EPISODE 10/1

138 14 4
                                    

—THE CESSATION—

QUINN'S POINT OF VIEW

"Tell me, what is the way to turn my Mush back?" Seryosong tanong ko. Huminga naman ng malalim ang dragon.

"The potion called Revivre that is hidden somewhere inside the Holy Cathedral of Amelgieri, master." Sagot nito. Tumango-tango naman ako at itinutok sakanya ang payong ko.

"Magpahinga ka muna sa bago mong tahanan—sa Gahena," Sabi ko. Yumuko naman ito, " Rally, Night Mighty Dragon!" Utos ko at may lumabas na kulay dark red na magic circle sa garapan ng tip ng payong ko, pumasok doon ang dragon at naglaho na. Lumapit naman sila Arod, Calin, at Invera sakin.

"Quinn wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo gaya sa unang summon mo kay Satan?" Tanong ni Invera. Umiling-iling naman ako at bumuga ng hangin.

"Ayos naman, ang gaan nga ng pakiramdam ko," Sagot ko. Inabot naman sakin ni Calin ang hat ni Mush na nagpalungkot na naman sakin.

"Nandito lang kami, Quinn. Sasamahan ka namin sa pagkuha sa Revivre." Sabi ni Calin habang hinahagod ang balikat ko. Kaya nginitian ko siya. Itinaas naman ni Invera ang kanyang Ring of League at itinutok sakin. Napangiti naman ito at napapalakpak.

"Quinn, you're officially a Master-Sumus!" Masayang sabi nito at saka ako niyakap ng mahigpit. Yinakap din naman ako nila Calin at Arod.

"Guys hindi ako makahinga!" Sigaw ko naman. Kaya agad silang humiwalay sakin at nagtawanan kami pagkatapos.

"Congratulations, Quinn. Malakas ka pa ngayon samin," Sabi ni Arod.

"Grabe oarang kailan lang nang binibiro ka lang namin na isa ka lang Sane Summoner," Sabi naman ni Calin. Napahagikgik naman ako dahil soon.

"Iyan, napaka-judge mental niyo kase. Wala kayong bilib sakin eh, oarang hindi niyo alam na I'm small but terrible!" Pabirong sabi ko na nagpatawa sakanila.

"Literally Quinn, you're definitely small and terribly strong." Sabi ni Invera sabay kindat sakin.

"Oh ano pamg himihintay natin dito? Tara na, lumakad na tayo at harapin ang huling kalaban!" Masayang sigaw ko sabay suot sa hat ni Mush. Katapos ay hinanap na namin ang pintong papunta sa susunod na floor...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nasa Cathedral na nga ngayon ang Holy Father Callon at si Sister Feline at papunta ngayon sa Pray Room. Wala paring nagaganap na usapan sa pagitan nila hanggang si Sister Feline na ang bumasag sa katahimikan.

"Your Holiness, are you going to tell the upcoming war to the Order of Cathedral and to your constituents?" Tanong ng Madre. Umiling-iling naman ang Holiness.

"Wala pa akong balak na ipaalam ang nalalapit na gera, dahil tiyak na magiging dahilan ito ng paghina ng kapangyarihan ko sa Order of Cathedral at baka mahanapan nila ako ng butas para siraan at pababain sa pwesto," Sagot naman nang Holiness. Nagkunot-noo naman si Sister Feline dahil doon.

"So, kanino po balak sabihin ito? Sinong magiging katuwang mo sa pag-pplano at pagbuo ng mga strategies?" Tanong ng madre. Kaya napatigil sa paglalakas ang Holiness.

"Bukod sa Peace Control Agency na medyo hindi na ako siguradong tutulungan tayo dahil sa ginawa mo ay susubukan kong kausapin ang mga Entereii na inatasayng maglingkod sa tatlong fragments." Sagot nang Holiness at natuloy na sa paglalakad. Napataas naman ng kilay dahil doon si Sister Feline.

"Sino ang mga iyon, Your Holiness?" Tanong ni Sister Feline.

