EPISODE 4/3

146 14 2
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Nakarating na nga sa fortieth floor ang grupo ng ating Heretical Sane Summoner na tinatawag ding "The Pulchra Lacus Scenery Floor!" Masayang sigaw ni Princess Tweqty.

"Pero dapat pa ba nating tawagin siyang Sane Summoner, partner? Kayo, mahal naming manonood, ano sa tingin niyo ang magandang itawag ngayon sa Heretical Sane Summoner natin?" Tanong naman ni Prince Grety.

"May papel at pluma doon sa may counter na may nakasulat na Title Bestower, kung gusto niyong mag-suggest ng name, pwede kayong pumunta doon para magsulat, pero huwag niyong kalimutang magbayad ng isang Dorum Cres," Sabi ng prinsesa na nagpaingay sa manonood.

"Ang mahal naman!"

"Over price naman kayo!"

"Wala bang discount ang mga matagal nang sumusugal sainyo?!"

Iyan ang iba sa mga sigaw na maririnig sa mga tao. Nag-panic naman ang dalawang announcers dahil doon nang bigla namang may umagaw sa microphone ni Princess Tweqty.

"Stop! Kung ayaw niyong mag-suggest ay huwag niyong gawin, ganon kasimple. Para sa mga mayayaman lang ang aming Mayhem, ngayon kung wala kang pera, maaari ka ng umalis!" Galit na sigaw naman ng panganay na Prinsepe na si Akalio na nagpatahimik sa mga manonood. Bigla naman ay dumagsa ang mga manonood sa Title Bestower. Walang gustong magpa-iwan dahil gusto nilang lahat na magmukhang mayaman sa harapan ng nakakarami. Isa naman sa unang nag-suggest ay si Holy Father Callon at Sister Feline.

"Anong sinulat mo Fel?" Tanong ng Holy Father. Pinakita naman ito ni Sister Feline.

"Quinn the powerful, overpowered, beautiful, lovable, cute, little bit hardcore child." Sagot ni Sister Feline na nagpatawa sa Holiness. Nag-pout naman si Sister Feline dahil doon, "Eh ikaw po, Lon. Ano ang sainyo?" Tanong ni Sister. Kaya iniharap din naman ni Holy Father ang kanya.

"Brainy, attractive, beautiful, adventurous, adorable, kind, god-fearing, overpowered, and powerful lamb of God," Sabi ng Holiness. Napatawa habang naka-hawak pa sa tiyan niya si Sister Feline dahil doon. Kaya napakamot sa batok si Holy Father. Bigla naman ay may tumulak sakanila, at muntik pang matumba si Sister Feline kung hindi lang siya nasalo ng Holiness dahil doon...

"Tumabi kayo, ang tagal niyo! Hindi dapat pinaghihintay ang sugo ng diyos!" Sigaw naman ng pamilyar na boses. Nang tignan ito ng dalawa ay nakita nilang si Cardinal Alkaldre na nakasuot pa ng uniporme ng mga Cardinal at may mga kasamang Priest.

"Pasensya na po, Cardinal. Aalis na po kami," Paumanhin naman ng Holiness. Pero pinigilan siya ng Cardinal at saka sinampal.

"Aba sum-" Naputol ang sasabihin ni Sister Feline nang sampalin din siya nito.

"Hindi sapat ang pasensya sakin, dapat nga ay mamatay kayo dahil sa sinayang niyo ang oras ko. Alam niyo ba kung gaano kahalaga ang oras ko? Paano kung abutan ako ng Praying Hour ko sa lugar na ito?" Tanong ng Cardinal. Sinampal naman siya pabalik ni Sister Feline at tinadyakan sa private part nito. Kaya napahawak ang Cardinal doon, napatumba, at namalipit sa sakit

"Wala akong pake!" Sigaw ng madre. Katapos ay hinawakan ang kamay ni Holiness at tumakbo sila palayo. Inalalayan naman ng ng Priest ang Cardinal sa pagtayo. Pero pinagtutulak niya lang ang mga ito.

"Huwag kayong tatanga-tanga, habulin niyo sila at dalhin sila sakin, buhay man o patay!" Sigaw ng Cardinal. Kaya tumakbo na ang mga Priest para habulin sila Holiness at ang madre, "Mga walang utak. Magbabayad kayo kapag nakarating kayo sakin. Pero sa ngayon, pupusta muna ako sa ibang kalahok at panonoorin paano maghirap si Quin sa mga kamay nila." Sabi ni Cardinal Alkaldre na may ngisi sa labi...

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now