko. Lumitaw ang magic circle ko at pumasok naman si Garuda. Nagtaka naman ako sa naging armor ko dahil hindi ito ang nakita ko noon kay kuya. Ngayon kase ay wala akong head-gear, pero may roon akong suit na kulay green na katulad sa mga ninjas at may dalawa akong ngayong green flaming chained-knives — dalawang maliit na nababalutan ng kulay bedeng apoy na kutsilyo na nasa dulo ng kadena, at sa kabilang dulo naman ng kadena ay may hawakan naman na rings para mahawakan ko ng maiigi. Bigla namang may naramdaman akong tumubo sa likuran ko at nakita ko ang pakpak kong gawa sa berdeng apoy.

"Woah! Ang cool naman ng suit na iyan, Arod!" Sigaw ni Quinn. Kaya napatingin ako ulit sa suit at napangiti dahil sa ang ganda nga nito.

"Bakit ganito na ang resulta ng Morphine? Hindi naman ganito kay Kuya ah?" Tanong ko gamit ang Soul Interaction.

"Dahil siguro nag-level up ako sa Mature-Grade, Tier 23." Sagot naman nito.

"Attack, my beloved undead!" Sigaw ni Thana habang nakataas pa ang kanyang Cajole—ang orb na ginagamit ng mga Nightress Necromancer para ilagay ang kaluluwa ng mga napatay nila para mapasunod ang katawan ng mga ito at gawing Adjunctus. Sumugod naman ang mga undead. Lumipad naman ako at ibinato sa isa ang chained-knife ko. Nagulat naman ako nang pagtama niya sa isang Decayed Selkies ay sumabog ito. Pagkatapos, lahat naman ng natamaan ng mga mga laman ng Selkies na hindi natunaw ng pagsabog kanina ay sumabog sa mga natamaan at nag-tuloy-tuloy ito hanggang nasa fifty na lang ang natira sa napakaraming undead.

"W-What was that?" Nauutal na tanong ni Thana. Kahit ako ay nagulat sa nangyari.

"What was that?" Natanong ko rin kay Garuda. Humagikgik naman ito.

"Sabihin mo, 'yon ang Enhanced Domino Blast Effect," Sagot niya. Kaya timingin ako kay Thana, nginisian ko naman siya at umiiling-iling.

"That's what you call Enhance Domino Blast Effect," Sagot ko. Nakita ko naman ang takot sa mga mata nito.

"Laban!" Sigaw ko at saka naman sumugod papunta sakanya. Bumababa naman siya sa sinasakyan niyang Adjunctus at bumaon naman sa lupa ang Adjunctus niya katapos.

"Sa baba!" Sigaw ni Garuda. Kaya tumingin ako sa baba at bigla namang lumitaw ang dalawang ulong hinganteng bulate at balak sana akong kainin. Iiwas sana ako, kaso mabilis ang paggalaw ng bulate at nakain ng isang ulo niya ang kaliwang braso ko na nagpasigaw sakin ng matindi dahil sa sakit. Bumalik naman ulit ito sa lupa katapos.

"Sayang, muntik kana do'n!" Tumatawang sigaw naman ni Thana na nagpatiim-bagang sakin.

"Arod, tutulungan ka namin!" Sigaw ni Quinn na nakasakay na ngayon kay Echidna. Umiling-iling naman ako.

"Huwag, Quinn. Kahit anong mangyare walang makikialam samin. Papatayin ko siyang mag-isa o mapapatay niya akong mag-isa." Sabi ko. Kita ko namang naging malungkot ang itsura ni Quinn.

"Pero, paano yang braso m—" Putol na sabi ni Quinn dahil sa hindi ko namalayang nasa tapat ko na ang nakabukang bibig ng dalawang ulong hinganteng bulate ni Thana. Lilipad sana ako para makaiwas nang biglang humaba ang isa sa dalawang ulo niya at linamon ako nito ng buo...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon