EPISODE 1/3

197 23 6
                                    

Welcome back, Kyubie Twilight_Sparkle_23 happy to see you again reading my story. Thank you for supporting me even if I was inactived many months ago. This chapter is dedicated to you!

...

QUINN'S POINT OF VIEW

"Quinn, narinig mo na ba ang balita tungkol sayo?" Tanong ni Calin sakin na kararating lang dito sa labas ng tarangkahan ng Amelgieri, sa aming meeting place. Nag-stay muna pala kami ng isang gabi sa inn dahil sa masyadong malayo ang lakaran kung manggagaling ka sa Cathedral papunta dito sa tarangkahan ng Amelgieri. Si Calin naman ay na-late kase siya ang naatasang bumili ng mga pagkain na babaunin namin.

"Uh? Hindi pa, napano ba?" Nagtatakang tanong ko. Inabot niya naman ang isang bag na puno ng tinapay.

"Sabi-sabi kanina sa may pamilihan eh nagsulat ka raw ng napakabastos na sulat kay Holy Father Callon, ginawa mo ba yin Quinn?" Tanong ni Calin. Nahulog naman bigla ang panga ko dahil doon.

"H-Hindi, wala akong sinulat na ganyan. Oo nag-iwan ako ng sulat, pero walang ano mang bahid ng pambabastos ang sulat na yon," Sabi ko. Napahawak naman sa baba si Aros at umiling-iling.

"Mukhang kahit umalis kana ayaw ka paring tigilan ng Order of the Cathedral, lalo na si Cardinal Alkaldre," Sabi ni Arod. Napabuga na lang ako ng hangin at tumalikod at tinignan ang malawak na tanawan sa labas ng tarangkahang ito.

"Gusto mo ba muna linisin ang pangalan mo bago tayo umalis, Quinn?" Tanong ni Calin. Umiling naman ako at hunarap sakanila.

"Huwag na, sigurado akong hindi rin pababayaan ni Cardinal Alkaldre na malinis ko ang pangalan ko. Kaya, ipagpatuloy na lang natin ang paglalakbay," Sabi ko. Pumunta naman sila sakin at tinapik ang balikat ko, "By  the way, saan pala una nating pupuntahan?" Tanong ko.

"Ito oh," Sabi ni Calin. At saka siya may inabot saking poster. Kinuha ko naman ito at nakita kong Poster siya about sa paghahanap ng Centaur Plane ng mga kalahok para sa Annual Mayhem nila.

"Tara na? Puntahan na natin agad yan!" Sabi ni Arod. Kaya binigyan ko sila ng malawak na ngiti at tango.

"Tara na!" Sigaw ko at saka tumakbo papunta sa Contour Palette Forest, kung saan kalabas mo ay makikita mo na ang tarangkahan papasok sa Centaur Plane.

"Quinn! Huwag kang masyadong ma-excite masyadong delikado ang gubat!" Sigaw naman ni Arod habang hinahabol ako. Napatigil naman ako nang may bigla na lang lumitaw na kulay pula, malaki, nagngangalit ang mga matang nakatingin sakin. Punonrin ito ng natutulis na ngipin at kuko. Hahampasin na sana ako mito, buti na lang at nahigit ako ni Arod at tumalon sa isang puno para makaiwas kami.

"Roll in, Escar of Wind!" Sigaw naman ni Calin habang tinututok sa Adjunctus na ito ang hugis bulaklak niyang salamin at may lumitaw na kukay puting magic circle. Bigla namang lumabas mula sa doon ang isang kaluluwa ng magandang babae na may hawak ng napakalaking espada na gawa sa hangin at tinaga ang Oso. Nasalag naman ito ng Oso. Itinutok naman ni Arod sa Oso ang green na Ring of League niya at saka lumitaw ang hologram na naglalaman ng impormasyon tungkol sa nilalang.

"Red Insane Bear, Mali Feral, Infant - Grade, Tier 9. Wow, grabe ang lakas na ng Adjunctus na ito para sa isang Infant - Grade," Sabi ni Arod. Tapos ay tumingin siya sakin at inilapag ako sa sanga, " Kahit anong mangyari hiwag kang bababa, ah Quinn? Gusto ko lang kunin to para gawing Adjunctus ko." Sabi niya pa. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.

"Sige-sige, nandito naman si Mush para protektahan ako," Sagot ko. Tapos ay tumalon ito, kinuha ang earring niya sa kaliwang taonga, at itinutok ito sa Oso.

"Roll in, Julia the Sky Hunter!" Sigaw naman ni Arod. Bigla namang may kulay itim na magic circle ang kumitaw sa may earring niya at lumabas mula doon ang isang napakalaking kulay purong itim na uwak, may matulis na gawa sa silver utong tuka at mga kuko. May ahas din naman ito bilang buntot. Sinugod naman ng ibon ang Oso, ngunit tumalon lang ang Red Insane Bear at nag-growl.

"Huwag ka ngang makialam, ako na papatay dito," Sabi ni Calin. Ito na naman ang mag-aaway na naman sila.

"Di mo naman dapat patayin, ako na ang bahala. Gagawin ko siyang Adjunctus, alis diyan," Sagot namna ni Arod. Napabuga na lang ako ng hangin dahil doon.

"Huwag na kayong mag-away, ayahan mo na kay Arod iyan, Calin! Hindi mo rin naman siya ma-tatame lalo na isa kang Espiritusbound Summoner, habang si Arod naman ay isang Feralghard. Kaya ayahan mo na!" Sigaw ko naman mula dito sa puno. Napabuga na lang ng hangin si Calin.

"Rally, Escar of Wind," Sabi naman ni Calin. Tinutok ang salamin, naglabas ng kulay puting magic circle, at pumasok naman ang kanyang Adjunctus, "Ikaw na bahala diyan. Huwag kang papatalo, masasapak ka sakin." Sabi pa niya.

"Oo naman, para kay Quinn." Sagot naman ni Arod sabay kindat sakin na nagpangiwi sakin.

"Julie, I command you to do the Morphine!" Sigaw ni Arod. Naghubad naman ng damit si Arog at ibunuka ang kanyang mga kamay at may lumitaw namang kulay red na magic circle ang lumitas sa harap niya. Pumunta namam sakanya si Julia at pumasok sa magic circle. Bigla namang umilaw ng kulay itim ang buong kayawan niya. Nang mawala ang liwanag ay bigla na lang nagkaroon pares ng kulay itim na pakpak si Arod, nagkaroon ng itim na armor, at isang silver na espada na may korteng tuka ng isang ibon.

"Woah! Ang galing naman, first time kong nakita yan ah!" Nabibilib na sigaw ko. Kinindatan naman ako ulit ni Arod na nagpangiwi ulit sakin. Lumipad naman ito at itinutok sa Red Insane Bear ang kanyang sword. Sinalubong naman ito ng oso at nagsalubong ang espada ni Arod at kuko ng oso. Umikot naman sa ere si Arod at magbigay ng force s akanyang espada na nagong dajilan para maputol nito ang kuko na oso. Dahil doon ay nagkaroon si Arod ng pagkakataon para makatama siya sa oso at mapatumba ito.

"Yes! Bagong Adjunctus na naman!" Masayang sigaw ni Arod. Kaya naman bumaba na ako ng puno at nilapitan siya at tinapik ko ang balikat niya.

"Oh, saan mo balak gawan ng dimensyon ang bago mong Adjunctus?" Tanong ko. Kinalas niya naman ang kwintas niya at iniharap sa Red Insane Bear.

"Dito na lang siguro sa bigay na kwintas aakin ni Sister Feline," Sagot ni Arod. Si Sister Feline nga pala ang nag-aalaga sakanya, sentimental sakanya ang kwintas baka mahalaga talaga ang Adjunctus na ito para sakanya.  Bigala mamang may pumalakpak sa may may likuran ng puno at mula s adilim ay nagpakita ang isang lalaking may suot ng red cloak at may maskara na korte ng mukha ng dragon ang suot nito.

"Magaling, natalo niyo si Casper, pero paano kaya ang mga ito?" Tanong ng lalaki. Pumalakpak ito at doon namin nakita ang iba't ibang uri ng Adjunctus na mukhang galit na galit na nakatingin samin at pinapaligiran kami ngayon.

"Dragon Mask Bandits," Bulong ni Calin. Kaya, napakapit ako sa braso no Calin at takot na takot na nakatingin sa mga ito...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now