"Makikilala mo rin sila dahil pupunta tayong dalawa sa lugar nila katapos ng Praying Hours." Sagot nang Holiness at saka pinihit ang doorknob na nagbukas sa pinto. Bumuga naman ng hangin ang madre at pumasok naman na ang Holiness.

"You hide a lot of dark secrets, Your Holiness. I wonder what other dark secrets you hide beneath your self." Bulong ni Sister Feline at pumasok narin sa Pray Room...

...

QUINN'S POINT OF VIEW

Katapos ng matagal na paglalakbay at pakikipaglaban sa mga pakalat-kalat na mga Adjunctuses at nakarating narin kami sa pinto ng Ninety-Nineth Floor.

"Do the honor, Captain Malevolent Phoenix Quinn," Pabirong sabi ni Calin. Napangisi naman ako at pinihit na ang doorknob. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kaming pumasok at tumambad samin ang napakalawak na dagat ng magma. Tanging manipis na piraso lang ng bato ang tungtungan namin ngayon na sobrang delikado.

"Sh*t! What the hech is this floor? This floor is super dangerous!" Galit ma sigaw ni Arod.

"Mga mahal naming manonood napunta na nga sa Ninety-Nineth Floor: Magma Ocean, ang kupunan ng ating Malevolent Phoenix. Nakaka-excite partner, sino kayang mahuhulog sakanila riyan? Sana may mahulo!" Sigaw ni Princess Tweqty na nagpatiim-bagang sakin.

"I think we better use our Adjunctus that have the ability to fly for our safety," Suhesyon ni Invera. Tinaguan naman namin siya. Kaya itinutok ko ang payong ko sa itaas, ganon din ang ginawa ni Arod sa singsing niya, at ang salamin ni Calin.

"Roll in, Roll in, Echidna, The Maleficent Prima Donna Boa!" Sigaw ko at lumabas sa pinkish na magic circle si Echidna. Sumakay naman ako sakanya.

"Roll in, Lornt of Water!" Aigaw ni Calin. Lumabas naman si Lornt, "Magkorte kang isang ibon, Lornt." Utos ni Calin na ginawa naman ni Lornt. Katapos ay sumakay narin si Calin s alikuran niya at lumipad papunta samin.

"Roll in, Green Fire Phoenix, Garuda!" Sigaw naman ni Arod at lumitaw na si Garuda mula sa singsing. Sumakay naman si Arod. Katapos ay lunipad na papunta samin.

"Sige, ako naman." Sabi ni Invera at saka nito ibinuka ang bibig. Lumalabas na ang Bolt Dragon Fly sa bibig niya nang may tumamang bola nang apoy kay Invera na nagpahulog dito at nagpabigla samin.

"Invera!" Sigaw naman ni Arod at ililigtas sana sa tuluyang pagkahulog si Invera, ngunit napigilan siya ng rumaragasang bola ng yelo na tumama at nag-froze sa kalahating katawan niya.

May patama namang bola ng pure light Magmus at Venom Bullets, buti na lang at naharangan ito ni Echidna gamit ang Petrification Barrier niya. Katapos ng pag-atakeng iyon ay ang malakas na tawa ng isang pamilyar na boses sa malayo.

"Quinn, as I said, we would meet soon, and it happened the soonest! Hello there Quinn, I am Prince Akalio Silhouette, one of many Princes of Ruendroy Queendom!" Sigaw nito habang papalapit samin at sakay ng isang scorpion na may pakpak ng moth, may isang magandang anghel dim sa uluhan niya na may hawak na trumpeta, at dalawang ibon na may kulay red na feathers ang isa habang kulay bluish at naglalabas ng cold breeze ang isa.

Napalunok naman ako dahil sa kaunting kabang nararamdaman ko.

"Mukhang ito na ang panagakawang Spin-off na masasaksihan natin mga mahal naming manonood, ito na ang paghaharap ng kupunan ng ating Malevolent Phoenix at si Prince Akalio! Sino kaya ang magwawagi? Ang Malevolent Phoenix kaya o si Prince Akalio? Kaya sige na, umpisahan niyo ng tumaya sa booth natin sa gilid!" Sigaw ni Prince Grety...

....

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)°

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon