EPISODE 3/3

136 16 3
                                    

Ito na beh, kalmahan mo lang RhomzPecz. This chapter is dedicated to you!

...

CALIN'S POINT OF VIEW

"Naku po! Mukhang katapusan na ng Heretical Sane Summoner natin ang atakeng galing sa Capricorn!" Sigaw ng babaeng announcer. Parang nahimasmasan naman ako dahil doon.

"Quinn!" Dinig kong sigaw ni Arod. Kaya pinilit kong kumawala sa hawak sakin ng higanting tutubi at nang mahulog ako sa damuhan ay nasilayan ko si Quinn na nakapikit at nakatasak ang spear ng Capricorn sakanya. Kaya naman parang may kung ano sa loob ko ang nag-alab at parang nawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumalon ako at mabilisang isinaksak sa Capricorn ang aking espada na nag-resulta sa paghigop sakanya ng Tarot Card pabalik. Agad ko namang inakap si Quinn at yinugyog ito.

"Wait! May knight in shinning armor tayo dito, kapatid kong Prinsesa Tweqty!" Sigaw naman ng lalaki. Pero hindi ko na sila pinansin pa at tumingin na lang kay Quinn.

"Quinn! Quinn! Gising, Quinn!" Kinakabahang sigaw ko habang yinuyugyog siya. Bigla namang humiwalay din ang walang malay na si Mush, na kinarga ko naman agad. Sumakay naman sila Invera at Arod.

"Bolt, lipad na palayo!" Sigaw ni Invera at mabilisan nga kaming lumayo sa lugar.

"Ang OA mo naman, kapatid kong Prinsepe Grety! Pero iyon nga, mukhang mamamatay na ang Heretical Sane Summoner!" Masayang sigaw ng prinsesa na nagpatiim-bagang sakin.

"Ayos ka lang Vera?" Tanong ni Arod parang nagpantig ang tainga ko, dahil sa nauna niya pang kumustahin si Vera kesa kay Quinn n nah-aagaw-buhay ngayon. Kaya, Tinapik ko siya sa balikat, nang humarap siya ay sinapak ko siya. Lalaban sana siya nang pigilan siya ni Vera.

"Anong problema mo? Uh?!" Galit na tanong ni Arod. Kaya sinapak ko siya ulit.

"Bakit bigla ka na lang nawalan ng pakialam kay Quinn? Pwede mo naman siyang isama kanina sa pag-hulog, pero ano? Si Vera lang ang niligtas mo!" Nanggagalaiting sigaw ko. Bigla mamang napatigil dahil doon si Arod at umiwas ng tingin sakin. Kahit si Invera ay parang biglang nahiya dahil doon.

"H-Hindi na ako nakapag-isip ng matino kanina," Sabi ni Arod. Umiling-iling na lang ako at hindi na siya tinignan pa para kumalma ang sarili ko. Kinuha ko naman sa sling bag ko at dinampot mula roon ang aking Espiritu Mirror at itinaas.

"Roll in, Oportun of Healing!" Sigaw ko. Kaya lumitaw ang kulay green na magic circle at lumabas mula doon ang isang ahas na may dalawang ulo, may pares ng pakpak, at parang kaluluwa lang ang katawan nila.

"Anong maipaglilingkod ko, master?" Tanong ni Oportun. Binuksan ko naman ang bisig ko kaya lumabas ang green na magic circle sa harapan ko.

"Oportun, I command you to do the Morphine!" Sigaw ko. Pumasok naman si Portun, umilaw ng kulay matingkad na berde ang katawan ko at ilang saglit pa ay nagkaroon ako ng puting robe, puting stuff na may nakapalupot na dalawang puting ahas, at korona na korteng dalawang ahas na nagpalupot.

Katapos ay pinagaling ko muna si Mush, at humarap na ako kay Quinn katapos. Hinawakan ko naman ang butas sa tiyan ni Quinn at kinonvert ko ang Magmus ko sa healing essence at inilabas lahat ng kaya kong ilabas sa butas sa tiyan ni Quinn. Unti-unti naman itong nagsasara, pero unti-unti ay nararamdaman kong nanghihina na rin ang aking katawan.

"Gusto mo bang tulungan kita, Calin?" Tanong ni Invera. Umiling naman ako.

"Master, malapit nang ma-drain ang Power Core mo, baka mamatay ka!" Sabi sakin ni Oportun gamit ang Soul Interaction.

"Pwede mo ba akong mapahiram ng kaunting Magmus mo?" Tanong ko.

"Pwede naman, master. Pero baka hindi mo ako ma-summon ng isang taon," Sagot niya. Huminga naman ako ng malalim.

"Ayos lang yun, gawin mo na, Oportun," Sagot ko naman. Kaya mas tumingkad ang kulay green na enerhiya na pinapalabas ko at ilang saglit pa ay nagsara na ang malaking butas sa tiyan ni Quinn at kasabay naman nun ang pagkawala ng bisa ng Morphine ko at pagbalik ni Oportun sa salamin. Wala paring malay si Quinn, kaya naman niyakap ko siya at nilagay sa kanlungan ko.

"Sh*t nakasunod sila!" Sigaw ni Arod. Kaya tumingin ako sa likuran at nakitang nakasakay si Kliffer sa isang Pegasus na parang galaxy ang buong katawan, habang ang mga kasama niya naman ay may nakasakay sa isang Thunder Bird, Lightning Butterfly, at Cyborg Punk Fly.

"Woah! Woah! Waoh! Mukhang may round two ang Riot natin ngayon. Hinahabol na naman ng pitong grupo ang kupunan ni Sane Summoner!" Sigaw ni Prince Grety.

"Akala niyo ba makakatakas kayo? Paulanan sila ng mga atake!" Sigaw ni Kliffer. May mga water, fire, wind, metal, wood, electric, bullet, arrows, at bomb naman ang mga lumipad papunta sa direksyon namin. Iniwasan naman ito ng Bolt Dragon Fly.

"Lalabanan ko sila, diretso lang kayo sa pagtakas," Sabi ni Arod. Hinawakan naman siya sa balikat ni Invera.

"Mag-ingat ka," Sabi niya. Nginitian naman siya ni Arod at yinakap. Katapos ay hinubad ang kanyang earring.

"Roll in, Julie the Sky Hunter!" Sigaw ni Arod. Lumitaw ang magic circle sa harapan ng earring at lumabas mula doon ang kulay itim na napakalaking uwak, "I command you to do Morphine!" Utos ni Arod habang nakabukas ang kanyang bisig. Lumitaw ang magic circle sa harapan niya at pumasok naman papunta doon si Julia. Nagkaroon na naman siya ng kulay itim na armor, espadang korteng tuka ni Julia, at pares ng itim na pakpak. Lumipad na nga ito at sinalubong na ang mga kalaban.

"Sh*t hindi ako makakatulong ngayon dahil sa naubos ko na ang lahat ng Magmus sa katawan ko," Sabi ko sa sarili ko. Ayaw na ayaw ko kasing nagiging walang kwenta ako lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Ako rin, nag-rerecover pa lang ang Magmus ko sa katawan, manalig na lang tayo kay Arod," Sabi ni Invera. Nagulat naman ako ng umungol si Quinn, kaya napatingin ako sakanya. Naramdaman ko namang parang may mainit sa likuran niya. Kaya agad ko siyang pinatalikod ang nakitang umiilaw ng kulay red ang tatoo na padlock at sa loob ng padlock ay may araw at buwan.

"Quinn, ayos ka lang? Quinn?" Sabi ko habang hinahaplos-haplos ang ulo niya. Ilang  saglit pa ay biglang nawala ang tatoo ni Quinn at bumangon na lang si Quinn bigl. Kita naman ngayon ang nag-uumapaw na Dark Magmus energy niya na lumalabas sa katawan niya.

"Q-Quin?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin at nginitian ako...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon