EPISODE 2/2

151 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Naramdaman ni Dark Queen Ginevra ang presensya ng napakabanal na nilalang. Gumuhis sa mukha nito ang isang ngiti. Kaya tumayo ito sa trono kung saan niya pinapanood ang mga kalahok sa Ruendroy Queendom Mayhem at itinutok ang kanyang Crux Serpentines na mukhang spear sa itaas.

"Roll in, Prince of Hell: Beelzebub!" Sigaw nito. Lumabas naman ang kulay dark-red na sobrang laking magic circle at lumabas mula doon ang isang lalaking may mukha ng isang langaw, may katawan na napakatipuno, at mga pakpak na parang sa mga lamok ang lumitaw.

"Bakit biglaan naman ang pagtawag mo, Gin?" Tanong ni Beelzebub. Nginisian namam siya ng reyna.

"Baka lang kase gusto mong gumanti sa matalik mong kaibigan, mahal na prinsepe," Sagot naman ni Dark Queen Ginevra. Bigla namang binuka ng prinsepe ang kanyang bibig na puno ng mga ngipin na gawa sa karayom at tumawa.

"Gusto ko iyan, Gin. Sige na, mag-morphine na tayo!" Tumatawang sigaw naman nito. Kaya ibinuka ang kanyang bisig.

"I command you to do the Morphine!" Sigaw ng reyna at lumabas naman ang kulay itim na magic circle sa harapan niya at pumasok doon si Beelzebub. Umilaw naman ng kulay itim ang kanyang buong katawan, katapos nito ay lumitaw ang reyna na may armor na may korteng salagubang at korteng paa naman ng ipis ang armor niya sa paa. Nagkaroon din naman siya ng pakpak ng isang langaw, nagkaroon din siya ng helmet na parang korteng ulo ng langaw, at espadang may korteng bibig ng lamok at lumipad na siya paitaas. Nagtaka naman ang mga anak nito, pero hindi naman sila nagsalita o sinubukang kwesyunin ang ina dahil sa takot nila dito.

"Mukhang gustong basagin ni Callon ang treaty namin ah." Bulong ng reyna habang lumilipad sa ere. Bigla naman itong napangisi nang nakita niya ang napakaliwanag na nilalang na papalapit sakanya. Napatigil naman silang dalawa sa mismong gitna ng ikatlong buwan.

"Ibalik mo si Quinn, Ginevra!" Sigaw ni Holy Father Callon. Napataas naman ang kilay ng reyna.

"Hindi iyon maaari, Callon. Alam mong nasa agreement natin na hindi pwedeng makialam ang mga Elves lalo na ikaw sa mga patakarang pinapalakad ko. Bilang kapalit hindi din ako makikialam sa pamamalakad mo at sa pagtago mg sikreto mo. Gusto mo bang basagin na ngayon ang agreement at malaman ng lahat ang sikreto mo?" Tanong ng reyna. Tiim-bagang namang itinutok ni Holy Father Callon ang kanyang espada sa reyna.

"Nasa agreement din na bawal kayong tumangay ng mga elves. Ikaw ang unang sumira sa kasunduan nang ipadakip mo sila Quinn!" Sigaw ng Holiness. Winagayway naman ng reyna ang hintuturo niya at umiiling-iling pa.

"Remember, si Quinn ay isang half human and hal—" Hindi na natuloy ng reyna ang sasabihin nang sugurin siya ng Holiness. Hinarangan naman ito ng reyna kaya nagkalaksingan ang mga espada nila ngayon.

"I will kill you for abducting Quinn, Ginevra! Kahit si Quinn lang ang pakawalan mo!" Sigaw ng Holiness. Tumawa naman ng malakas si Reyna Ginevra at bigla na lang naglabas ng needle bullets ang espada niya na tumama naman sa tiyan ni Holy Father Callon. Buti na lang at may kalasag ito na humarang sa mga needle bullets. Pero napaatras nito ang Holiness.

"You're still a selfish man, Callon. You are willing to sacrifice the other two for the sake of Quinn, uh? Sure, sige ibinigay ko si Quinn, pero ihanda mo ang sarili mo bukas dahil sasabihin ko sa lahat ang sikretong magpapababa sayo sa pwesto!" Lintaya ng reyna at saka tumatawang sumugod sa Holiness. Sinugod din naman siya ng Holiness at nag-umpisa na namang magkalaksingan ang mga espada nila.

"I'm not a selfish, I just need to fulfill my promise!" Sigaw naman ni Holy Father Callon at puno ng lakas na winasiwas ang espada at ipinatama sa reyna, naharangan naman ito ng reyna. Ngunit may light wave na linabas ang espada na naging dahilan para madaplisan ang reyna sa bandang balikat. Naglabas naman ulit ng needle bullets ang reyna, sinubukan itong iwasan ng Holiness. Ngunit napuruhan parin siya sa may binti. Doon nakahanap ng tyempo ang reyna para tutukan siya ng espada sa leeg. Tinutukan din naman siya ni Holy Father Callon ng espada sa leeg.

"Do it, Callon! Parehas tayong mamatay!" Paghamon ng reyna. Nag-tiim bagang naman ang Holiness at inatake na lang ang espada ng reyna na naging dahilan para maglayo sila.

"Sa susunod, kahit mamatay ako ay papatayin na kita, Ginevra!" Galit na sigaw ni Holy Father Callon. Nginisian naman siya ni Dark Queen Ginevra at itinutok ang espada sa Holiness.

"Hihintayin ko yan, Callon. Pero sa ngayon, gusto mo pa bang mabawi si Quinn at malaman ng lahat ang sikreto mo o mananahimik ka sa Cathedral mo at mainahong manood kay Quinn?" Tanong ni Dark Queen Ginevra. Tumalikod naman ang Holiness at pinagaspas ang pakpak na nagpatawa ng malakas sa reyna.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita, Ginevra," Sabi ni Holy Father Callon. Humagikgik lang ang reyna at winagayang kanyang kamay.

"Mahalaga parin talaga sayo ang iyong trono, Callon. Sige hanggang sa muli!" Sigaw mg reyna, tumalikod na nga ito, at pinagaspas narin ang pakpak palayo...

...

QUINN'S POINT OF VIEW

Madadaganan na sana kami ng Limbo Baby nang bigla na lang ay naglabas ng water blast si Lornt na nagpatilapon samin, at naligtas nga kami sa pagkakadagan.

"Takbo!" Sigaw naman ni Arod. Kaya sabay-sabay na kaming tumakbo palayo.

"Limbo Baby, habulin at kainin mo sila!" Sigaw naman ng Centaur.

"Sige po mommy!" Sigaw nito at umiiyak na humabol samin. Bigla namang yumakap sa leeg ko si Mush at nanginginig na umiiyak ito. Kaya naman hinimas-himas ko ang likuran niya para pakalmahin ito.

"Quinn, bilisan mo naman maabutan ka niya!" Inis na sabi sakin mi Calin. Kaya mas nilakihan ko ang hakbang ko na nagpatawa namam sakanila.

"Hirap talaga ng maiksi ang mga biyas." Sabi naman ni Arod na tumatawa-tawa pa na nagpainis sakin. Kaya dumampot ako ng dalawang maliit na bato at binato sa ulo nilang dalawa. Napa-aray naman sila at tumingin sakin.

"Nakakapikon kayo!" Pikon na sigaw ko na mas lalong nagpatawa sakanila. Bigla naman ay naramdaman kong may kung anong hangin ang nasa likod ko. Kaya napatingin ako at nakitang nakabuka na ang bibig ng Limbo Baby at malapit na akong makain nito. Bigla naman nitong sinara ang bibig niya. Muntik na akong nakain, buti na lang at nahila ako ni Calin.

"Focus Quinn, huwag kang lalampa-lampa!" Galit na sigaw nito. Medyo nasaktan naman ang damdamin ko sa pagsigaw niya kaya tumulo ang luha ko na agad namang pinunsan ni Mush.

"May pinto doon!" Sigaw ni Arod habang nakaturo sa itaas. Tumingin naman ako doon at nakitang may lumilipad nga na pinto

"Pag sinabi kong talon, hawakan mong mabuti si Quinn," Sabi ni Calin. Tumango naman si Arod at pinusan ako na para bang bagong kasal kami. Parang uminit naman ang  pisngi ko dahil doon.

"Ano tatalon pa ba tayo?" Tanong ni Arod. Tumakbo namang patalikod si Calin at itinutok ang salamin sa humahabol samin.

"Roll in, Drakra of Fire!" Sigaw ni Calin. Lunabas naman mila sa salamin niya ang isang nilalang na parang apoy na kinorteng elf, "Drakra, lava blast!" Utos ni Calin. Kaya naglabas naman ito ng napakaraming lava mula sa kanyang kamay at direktang tumama sa humahabol samin.

"Nice one!" Sigaw ni Arod.

"Talon!" Sigaw din naman ni Calin. Kaya sabay silang tumalon at inabot ang nakalutang na pinto. Naabot naman nila ang knob nito kaya binuksan na nila...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon