EPISODE 10/3

114 12 9
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"W-What is happening?" Nauutal na tanong ni Quinn habang nakatitig sa anghel na sinisipsip parin ang Shadow Manor ni Ahriman.

"H-Hindi ko ma-cancel ang Shadow Manor." Sabi ni Ahriman na pilit kinakansela ang mismong kapangyarihan.

Tumawa naman ng malakas ang prinsepe at sinabing, "This is exciting, Quinn. You'll love this, promise!"

"Atakihin ang anghel!" Sigaw ni Quinn. Tinanguan naman siya nila Echidna at Ahriman sabay lipad papunta kay Saint Ramiel.

"You're not allowed, Quinn!" Sigaw naman ng prinsepe na sinalubong sila ng daan-daang explosive arrows at frozen needles.

"You think that can stop us?!" Sigaw ni Quinn at saka kinontrol ang mga Dark Bombard niya at hinigop ng mga Dark Bombard ang mga atakeng papunta kay Quinn. Habang sila Echidna at Ahriman naman ay hinarangan ang mga pumunta sakanilang explosive arrows at frozen needles.

Gigil na gigil naman sa tabi si Arod na pinipigilan ni Calin na makialam. Masakit pa kase ang nangyari kay Invera na hanggang ngayon ay hindi tanggap ni Arod.

"The last attacks couldn't stop you, but this can! Fiery-Cold Riffle!" Sigaw ni Prince Akalio at mula sa purong Magmus essence ay gumawa siya ng isang riffle na may tint ng blue sa edge nito at read naman ang natitirang kulay nito. Niratrat naman ng prinsepe sila Quinn ng fiery, explosive bullets at freezing bullets na alternate na lumalabas sa riffle.

Kinontrol naman ulit ni Quin ang mga Dark Bombard niya at sinipsip ng nga ito ang mga bullets na tumatama sakanila, ngunit may mangilan-ngilan na dumaplis sa balat ni Quinn na nagpangiwi rito.

"Echidna, Ahriman. Bibigyan ko kayo ng time para makalapit jay Saint Ramiel at mapigilan ito." Sabi ni Quinn. Tinanguan naman siya nila Echidna at Ahriman na dinedepensahan din ang sarili sa mga balang pumupunta sakanila.

"Step flash!" Sigaw ni Quinn at ilang saglit pa ay napunta ito sa harapan ni Prince Akalio na ikinabigla ng prinsepe. Mabilisan namang inatake ni Quinn gamit ang mga kuko niya ang prinsepe, ngunit mas mabilis kumilos ang prinsepe sakanya at ang kaninnag riffle ay nagbago agad ng anyo bilang isang flaming sword at ice sword na humarang sa atake ni Quinn.

"Moves like a sloth, uh? Taste this!" Sigaw ni Prince Akalio sabay buka ng bibig at bigla na lang may dalawang napakalaking bullet ants ang lumabas sa binig ng prinsepe na tumama mismo sa mukha at bandang dibdib ni Quinn na nagpatilapot dito.

"Calin, tara na at tulungan si Quinn!" Sigaw ni Arod nang makita ang pagtilapon ni Quinn. Umiling-iling naman si Calin habang nakatingin ng seryoso sa bumubulusok na si Quinn.

"Malaking kabastusan yun kay Quinn at masisira ang plano niya!" Sigaw naman ni Calin. Nagkunot-noo naman si Arod at nginisian si Calin.

"Palibhasa hindi ikaw ang namatayan. Paano kaya kung si Quinn ang namatay? Baka ganito karin!" Sigaw ni Arod na nagpatiim-bagang kay Calin at nasuntok niya si Arod.

"Huwag na huwag mong idadamay ang oangalan ni Quinn sa usapang ganyan Arod! Lalo na at nasa ganitong labanan siya, hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala ngayon at kung gaano ko kagustong tulungan siya! T*ng ina! Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo pero sana isipin mong may mga taong umiintindi at gusto kang tulungan maipaghiganti si Invera gaya ni Quinn! Ginagawa niya ang lahat ngayon Arod, at ang masakit wala man lang alo magawa dahil ito ang kagustuhan at plano niya! Arod, the least thing we could do by this moment is to wait patiently to Quinn and act if something bad happens!" Galit na lintaya ni Calin na nagpatahimik naman kay Arod.

"Bullsh*t!" Sigaw ni Quinn nang tumama na siya sa may dingding ng floor at nagpasuka sakanya ng dugo. Patuloy parin naman ang pagdikdik ng mga higanding bullet ant sakanya.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now