EPISODE 3/4

142 17 14
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

May naririnig akong mga sigaw, mga malalaki at nakakatakot na sigaw, napakarami nila. Kaya naman binuksan ko ang mata ko. Tinignan ko muna ang nasa itaas pero purong itim lang ito, ngunit may liwanag sa peripheral vision ko. Kaya, tumingin ako sa gilid at kita ko ngayon ang napakaraming hawla na may mga sulo sa bawat isa dito, at tumingin ulit ako sa gilid at may mga hawla na naman. Kaya tumayo ako at doon ko nakitang napapalibutan ako ng mga higanting hawla at may mga sigaw at growl na marinig mula sa mga ito.

"Nasaan kaya ako? Anong lugar ito?" Tanong ko sa hangin.

"Nasa Gahena ka, bata." Isang nakakakilabot at napakalaking tinig ng lalaki ang sumagot mula sa likuran ko na nagpataas ng balahibo ko. Unti-unti naman ay humarap ako likuran ko para makita siya. Nang makaharap na ako ay nakita ako ang isang napakalaking lalake na kung susumahin ay kasing laki ng dalawang palapag na bahay, may apat na itim na sungay, may mahabang itim na buhok, may diamond shape na mukha, may prominent red eyes, may rubian nose, heavy lower lips, kita ang apat na pangil niya ngayon, at may pointed ear din siya. Ang katawan niya naman ay trapezoid-shape na nagpapakita ng eight pack abs niya at adonis belt nito. Ang ilalim niya naman ay kalahating ox, may pares din siya ng itim na pakpak, at mahabang buntot na parang sa mga ahas.

"Nasisiyahan ka ba sa nakikita mong kalagayan ko ngayon, Yuwhe?" Tanong nito. Napangiwi naman ako dahil doon.

"Uh? Sinong Yuwhe? Ako si Quinn Viezys Amelghourd," Sabi ko. Kita ko namang lumuwang ang mga mata niya at umiling-iling ito. Katapos ay tumawa na nagpangiwi ulit sakin. Parang baliw eh.

"Pagpasensyahan mo na ako, Quinn. Kamukhang-kamukha mo kase ang babaeng kilala ko," Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko dahil doon, "Pakawalan mo naman ako dito oh, nangangawit na kase ako." Sabi niya pa. Napa-iling-iling naman ako.

"No, I won't do that. Kaya ka siguro kinulong diyan ay dahil mapanganib ka, so bakit naman kita papakawalan? Edi pinatay mo ako kung pinakawalan kita diyan," Sabi ko na lungkot naman sakanya.

"Hindi, kinulong ako dito dahil sa naging banta base sa paniniwala ng master ko ang lakas ko, kaya kinulong niya ako dito sa Gahena. Wala akong ginawa kung hindi ang paglingkuran siya, ngunit natakot siya sa kakayahan ko at ginawa sakin ito," Malungkot na kwento nito. Para namang kumirot ang puso ko dahil doon.

"Paano ba kita mapapalaya riyan?" Tanong ko. Bigla naman itong ngumiti.

"Nasa kinatatayuan mo na mismo mo ang susi," Sabi niya. Kaya tumingin ako sa kinatatayuan ko at nakita ang isang tula.

"Paano naging susi ito, eh tula ito?" Tanong ko. Nginisian niya naman ako.

"Kapag binigkas mo ang tulang iyan ay mapapakawalan mo ako," Sabi niya. Napamaang naman ako dahil doon.

"Bakit hindi na lang ikaw ang bumigkas, nakikita mo naman ito mula diyan, uh?" Tanong ko. Napa-iling-iling naman siya at lumungkot ang itsura niya.

"Hindi ko iyan mabasa dahil binigyan iyan ng sumpa ng dating kong master na tanging Shadowbound Worshiper lang na kagaya niya ang may kakayahang bumasa niyan," Sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako.

"Nagsisinungaling ang master mo, dahil ako ngang Sane Summoner eh kayang basahin ito," Sabi ko. Napaluwang naman ang mata at bibig nito at saka seryosong tumingin sakin.

"Marahil nga, sige bigkasin mo na," Sabi niya. Bigla namang may kumalabog sa likuran ko, kaya napatingin ako doon at nakita ko ang isang kalahating tao at kalahating alakdan na sumusigaw sa galit at patakbo sa direksyon ko,"Bilisan mo, papatayin ka ng Kurma!" Sigaw niya. Kaya naman nagmadali kong tignan ang tula.

"In shadows deep, where darkness thrives,
Devil bows to the master's will,
A dance of souls, where evil connives,
Yet bound by chains, it must fulfill —" Naputol ko ang sasabihin ko nang bigla na lang may sipit na umipit sakin. Tumingin naman ako sa gilid at nakita ang galit na galit na Kurma. Bigla naman ay binaligtad niya ako at gusto niya akong ipasok sa bibig niya. Kaya naman kahit nakabaligtad ay pinilit ko paring basahin ang tula.

"With cloven hooves and eyes of fire,
In servitude, it takes its role,
A fallen angel, bound and dire,
Obedience etched upon its soul!" Sigaw ko. Bigla naman ay sumigaw ang malaking lalaki at kita ngayon na nagbukas na lang ang mga chain niya sa leeg, kamay, at paa. Katapos ay nawala ito sa paningin ko. Bigla naman ay nabitawan ako mg Kurma at ng mapaharap ako sakanya ay kita ko na lang na wala na siyang ulo habang nasa likod niya ang matangkad na lalaki. Nabigla naman ako ng mawala sa paningin ko ang lalaki, at bigla na lang ay may sumalo saking napakalaking palad.

"You're safe now, my new master," Sabi nito. Kaya napatingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ang nakangiting malaking lalaki. Napangiti naman ako ng mapait dahil doon.

"Hindi mo ako pwedeng maging master, isa akong Sane Summoner at hindi Shadowbound Worshiper," Sabi ko. Umiling-iling naman ito at bigla na lang may kalis ang lumitaw sa harapan naming dalawa.

"Bigyan mo ng kahit kapatak ng dugo mo ang kalis," Sabi niya. Nagtaka naman ako dahil doon.

"Ah? Bakit?" Tanong ko.

"Sige na, lagyan mo na," Sabi niya. Nagkibit-balikat naman ako at kinagat ang hintuturo. Nang dumugo ito ay ipinatak ko sa kalis. Gamit naman ng kuko niya ay sinugatan niya ang pulsuhan niya at ipinatak ang kanyang dugo sa kalis. Bigla naman ay may umilaw sa may daliri ko at nakita kong nagkaroon ako ng singsing na kulay itim at may korteng bungo, sa taas ng bungo ay may nakasulat na number one. Bigla naman ay parang may kumirot sa likuran ko kaya napaluhod ako.

"A-Ang sakit!" Sigaw ko habang hinahawakan ang likod ko.

"Sabi ko na nga ba, may nag-seal ng tunay mong League!" Inis na sabi ng lalaki. Bigla naman ay pinatalikod niya ako at pinunit ang damit ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Nahihirapang tanong ko. Bigla naman ay inilapit niya ang kaliwang kamay niya sa likuran ko.

"Solve sigillum, et virtutem amissam restitue!" Sigaw nito. Umilaw naman ng kulay pula ang likuran ko kaya napatingin ako doon at nakita ang nasa sampung kulay pulang magic circle na isa-isang nababasag. Habang nababasag naman ang bawat isa ay mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ko na nagpa-iyak na sakin at nagpabagsak.

"A-Ang sakit, p-parang hindi ko nakaya!" Puno nang sakit at humahagulgol na sigaw ko.

"Tiisin mo pa ng kaunti, isa na lang," Sabi ngayon ng lalaki. Bigla naman ay may narinig akong mabasag. Doon nga ay parang naramdaman kong gumaan ang katawan ko at nawala ang sakit na nararamdaman ko. Kaya lumuhod ako at pinunasan ang luha ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko. Binigyan naman ako nito ng napakatamis na ngiti.

"Wala na ang Sealed of League mo, master," Sabi niya. Bigla namang may umilaw ulit sa daliri ko kaya napatingin ako. Nakita ko namang naging kulay itim ang Ring of League ko. Kaya napatingin ako sakanya.

"Ibig bang sabihin ay?" Tanong ko sakanya na sinagot niya naman gamit ang pagtango.

"Ang payong mo ay tinatawag na Umbrella of Gahena, isang uri ng Crux Serpentines. Kaya maaari mo akong i-summon gamit iyon," Sabi nito. Kaya naman napangiti ako ng malapad dahil doon.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo para makilala kita at ma-summon kita?" Tanong ko. Tumango-tango naman ito.

"Tawagin mo na lang akong..."

...

CALIN'S POINT OF VIEW

Nakatingin nga sakin ngayon si Quinn sakin na may malapad na ngiti sa labi...

"Ayos ka na ba, Calin?" Tanong niya na tinanguan ko naman, inilibot niya ang mata niya, "Nasan si Arod?" Tanong niya kaya tumuro ako sa gawi ni Arod. Kinuha naman ni Quinn ang payong niya sa likuran at binuksan ito. Itinitutok niya ito sa itaas at pumikit.

"Roll in, Prince of Hell, Satan!" Sigaw ni Quinn na nagpabigla sakin...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now