Chapter 46

762 15 1
                                    

Razen pov:

[chapter 45.2 continuation]

Nagising ako na masakit ang aking likod. Ilang oras na ba ang tulog ko at ganito ka sakit ang likod ko?

Bigla akong nasilaw sa aking pagmulat kaya muli akong napapikit upang ipahinga saglit ang mata ko. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, muli kong iminulat ang aking mata.

"How many times do I have to tell na ayaw kong may ibang papasok dito, yaya? "

Ngunit hindi si yaya ang nabungaran ko kundi ni mama. Oh! Here we go again. Mabilis siyang lumapit sa akin nang bumangon ako. Gulat na gulat siya. Ano ba ang bago para ganito siya magulat na para bang hindi sanay sa asal ko?

Pinaka ayoko sa lahat, iyong basta-basta lang pumapasok sa kwarto ko na walang pahintulot kahit siya pa iyon. Sumandal ako sa headboard ng kama at yamot na hinarap siya.

"Why are you here, ma? Para pagalitan na naman ako? Pangaralan dahil hindi ako nagpapigil na puntahan si Chloe, ganun ba? Don't worry, ma. Dahil iyong pagkita namin kagabi, huli na iyon. Iniwan na ako ng babaeng mahal ko. Ano, masaya ka na? "

Tulala lang siyang naka tunghay sa akin. Hindi ba siya masaya na naging matagumpay ang plano niya na paglayuin kaming dalawa ni Chloe? Iyon naman ang plano niya simula nung malaman niyang mahal ko si Chloe.

Ako naman ngayon ang nagulat nang makita ang butil ng mga luha niyang nag-uunahan na pumatak sa kanyang mga mata.

"Iniwan na ako ng daddy mo... " nanghihina na napa upo siya sa sahig. Mabilis akong bumangon at dinaluhan siya. "Hindi ko maintindihan kung bakit... Niloko niya ako... He has a mistress and that girl is my bestfriend... "

Humagulgol si mama sa bisig ko nang yakapin ko siya. Paano ito nagawa si dad sa kanya? Ito ba ang dahilan kung kaya palagi silang nagtatalo dalawa? Palaging nag-aaway? Ito ba iyon?

Umusbong ang galit dito sa puso ko para kay dad. Iniidolo ko siya dahil sa pagiging mabuti nitong ama at asawa. Nasa kanya na ang lahat at wala akong maipintas. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko sa kanya.

"It's killing me, son... It's killing me when I found out that he got Minda pregnant, " puno ng luha ang mga mata na tumingin siya sa akin. "Masama ba akong asawa kaya niya ito ginawa sa akin? Hindi ba ako enough? Or maybe, nasasakal siya dahil sa subrang mahal ko siya?"

I don't know what to say. May galit na nararamdaman ako kay mama, but seeing right now, durog na durog, nasasaktan sa ginawa ni daddy, how can I ignore my mom?  Isinantabi ko muna ang galit ko sa kanya. She needs me right now.

Hinatid ko siya sa kanyang kwarto. Pinainom ko siya ng tubig nang sa ganon kahit papaano ay mahimasmasan siya.

"Ano iyong sinabi mo kanina na iniwan ka ni Chloe? " tanong nito na nagpa iba ng mood ko.

"She already left... For good na raw siya sa US. Don't worry, hindi ko siya susundan doon. Walang rason para sundan ko siya roon. So nothing to worry. "

"Is that all? "

"Yeah, why? " kunot-noo na balik tanong ko sa kanya.

"Hindi mo natandaan na naaksidente ka? "

Umiling ako. "I didn't remember anything, ma. Bukod doon sa huling pag-uusap namin ni Chloe. Kung naaksidente man ako, bakit ang ayos ko? Hinatid ko pa nga si Chloe sa airport bago umuwi rito kagabi. "

"I... I think, you need to talk our doctor-"

"Hindi na, ma." putol ko sa pagsalita niya. "Wala naman akong ibang naramdaman bukod sa masakit ang damdamin ko. Wag mo na akong intindihin, ma. Lilipas rin 'to."

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now