Chapter 37

606 9 0
                                    

Gueene pov.

Kailan ko pa siya minahal?

Tulong lang. Hindi dapat masali dito ang pagmamahal. Pero sarili ko mismo ang tinalo ko dahil minahal ko siya higit pa sa kaibigan na nangangailangan lang ng tulong ko.

Siguro ganoon ko nalang siya ka bilis minahal dahil sa kabutihan at kabaitan na pinapakita niya sa akin. Na sa kanya ko lang nakikita at naramdaman ang hinahanap ko sa isang lalaki. O baka ang dali ko lang talaga mahulog kahit alam kong wala naman akong mapapala.

Pagkatapos ng kontrata, wala na rin akong halaga sa kanya.

Napapikit ako ng gumuhit sa aking lalamunan ang pait na  lasa ng alak nang tunggain ko ito sa bote. Pabagsak na inilapag ko iyon sa mesa ng makaramdam ng hilo. Umikot ang paningin ko pagkamulat ko. Kaunti palang ang nainom ko pero tinamaan na ako.

Dinampot ko ang cellphone ko ng tumunog iyon. Tumatawag si Inay. As usual, pagkasagot ko boses ni Azane ang narinig ko.

"Mama, nandiyan ba si Mister--ay si Sir Razen pala. "

Nagsusumigaw na saya na wika niya. Tumatalon yata siya dahil narinig kong sinaway siya ni Inay na wag malikot.

"Nagtatampo na ako sayo. Sa tuwing tatawag ka siya palagi ang hinahanap mo. Siya palagi ang kinakausap mo, hindi na ako, " nagtatampo na saad ko.

"Gusto ko po magpasalamat sa kanya sa mga gift na bigay niya sa akin. "

"Gusto mo pala niyan pero hindi ka nagsabi sa akin. Tapos doon kay Razen naisabi mo. Sino ba talaga sa amin ang magulang mo? "

Siguro dahil naka inom ako kaya mabilis akong magdamdam. Kahit anong pigil ko gumaralgal parin ang boses ko at nag uunahang bumagsak ang mga luha ko.

"Mas gusto mo pa yata na kausap siya kaysa sa akin... "

"Mama, hindi po... "

"Anak, sorry ha, " pumiyok ang boses ko. "Sorry kung lumaki ka ng walang tatay. Sorry dahil walang maipakilala si mama sayo na tatay mo. Sorry dahil tinutukso ka ng ibang bata dahil wala kang tatay. Sorry, anak. Patawarin mo si mama. "

Impit akong umiyak na inalala ang naramdaman ng anak ko habang lumalaki siya na walang kinagisnan na tatay. Hindi siya  nagsasabi pero bilang ina niya alam ko naghahanap rin siya ng kasagutan kung bakit wala siyang tatay.

"Mama... " garalgal ang boses niya. Umiiyak siya katulad ko.

"Wala dito si Razen, nak, " pinasigla ko ang boses ko. "Pero sasabihan ko siya mamaya na hinahanap mo siya. Matulog ka ng maaga, ha? Wag mag likot-likot. May trabaho pa kasi akong tatapusin, nak. Ba-bye na muna, ha? I love you. "

Pinatay ko na kaagad ang tawag. Napahagulgol ako yakap ang aking tuhod.

Patawad kung hindi ako sapat. Patawad kung habang-buhay mong hindi makilala ang ama mo. Kasi ako mismo hindi na umaasa na makita ko pa siya ulit. At kung magkita man ulit kaming dalawa I'm sure hindi na niya ako makilala.

Ginawa ko man ang lahat para sa anak ko ngunit may mga bagay parin na pakiramdam niya hindi pa sapat iyon. At ngayon natatakot ako na naging malapit na ang loob niya kay Razen dahil hinahanap-hanap na niya ang lalaki.

Tinungga kong muli ang bote. Kahit nagkandatapon na ito sa bibig ko at nasusuka hindi ko tinigilan hanggang sa malunod ako.

Habol ko ang aking paghinga na binitawan ang bote. Natumba ito sa mesa at natapon ang ibang laman. Gustong kong sumigaw. Gusto kong magwala sa samo't saring nararamdaman ko. Ang sakit sa dibdib. Ang bigat sa loob.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ang iumpog ang ulo ko. Kung hindi lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin hindi sana ako nasasaktan ngayon. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan. Walang ibang dapat na sisihin kundi ako... ang sarili ko.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now