Chapter 15

714 11 0
                                    

Kung mapagsamantala lang akong tao, humingi na ako ng malaking pera kay Razen kapalit ang pagtulong ko sa kanya. Kaso hindi ako ganoon pinalaki ng mga magulang ko. Kaya nga siguro kami naaabuso dahil mapagkumbaba kami at matulongin. Doon lang kami natutulong maging matigas at manindigan noong namatay ang mga kapatid ko.

Umupo ako sa bakal na upuan malapit kung saan ako iniwan ni Razen kanina. Saglit lang kami nag-usap ni inay at ng anak ko dahil ayaw matigil ang pag agos ng luha ko. Mabuti nalang wala masyadong tao dito walang nakakita na umiiyak ako.

Inayos ko ang aking sarili nang makita si Razen. May kasama itong dalawang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad niya lang. Parehong naka suot ng coat at parang dadalo sa isang meeting. Nag-uusap sila habang naglalakad. Bago pa sila makarating sa kinaroonan ko tumigil sila. Nagpaalam ang dalawang lalaki kay Razen na mauna na sila at may pupuntahan pa. Doon lang ako tumayo at naglakad palapit sa kanya ng wala na ang dalawang lalaki.

Mukhang mahalaga ang kanilang pinag-usapan dahil seryoso ang mukha ni Razen at malalim ang kanyang iniisip. Hindi nga niya napansin nga nasa tabi niya ako. Kung hindi ko pa siya kinalabit hindi niya ako napansin.

"Uuwi na ba tayo? " tanong ko.

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o kung totoo ang nakita ko na umaliwalas ang kanyang mukha nang makita niya ako.

"Bumili muna tayo ng mga gamit mo, " aniya at tuluyang humarap sa akin. "Wag mo sana masamain... Nakita ko kasi na kaunti lang ang mga gamit mo. Don't worry ako naman magbabayad. "

Napakamot ako sa aking pisngi. Paano ko ba tanggihan 'to na hindi niya masamain? Tiningnan ko ang sarili ko. Ang layo ng pananamit ko sa postura niya. Kapag magkasama kami walang maniniwala na asawa niya ako dahil mukha akong mutchacha na nakabuntot sa kanya.

"S-Sige... "

Sumunod ako sa kanya nang mauna siyang lumakad. Pumasok kami ng department store. Ito ang unang beses na nakapasok ako ng mall kaya panay ang buntot ko sa kanya dahil baka maligaw ako. Tiningala ko ang store kung saan siya pumasok. Natutop ko ang aking bibig nang mabasa kung saan niya ako dinala. Nilingon niya ako nang kalabitin ko siya.

"Ang mahal dito, Razen. " sambit ko. Mayaman siya. Barya lang sa kanya ang presyo ng mga gamit dito. Pero nanghihinayang ako sa laki ng pera na magastos niya para sa akin.

"It's fine, Gueene."

Wala na akong nagawa nang tawagin niya ang tindera at pinalabas ang bagong design at best seller nila. Hinayaan ko nalang siya dahil ayaw niya magpa awat.

"Doon nalang ako sa labas bibili ng pambahay, Razen. "

Pati pambahay at pantulog Prada ang brand? Bigla akong nahilo sa pinaggagawa niya. Nahihiya na rin ako. Kahit anong tanggi at pag awat ko ayaw naman niya makinig.

"Wala bang may mas mura nito, ate? " tanong ko sa babae habang sinusukat ang mga sandals at slippers na inilabas nila. Nasa labas ng store si Razen dahil may kausap siya sa cellphone.

"Piliin mo na ang pinakamaganda at pinakamahal, ma'am, si Sir Razen naman ho ang may-ari nitong store. "
Nabitawan ko ang slippers na hawak ko. Kaya pala kulang nalang pagkyawin niya ang mga gamit dito dahil siya pala ang may-ari. Pero hindi ba siya malugi nito? Negosyo parin 'to.

Hindi parin ako nakapili. Kahit siya pa ang may-ari. Kung tutuusin, may tig singkwenta doon sa palengke na kapareho nitong design. Doon nalang ako bibili kaysa itong slippers na hawak ko na isang buwang sweldo ko ang presyo.

"Tapos ka na ba? "

Tiningala ko siya saka umiling. Mukhang na gets niya na hindi ako makapili kaya siya na ang pumili para sa akin. Binili niya kung ano ang maganda para sa paningin niya at kung bagay ba iyon sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatapat niya iyon sa paa ko at sinisipat kung maganda ba. Nang makontento, tatlong flat sandals at apat na slippers ang napili niya.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now