EPISODE 7/1

116 16 7
                                    

—THE MASTER-SUMUS—

QUINN'S POINT OF VIEW

"Master, gising..." Sabi ng pamilyar na boses ni Satan. Dagli ko namang binuksan ang mata ko at nakita na naman ang napakaraming kulungan sa Gahena. Kita ko namang nakangiti si Satan, Mush, at Echidna sakin. Kaya binigyan ko rin sila ng malawak na ngiti. Tumalon naman si Must at niyakap ako sa leeg.

"Kumusta, master? Ang tagal ko na kayong hindi nayayakap, na-miss kong mag-stay lang sa tabi niyo," Sabi ni Mush. Hinimas-himas ko naman ang likod niya at iniharap sakin.

"Ako rin, sobra kitang na-miss," Sabi ko naman.

"Paano naman ako?" Tanong ni Satan na naka-pout ngayon. Natawa naman ako at umiling-iling.

"Na-miss din kita. Kaso alam mo namang maraming Magmus ang kailangan sa isang napakalakas na Shader na tulad mo, hindi ba?" Tanong ko. Huminga naman siya ng malalim at tumango-tango.

"Understood," Sagot pa ni Satan.

"By the way, bakit pala nandito ulit ako sa Gahena?" Tanong ko. Lumapit naman si Echidna na pansin kong putol parin ang sungay, pero ayos na ang mga pakpak nito. Nakaramdam naman ako ng biglang lungkot dahil naalala ko na naman ang pagliligtas niya samin. Binaba maman nito ang ulo niya at saka pumikit. Kaya naman hinaplos-haplos ko ito.

"Master, huwag kang mag-alala at makaka-recover din ako sa pinsala." Sabi niya na nagpangiti sakin.

"Alam mo talaga ang iniisip ko. Pasensya na sa pagiging mahina ko at hindi man lang ako nakatulong sayo," Sabi ko naman. Umiling-iling naman ito.

"Ayos lang iyon, master. Siya nga pala, narito ka ngayon dahil may gustong makipag-contract sayo na isa sa mga bilanggo ng Gahena," Sabi ni Echidna. Napakunot naman ang noo ko dahil doon.

"Sino naman?" Tanong ko. Bigla namang tumalikod si Satan at naglakad.

"Sundan mo ako, master," Sabi niya. Tinaguan ko naman siya at sinundan. Kung nag una kong pagpunta rito ay puro sigaw at pangggigil ang naririnig ko sa mga hawla, ngayon naman ay katagimikan, ngunit dama ko ang mga matang nakatingin sakin. Bigla naman ako na-curious nang dahil sa napakaraming nakakulong dito.

"Satan, may tanong ako," Sabi ko. Kaya tumigil saglit si Satan at tinignan ako.

"Ano yun, master?" Tanong niya.

"Bakit ang daming nakakulong dito?" Tanong ko. Tumingin naman sa paligid si Satan at huminga ng malalim.

"Legion ko sila o sa madaling salita ay ang army at mga generals ko na ikinulong din ni Yuwhe kasama ko at katulad ng ginawa niya sakin, may mga unique curse lock ang lahat ng mga hawla na ginawa niya na ang iba ay tanging si Yuwhe lang ang may alam paano buksan. Hindi naman lahat ay mahirap ang curse, tulad ng gustong makipag-contract, kailangan niya lang ng master na pagsisilbihan niya," Sagot naman ni Satan. Nagpatuloy na siya sa paglalakad, kaya sumunod narin ako sakanya. Ilang saglit pa ay tumigil kami sa napakalaking. May nakita naman akong nakasulat dito na binasa ko.

"Whom thou shalt not covet," pagbasa ko.

"You read the warning," Sabi naman ng boses sa loob ng hawla na nagpabigla sakin, "But, if you are really a daredevil, go ahead and earn me, master." Dagdag pa nito.

"Gumalang ka, Lieutenant Ahriman!" Sabi ni Satan at saka ito timingin sakin, "I present to you, master. The first Lieutenant of my Legion, Lieutenant Ahriman of Chaos." Sabi ni Satan. Doon naman ay bumukas ang sulo sa gilid ng hawla ni Ahriman at doon ko nakita ang isang napakalaking lalaki na may ulo na parang bungo ng baka na may anim na sungay, ngunit kita ang magandang jatawan niya sa suot niyang black cloak at tela na tumatakip sa ibaba niya. Puno siya ng naglalakihang muscles at na may eight pack abs din ito. Matanggad siya dahil halos kasing tangkad na siya ngayon ni Satan. May hawak naman siyang higanting scythe na mukhang napakabigat.

"Greetings, master. Please, give the Chalis a drop of your blood to sign the contract," Sabi ni Ahriman. Bigla namang lumitaw sa harapan ko ang kalis. Kaya naman kinagat ko na ang hinlalaki ko at ipinatak na sa loob ng kalis ang aking dugo. Lumapit namna pagkatapos ang kalis kay Ahriman. Tinusok naman niya ang hintuturo niya sa dulo ng kanyang scythe at ipinatak ang dugo sa loob ng kalis. May naramadaman naman akong kakaibang pakiramdam sa katawan ko; hindi ito masama, sa totoo niyan ay parang gumaan ang buong katawan ko. Bigla namang bumukas ang hawla ni Ahriman at lumabas siya at saka siya sumigaw ng napakalakas.

"Ang ingay mo!" Galit na sigaw naman sakanya ni Satan at sinapok ito.

"Pasensya na boss, sa loob ng labing-walong taon ay ngayon lang ako ulit nakalabas," Sabi naman nito. Tumingin ito sakin at lumuhod, "Master, I promise to serve you the way I serve our boss. Feel free to use this Mid - Grade, Tier 60. I wanna be useful to you." Sabi nito. Napangiti naman ako ng malawak.

"Yes, if I already reach Master-Sumus and have lots of Magmus in my Power Core, I will use all of you and let you fight on my side," Sabi ko naman. Binigyan niya naman ako ng pag-tango. Bigla naman ay narinig ko ang boses ni Calin na tinatawag ang pangalan ko.

"Master, I think we're already out of time. Hanggang sa susunod nating pahkikita," Sabi niya. Nakuha niya naman ang atensyon ko kaya napa-higa namna ako ng malalim na parang nanghihinayang.

"Sayang, gusto ko pa naman kayo makausap ng mas matagal," Sabi ko.

"Same Master!" Sabay-sabay na sabi nilang apat. Napahagikgik naman ako dahil doon.

"Sige na, babalik na ako," Sabi ko. Tinanguan naman nila ako. Pero yinakap ako ni Mush at umiyak.

"M-Master, gusto ko pong manatili sa tabi niyo," Iyak na sabi niya. Napakunot naman ang mukha ko.

"Bakit, hindi ba maganda ang trato nila sayo rito?" Tanong ko at saka ako tumingin kari Satan. Umiling-iling naman sila.

"Hindi naman, master. Ang totoo nga niyan sobrang bait ni Kuya Satan at Ate Echidna sakin. Pero, kahit na ganon ay na-mimiss ko parin na niyayakap mo ako at nasa tabi mo lang ako," Sabi niya. Kaya naman yinakap ko siya at hinagod-hagod ang likuran ni Mush.

"Oh sige, kung iyan ang gusto mo, Mush." Sabi ko naman. Napangiti naman siya dahil doon at mas niyakap ako ng mahigpit.

"Maganda nga na palabasin mo muna si Mush, master. Dahil sa ngayon, si Mush pa lang ang kaya ming i-summon, hindi na kase kaya ng natitirang Magmus mo sa Power Core mo na i-summon ang isa samin, o ng Zodiac Tarot mo. Masyadong maraming nawalang Magmus sayo," Sabi ni Satan.

"Salamat," Sabi ko naman. Huminga naman ng malalim si Echidna.

"I-summon ba naman ako na Mid-Grade, Tier 48 at ang Aquarius Starfolk na Mature-Grade, Tier 47. Alam mo ba master, ikaw pa lang sa mga nakita ko nang mga summoner ang nakapag-summon ng dalawang Adjunctus na may mataas na level habang nasa Tri-Sumus level pa lang? Grabe ka!" Nabibilib na sigaw naman ni Echidna. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon kaya nagkamot aki ng batok.

"Pasensya na," Sabi ko naman. Binigyan namna nila ako ng malapad na ngiti, "Sige, alis na ako." Sabi ko habang kumakaway habang nakayakap pa si Mush...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon