Chapter 2

1.1K 19 2
                                    

Natinag ako sa aking kinatayuan nang mag angat ito ng tingin. Na pansin niya siguro na may nakatingin sa kanya. Inilapag niya ang baso na wala nang lamang alak sa ibabaw ng mesa. Dumikwatro ito ng upo.

“Ikaw ba iyong kaibigan na tinutukoy ni Shara?” wala sa sarili na tumango ako at lumapit sa kinaroonan niya. “Have a seat.”

May sariling isip yata ang katawan ko at kusa na lang ako umupo sa tabi niya ngunit malaki ang ispasyo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nanyari sa akin. Kusa nalang na lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi nang hindi ko namamalayan.

Kahit may kadiliman, nasisiguro ko na ang gwapo niyang lalaki. Yung ilong niya pang Spanish na ilong ang hugis. Ang tangos. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay. At ang kanyang pilik-mata ang haba…

"Alam kong gwapo ako,” he said and licked his lower lips. “Pero sis, hindi tayo talo,” dinig ko ang pagbuntonghininga niya, nagsalubong kasi ang kilay ko dahil hindi ko na gets ang sinasabi niya. "It means, lalaki rin ang gusto ko."

Ramdam ko ang pag alsa ng puwet ko sa narinig. Sa gwapo niyang ‘to bakla siya? Tsk, palusot niya lang ito. Para-paraan nang sa ganun madali niyang makuha ang isang babae.

Hindi parin ako umimik. Parang tinahi bigla ang bibig ko. Patagilid siyang umupo paharap sa akin. Ipinatong niya ang siko sa sandalan ng upuan at pinakatitigan ako. Naiilang ako pero hindi ko naman magawa na umiwas ng tingin sa kanya. Ang gwapo niya kasi. Para siyang artista.

“Ganito ang  pananalita ko, ang ayos ko, lalaking-laki pero malambot ang puso ko,” aniya.

Sa puntong iyon, doon na ako umiwas ng tingin. “B-Bakit nga pala gusto mo ng makausap? May problema ka ba?” tanong ko at muli siyang sinulyapan. Nagkibit-balikat siya. “Tungkol saan, boyfriend?”

Umayos siya ng pag upo saka sinalinan ng alak ang baso niya. Kumuha siya ng isa pang baso, nilagyan niya iyon ng ice cube at sinaliran rin ng alak. Inilapag niya iyon sa harapan ko. “ Hindi boyfriend," aniya at muling sumandal ng patagilid sa upuan paharap sa akin. “Pamilya.”

“Parehas pala tayo,” saad ko at dinampot ang alak at tinungga iyon. Kanda ubo ako sa pagduduwal sa pangit ng lasa nito. Hindi ko maintindihan kung ano ang lasa niya dahil ito ang unang beses na tumikim ako ng alak.

“Alak ‘yan oy! Hindi yan juice na inomin mo lahat,” aniya sabay abot ng tissue sa akin.

  Napahiya ako do’n. Ganoon kasi ang palagi kong nakikita sa tuwing may nag iinom ng alak. Tinutungga kaagad ang laman ng baso. Hindi pala ganoon yun?

Nang mahimasmasan, sumandal rin ako sa upuan kagaya ng posisyon niya. Magkaharap na kami ngayon dalawa. “Totoo ba na alak ang solusyon kapag may problema ka?” tanong ko rito.

“Hmm, maybe no, maybe yes. Ganito kasi yun. Depende iyon sa tao, may tao kasi na tahimik, hindi nagsasabi ng saloobin niya, naging madaldal lang kapag naka inom.  Kaya kailangan niya uminom ng alak at magpakalasing  ng sa ganun wala ng preno ang bunganga niya, hindi na siya mahihiya na ilabas ang mabigat na dinadala sa damdamin niya.”

“Yung iba naman, kapag alam nila na makatulog sila sa kalasingan, ayun, sakto iyong sinabi mo na alak ang solusyon sa problema. Kasi paano mo pa maalala ang promlema mo kung nakatulog ka na sa kalasingan.”

  “Mukhang kailangan ko nga ng alak,” sabi ko at kinuha ang baso ko. Tumikim ako ng kaunti. Pinilit ko iyong lunukin kahit nasusuka ako at masakit sa lalamunan. Patikim-tikim lang ako hanggang sa nagustuhan ko na ang lasa kalaunan.

Tahimik lang ang lalaki sa tabi ko. Mukhang malalim ang iniisip. Tahimik lang din ako sa isang tabi. Bigla, namiss ko ang pamilya ko. Na kahit ganoon si itay sa akin namimiss ko pa rin siya. Yung sama-sama kami buong pamilya. Pero hindi naman pwede na habang-buhay sa bukirin lang ako magtatrabaho kasama ang mga magulang ko. May pangarap rin ako para sa kanila. Pero ang hirap naman tuparin niyon kung sarili kong ama dina-down ako.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now