EPISODE 2/3

150 14 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

(Outside the Labyrinth where other races are watching the Mayhem outside the Ruendroy Palace.)

"Maganda ang pinapakita ng group ng ating Heretical Sane Summoner dahil sa nakapasok na sila ngayon sa ikalawang palapag ng Labyrinth, hindi ba nandito narin ang nasa limang grupo, partner?" Tanong ni Prince Grety sa kanyang kapatid na si Princess Tweqty.

"Yup, partner! Kasalukuyan nga na nahihirapan ngayong makapunta sa ikatlong palapag ang iba dahil sa nandito ang hive ng Queen Blood Bee, Pester type, Mature - Grade, Tier 23, na kung saan dugo ang iniimbak nila imbes na matamis na honey. Oh no, isang grupo na ang nabiktima ng workers ng reyna!" Sigaw ng prinsesa. Kita naman sa screen na tumusok ang needle ng mga Worker Blood Bees sa limang Ice People na grupong tinukoy ng prinsesa. Marami namang na-dismayang manonood dahil doon.

"Pwe! Sayang pinusta ko sakanila!" Galit na sigaw ng isang mayaman na Elf.

"Oh! Napatay na ng Roll of Molten Armadillo ang sampong grupong hinabol nila. Mukhang tagumpay ang ginawang plano ng grupo ng mga Centaur ah," Komento ng prinsepe. Tumango-tango naman ang kapatid niya at pumalakpak.

"Napaka-utak talaga ng kanilang leader na hanggang ngayon ay hindi natin alam ang pangalan. Pero hindi ba isa na siyang Master-Sumus Shadowbound Worshiper?" Tanong ni Princess Tweqty. Tinanguan naman siya ng kapatid; makikita naman ngayon na halos malusaw na ang laman ng sampong grupo na natamaan ng mga fire ball ng mga Molten Armadillos.

"Yes partner, at alam ko ang dalawa niyang kasama ay Tri-Sumus na. Sumali sila ngayon ng kusa dahil daw sa kailangan nila ng malaking halaga ng pera! By the way partner, kita mo ba ang galit sa mata ng leader nila dahil sa hindi niya na habol ang grupo mg Sane Summoner? Napakaganda! Puno ng galit at desperasyon!" Sigaw pa ng prinsepe habang tumatawa ng sobrang lakas.

"Partner, hindi na talaga ako makapaghintay na marnig nila ang ating boses at marinig ang comments natin!" Excited na sigaw ni Princess Tweqty. Kinikilig na tinapik-tapik naman ni Prince Grety ang balikat ng kapatid.

"Ako rin hindi na makapaghintay, pero ayon sa instruction ng ating mahal na reyna ay kailangan muna nila makatungtong ng ikatlong palapag bago nila marinig ang boses natin. Exciting daw kase dahil parang bulag ngayon ang mga kalahok, hindi nila alam kung ilan na lang silang natitira o nasaan ang lokasyon ng mga kapwa nila kalahok. Hindi ba mas exciting iyon?" Tanong ng prinsepe. Tumawa naman si Princess Tweqty dahil doon.

"Napakagaling talaga ng ating reyna pagdating sa pagpapahirap ng mga nilalang. Long live the Queen! Oh, mga bagong dating na manonood, huwag niyong kalimutang pumusta bago umupo sa mga seats ninyo, malay niyo, ang mga kalahok na pinagpustahan niyo ang manalo, ttriple ang perang pinusta niyo!" Sigaw pa ng Prinsesa. Kaya nagsitayuan na ang mga bagong dating na manonood na nagmula pa sa iba't ibang lahi; merong mga nobels, royalties, adventurers, at mga mahihirap na hayok sa sugal ang mga nanonood ngayon at pumupusta sa Mayhem ng Ruendroy Queendom...

...

QUINN'S POINT OF VIEW

Naka-upo kami ngayon at magpapahinga sa isang lilim na nahanap namin sa ilang minutong paglalakad nang maka-pasok kami sa pinto. Dama ko ngayon ang mga tingin na pinupukol sakin ni Calin. Kaya huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.

"Sige na Calin, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Kanina ka pa titig ng titig sakin, nakakairita," Inis na sabi ko. Sinubukan naman nitong tumingin sakin pero umiwas ito nang magtama ang mga mata namin.

"Sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka at sabihan kang lampa kanina. Sorry, Quinn," Sabi niya sabay yakap sakin. Yinakap ko naman siya pabalik at hinagod ang likod niya.

"Hoy! Isama niyo ako!" Sigaw naman ni Arod at niyakap din ako. Itinulak ko naman sila ng onte para mapahiwalay sa yakap nila dahil sa may nararamdaman akong kumikibot-kibot sa ibabang parte nila.

"Dyusko naman, pwede bang ikalma niyo mga kahabahan ninyo, tinitigasan pa pala kayo kahit ganito sitwasyon natin ano?!" Inis na sabi ko naman. Nagtinginan naman silang dalawa at tumawa.

"Pasensya na, pero hindi pa matigas mga yan, talagang mahaba lang at mataba," Sagot naman ni Arod habang tumatawa. Nahulog naman sa sahig ang aking panga dahil sa gulat.

"What the heck ang banastos niyo!" Sigaw ko naman sabay sampal sa mga braso nila, na lalo namang nagpatawa pa sakanila.

"By the way, sa tingin ko nasa second floor na tayo ng Labyrinth, at mas lalo tayong mag-ingay dito dahil sa loob ng Labyrinth ay habang tumataas ang naabot mong floor mas lalo namang nagiging mapanganib ang paligid," Sabi ni Calin. Kaya tumigil naman sa pagtawa si Arod at nagsalung-baba.

"Totoo yan, Cal. Kaya siguro hanggang maaari ay takbo at tago muna ang gawin natin hanggang makita natin ang door papunta sa third floor," Sagot naman ni Arod. Bigla namang may mga kalampag na papalapit samin ang aming narinig. Kaya sumulip ng kaunti si Arod.

"Shhh, f*ck! Nandito na yung Centaur na umatake satin at may kasama siyang dalawa pang Centaur," Bulong ni Arod. Bigla namang yumakap sakin si Mush na tila ba ay takot na takot ito. Kaya hinimas-himas ko ang kanyang ulo.

"Shhh, siguro ay natatakot ka parin sa Limbo Baby ano Mush? Huwag ka ng matakot, poprotektahan kita gaya ng pag-protektang ginawa mo sakin sa mga bandido," Bulong ko kay Mush. Kaya napangiti naman ito at nag-tatalon.

"Mush! Mush! Mush!" Sigaw nito. Kaya tinakpan ko ang bibig niya at napatingin naman sakin sila Calin at Arod.

"Sinong nandiyan?!" Pasigaw na tanong ng Centaur habang nakatingin ito kung saan kami nagtatago.

"Rod, Quinn, kapag nakalapit pa siya ng kaunti no choice tayo kung hindi lumaban," Bulong ni Calin. Tinanguan naman namin siya at hinigit naman ako ni Arod papunta sakanya, kaya napasandal ako sa may mismong crotch niya. Para namang uminit ang pisngi ko ng makapa ko na naman iyon. Mas lumalapit naman ang dahan-dahan paglakad ng Centaur papunta samin na nagpaparamdam ng kaba sakin. Kita ko naman na tumalon ang Centaur at nawala sa paningin ko. Ilang saglit pa ay...

"Huli kayo!" Sigaw ng Centaur...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now