EPISODE 5/4

148 12 0
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

Nang binuksan ko nga ang pinto at pumasok na kami doon ay tumambad naman samin ang lugar na parang malawak na simenteryo na nagpakilabot sakin.

"Ito na! Nakarating na nga ang grupo ng ating Malevolent Phoenix sa forty-first floor na kung tawagin ay Rancorous Graveyard! And update lang partner, sa ngayon ay nasa lima na lang silang kalahok ng palarong ito. Ang grupo ni Mystery Centaur ay nasa sixtieth floor parin at kasalukuyang linalabanan ang isang Twin Medusa's Head Anaconda, habang ang kupunan ni Ice person na si Christ ay nasa Door of Fortune Room sila ngayon kung saan maaaring makapunta agad sila sa one hundredth floor or mapunta na naman sila sa third floor. Habang ang kupunan naman ni Demi ay nasa seventy-ninenth floor na, at ang pang huli. Ano ito! Nasa forty-first floor din ang solo player natin na si Thana! Nakaka-excite tuloy kung sino ang matitira sakanila!" Excited na sigaw ni Prince Grety. Napakunot naman ang noo naming lahat.

"Sino kaya si Thana na nandito narin kasama natin?" Tanong ko sakanila. Bigla namang umuga ang lupa. Kaya napahawak ako kay Calin dahil sa hilong naramdaman ko. Bigla naman ay nag-crack-crack ang lupa at lumabas mula sa mga bitak ang mga nabubulok na katawan ng mga iba't ibang lahing nilalang na nakasuot ng mga sira-sirang armor pero may mga magagandang espada na parang bagong-bago. Bigla na man ay yumanig ulit ng napakalakas at bigla namang may lumabas na napakalaking bulate na may naaagnas na katawan, at may dalawang ulo na puro pangil lang ang makikita. Bigla namang may lumitaw na babaae at unti-unti siyang naglakad hanggang sa masulyapan ko siya ng buo.

"Hello there, I'm Thana Houghour Leveyth, Tri-Sumus, Nightress Necromancer!" Sigaw niya. At saka itinaas ang kanyang tungkod na may itim na bolang crystal sa may tuktok. Dahilan para maglabas ng nakakakilabot na aura ang mga bangkay at nabigla naman kami nang magpalakpakam sila habang naka-ngiting nakatingin kay Thana. Maganda si Thana, may oval-shaped face ito, small eyes, curly lashes, flat brows, small flat nose, pouty lips, may kukay red siyang kaliskis sa may shoulder niya. Morena siya at sa tansya ko ay kasing tangkad ko siya. Nakasuot siya ng dress na kulay rainbow ngayon.

"Woah! Woah! Woah! Nagharap na nga ang kupunan ni Malevolent Phoenix at ng nag-iisang Thana, the Member of Old Dragonite Assassins!" Sigaw ni Princess Tweqty.

"Parang pamilyar siya at ang Adjunctus na iyan. Pero hindi ko matandaan saan ko siya nakita." Sabi ni Arod. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon nang nakangiting si Thana kanina mang mapatingin ito kay Arod.

"Oh! Is that you, Arod?" Tanong ni Thana na nagpa-taas ng kilay naming lahat, "This is me, Thana. The one who killed your brother and the one who almost killed you, long time no see!" Tumatawang sigaw nito kay Arod.  Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga nangyari nang minsan pumunta kami sa Phoenix Fortress para sana hanapin ang mga magulang ni Arod five years ago kasama si Sister Feline...

—Flash Back—

Nasa Phoenix Fortress Port kami ngayon para salubungin ang nagpapakilalang kuya ni Arod. Kanina pa nga mukhang kinakabahan si Arod dahil sa mga naiisip niyang masamang mga posibilidad. Kaya hinawakan ko ang kamay niya na sobrang lamig ngayon at nginitian siya.

"Kumalma ka lang, Arod. Sigurado akong isa na talaga siya sa pamilya mo," Sabi ko. Napabuntong-hininga naman si Arod.

"Sampong beses mo nang sinabi yan, Quinn. Marami nang nagpakilalang pamilya ko, pero hindi naman nag-mamatch ang Phoenix Bond namin kapag nagkayakapan kami. Ayaw ko naman nang umasa pa," Sabi ni Arod. Kaya pinitik ko ang noo niya na nagpahawak sakanya doon.

"Basta maniwala ka sakin!" Sigaw ko at saka siya yinakap. Kita ko namang may lumapit na lalake na kamukhang-kamukha ni Arod at sa kulay green na buhok lang ng lalaki sila nagka-iba. Lumapit naman ito kay Sister Feline.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now