EPISODE 9/2

112 12 10
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

"Partner, malapit na talagang magharap si kuya, Prince Akalio at ang kupunan ng ating Malevolent Phoenix fahil nasa Ninety-Sixth floor na sila, an Intoxication Floor na kung saan may chemical na nakahalo sa hangin na fahilan para mas dumoble ang lakas ng mga Adjunctus na pagala-gala rito!" Sigaw ni Princess Tweqty.

"Sabi na! Kaya parang may kakaiba sa lugar na ito. Quinn, huwag ka munang lumaban. Ikaw lang talaga pag-asa kapag nakaharap natin si Prince Akalio," Sabi ni Arod. Linalabanan nila ngayon ang isang Scorpio Queen na nasa Juvenile-Grade pa lang peroas higit pa doon amg lakas nila. Napuruhan narin ang ibang Adjunctuses nila kaya nahihirapan narin kami. Naka-Morphine ngayon si Arod kay Julia, habang gamit naman ni Invera ang dalawang Sword Mosquitos niya.

"Sige, pero dito lang ako sa likod niyo, may alam akong kaunting healing magic. Baka makutolong lang." Sagot ko naman at saka naman tumakbo ako sa likuran nila. Pero biglang may malaking kulay itim ma ahas na may apat na sungay ang sumugod sakin. Buti na lang at naharangan ito ni Calin na naka-Morphine naman kay Lornt. May pasugod pa sakin ng isa pang Adjunctus na mukhang tigre na may buntot ng centipede. Buti na lang at naharangan din ito ni Arod. Itinaas ko naman ang Ring of League para tignan kung anong klaseng Adjunctus ito.

"Kailangan nating makalabas dito sa lugar na ito. Masyadong dilikado rito." Sabi ni Calin na may nilalabanang Sinister Serpent, Repters Feral, Juvenile - Grade, Tier 13. Medyo nahihirapan kami sa pagharap dito dahil hindi pa ganon kalakas ang mga Adjunctus namin.

"Ako ng bahala, Quinn sa likod ka lang at i-heal mo kami kapag may napuruhan samin," Sabi ni Arod. Tinanguan ko naman siya at kasama si Mush ay nagtago kami sa likod ng isang malaking bato.

"M-Master, p-parang may iba ang nararamdaman," Sabi naman ni Mush. Kaya napatingin ako sakanya at nakitang naging kulay blue siya at nahihirapan siyang imulat ang nata niya ngayon na nagpatakot sakin.

"M-Mush, anong nangyayari sayo? Mush?!" Natatakot na tanong ko. Sinubakan niya namang buksan ang isang mata niya.

"H-Hindi ko rin alam, master. Basta nag-umpisa na may maramdaman akong iba no'ng ," Nahihirapang sagot ni Mush. Kaya niyakap ko siya at may luha nang tumulo sa mata ko.

"M-Mush, ano ba ang dapat kong gawin? Kailangan ba kitang i-Morphine o kailangan ba kitang ibalik sa Gahena? Mush, hindi ako makakagamit ng healing magic kung hindi ako makikipag-Morphine," Humihikbing tanong ko.

"M-Master, i-harap mo ako sayo gusto ko makita mukha niyo," Sabi ni Mush. Kaya naman iniharap ko siya at nakitang pilit siyang ngumingiti.

"W-Wala kang dapat gawin, master. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero aaminin ko, natatakot ako. Ayaw ko pang mawala sayo master, ayaw ko," Umiiyak na sabi niya. Umiling-iling naman ako habang hinahagod ang kanyang ulo.

"Shhh... Huwag kang magsalita ng ganyan, Mush. Hindi ka mawawala sakin," Sabi ko. Bigla namang sumigaw ng malakas si Mush na nagpabahala sakin, "M-Mush, anong nangyayari sayo, Mush?" Tanong ko. Bigla niya naman nitong idinilat ang mata niya na kulay black ngayon at bigla akong sinakal.

"Hello there, Quinn!" Sigaw ni Mush, pero iba na ang boses nito, boses itong batang babae...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nakarating na nga sa destinasyon nila sila Holy Father Callon, Klonopin, at si Clarine. Lumanding sa tuktok ng isang building na may korteng korona ang Mariposa Dragon, sinalubong naman sila ng dalawang nilalang na nakasuot ng kulay grey na cloak na may hood.

"Welcome to the Peace Control Agency, Holy Father Callon. I am Apolo Chaver, and this is my partner, Okarue Cavalieri. Please, follow us," Sabi ni Apolo. Nagpati-una na nga itong lumakad at sumunod naman sila Holy Father Callon.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now