Chapter 31

635 11 0
                                    

Mabilis na pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Malakas ako kaya hindi ako pwedeng umiyak. At simula ngayon ipapangako ko sa aking sarili na hindi na ako magpapaapekto sa nararamdaman ko kapag uunahin ni Razen si Chloe.

Maingat na tumayo ako upang ligpitin ang pinagkainan. Hindi ko iyon kayang hugasan kaya inilagay ko nalang sa dishwasher. Ang mga natirang pagkain pinagkasya ko sa ref.

Ilang minuto na ang lumipas hindi parin bumabalik si Razen. Kaya nagpasyahan ko na lang na umakyat at doon sa kwarto siya hintayin. Kung kanina madali lang sa akin ang makababa, ngayon nahihirapan na akong humakbang paakyat.

Tiniis ko. Kinaya ko. Kasi sarili ko lang ang mayroon ako. Mahigit isang buwan na akong inaalagaan ni Razen at nakadepende sa kanya, tama na siguro iyon para tumayo naman ako sa sarili kong mga paa. Kaya ko naman na gumalaw na walang siya na naka alalay.

I felt relief nang makarating ako sa kwarto. Nagawa ko. Tuwang-tuwa ako kasi nagawa ko ang bagay na iyon. Humiga kaagad ako sa kama. Pakiramdam ko umakyat ako sa bundok, napagod ako.

Ngunit hindi ako makatulog. Ni hindi man lang ako tinablan ng antok. Iniisip ko si Razen. Kung nasaan na siya ngayon. Kung ayos lang ba siya, kung uuwi pa ba siya. Nag alala ako kasi baka may aberya na naman na mangyari sa lakad niya. Gabi pa naman, walang mahingian ng tulong.

Patagilid akong bumangon. Kapagod na bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas. Pumasok ako sa banyo para punasan ang sarili. Sinipa ko sa sulok ang hinubad kong pajama at panty. Maluwang ang damit na suot ko kaya nahubad ko iyon gamit lang itong isang kamay ko.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Kahit may anak na ako maganda naman ang hubog ng katawan ko. Makinis ang morena kong balat. Tanging tiyan ko lang ang may peklat bakas ng operasyon noong nanganak ako ng Cesarean.
Ngunit hindi ko manlang nakitaan ng pagnanasa o paghanga ang mga mata niya kahit nakalantad ang katawan ko sa kanya. O baka hindi lang talaga kaakit-akit ang katawan ko.

Kinastigo ko ang sarili sa aking naisip. Dapat nga magpasalamat ako at harmless itong si Razen, hindi mapagsamantala. Gamit ang shower binasa ko ang aking pang ibaba. Iyon lang rin ang kaya kong sabonan. Pagkatapos magbanlaw, naghilamos ako at nagsipilyo. Sa tagal ko sa banyo, paglabas ko wala parin si Razen.

"Mama... "

Bigla akong naging emosyonal nang marinig ko ang boses ng anak ko. Hindi ako makatulog kaya tumawag ako sa kanila. Miss na miss ko na rin siya dahil hindi na ako naka uwi doon simula nang lumipat kami ni Razen dito sa Isla.

"Bakit malungkot ang anak ko, hmm? "

"Inaantok lang po ako, mama."

"Napagod yata sa school, Gueene." Sabat ni Inay.

"Sleep ka na. Kantahan ka ni mama. "

Iyon nga ang ginawa ko. Pinikit ko ang aking mata at niyakap ang unan habang iniisip na katabi ko ang anak ko. Sa paraan na iyon pakiramdam ko nawala lahat ang mga karamdaman ko. Ang sarap sa feeling. Na kahit sa imahinasyon ko lang na magkasama kami masaya na ako.

"Nakatulog na siya, Gueene. " wika ni Inay. "Kamusta ka nga pala riyan? Hindi ko maiwasan na mag-alala sayo kasi bihira ka na lang tumatawag. "

Kusang tumulo ang mga luha ko. Gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto ko siyang yakapin kahit ngayon lang. Bukod sa sarili ko, siya lang ang kakampi  ko at masandalan. Ngunit hindi ko parin kaya magpakatotoo sa kanya. Mariin akong napalunok bago nagsalita.

"Ayos lang ako, Nay. Kayo kamusta kayo d'yan? " pigil ang emosyon na sambit ko nang hindi pumiyok ang boses ko.

"Maayos naman kami rito, nak. H'wag mo kaming alalahain rito ng anak mo. "

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon