EPISODE 6/4

130 14 1
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Sugurin sila!" Sigaw ni Christ. Nagmadali naman sa pagluhod si Arod sa harapan niya na nagpagulo kay Christ, "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Christ.

"N-Nagmamakaawa ako sayo, wala na halos kaming natitirang Magmus sa Power Core namin at pagod narin. Pwede bang pagpahingahin mo muna kami bago kami lumaban sainyo? Para naman mabigyan namin kayo ng magandang laban." Sabi ni Arod na ibinaba ang pride para sa kaligtasan ng mga kasama. Tinawanan naman siya ng mga kasamang dwarves sa likod ni Christ.

"Mga mahihinang nilalang. Boss, huwag kang makinig sakaniya. Tara na, sugurin at patayin natin sila!" Sigaw naman ng leader ng mga Dwarves na si Dwarfto. Itinaas naman ni Christ ang kanyang kanang kamay para pigilan ang mga dwarves.

"Tigil, pagbibigyan natin sila." Sagot naman ni Christ na nagpabigla sa mga kasamahan ni Arod at ang mga kasamahan ni Christ na mga Dwarves. Nagbulong-bulungan naman ang iba pang mga dwarves.

"B-Boss, bakit bak-"

"Manahimik ka, Dwarfto. Ako ang boss at ako ang masusunod. Ayaw kong matulad sa Chief ng ating lugar na napakasama at walang konsiderasyon at naging dahilan kung bakit tayo napunta rito," Bulong ni Christ sakanya. Kaya natahimik ang dwarft.

"Pakiusap, gusto lang namin kayong bigyan ng magandang laban," Sabi pa ni Arod. Kaya lumapit sakanya si Christ at may kinuhang potion sa bag nito.

"Oh, kunin mo at inumin niyo ito," Sabi ni Christ. Pero nag-aalangan si Arod sa pagkuha na nagparolyo sa mga mata ni Christ, "Huwag kang mag-alala. Low-grade recovery potions iyan, hindi lason." Sabi naman ni Christ. Kaya nahihiyang nginitian siya ni Arod at kinuha ang mga potions at pumunta sa mga kasama. Sinundan naman siya ni Christ. Naalerto naman sila Calin at Invera.

"H-Huwag kang lalapit," Sabi ni Invera. Umiling-iling naman si Christ.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako lumalaban sa mga nilalang na alam kong mahina pa at hindi ako kayang bigyan ng maganda at patas na laban," Sabi naman ni Christ. Kaya kumalma sila Calin at Invera. Inabot naman ni Arod sakanila ang low-grade recovery potions at pina-inom.

"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Calin kay Christ habang pinapainom nito ang low-grade recovery potion sa walang malay na si Quinn.

"Sabihin na nating naranasan kong maapi na wala man lang akong kalaban-laban, kaya ayaw na ayaw kong lumalaban sa mga nilalang na alam kong hindi papantay sa lakas ko," Sagot ni Christ. May ngiti namang nabuo sa kaninang malamig na si Christ sa patingin niya kay Quinn na nasa kanlungan ni Calin ngayon.

"May problema ba kay Quinn?" Tanong ni Calin. Umiling-iling naman si Christ at huminga ng malalim.

"Wala-wala, naalala ko lang ang kapatid kay Quinn," Sabi ni Christ. Bia namang namunbalik ang mga mapait na ala-ala ni Christ dahil sa sinabi niyang iyon...

...

CHRIST'S POINT OF VIEW

(Backstory of Christ Arder Gin Burne...)

"Kapag hindi ka pa nakapagbayad ng tax, papalayasin na kayo sa mansion ninyo. Ang lakas ng loob niyo kasing magtayo ng mansion, eh malulugi lang naman pala ang business niyo. Alam mo, kasalanan talaga ito ng mga magulang mo eh, nagpapatay ba naman sila ng maaga sa mga Fae Bandits." Sabi sakin ni Chief Freuderi - ang Chief ng arm forces ng aming lugar. Yumuko naman ako at pilit na pinapahaba ang pasensya ko. Nasa harapan ako ngayon ng pintuan ng mansion namin na nakatayo sa Capital ng Frostpeak Kingdom, Republic of Aestheian.

"Pasensya na po talaga. Baka sa susunod pa pong linggo kami makakabayad dahil sa wala parin pong bumibili sa mga bagong gawang necklace namin. Isa pa, huwag niyo naman pong pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko." Malumanay na sabi ko naman.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now