Chapter 34

627 10 0
                                    

Gueene pov:

Ramdam ko ang pamumutla ko. Bakit niya alam ang tungkol sa bagay na iyon? Paano niya nalaman? At bakit niya binabantaan ang buhay ko? Hindi ko naman nanakawan si Razen. At kung gagawin ko naman iyon, anong pakialam niya? Hindi niya naman iyon pera.

Pinatigas ko ang aking mukha at taas-noo na hinarap siya. "Alam ni Razen ang bagay na iyon. Bago niya ako pinakasalan, inalam niya muna ang buong pagkatao ko" lumagitgit ang ngipin niya, naasar sa sagot ko. "At saka, hindi ko kailangan pang nakawan si Razen... Nasa akin ang black card niya. Binigay niya sa akin. "

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa kusina. Hindi ako natatakot o nasisindak sa kanya, ayaw ko lang ng gulo sa pagitan naming dalawa dahil alam ko, siya ang kakampihan ni Razen at hindi ako.

May special treatment si Razen sa kanya  bagay na hindi ko iyon naramdaman sa lalaki. Pero ayos lang, alam ko naman ang lugar ko sa buhay ni Razen.

Nakaraang araw pa ako naka uwi dito. Hindi niya siguro nabasa ang mensahe ko kaya hindi siya nakapagsabi na ngayon ang balik nilang dalawa ni Chloe rito.

Humingi lang siya ng pasensya sa akin sa inasal ng mama niya at umalis rin kaagad dahil pupunta siyang Spain. Ipinagpaalam niya rin na dito muna si Chloe habang wala siya para may kasama ako dito sa bahay. Ayaw ko sana pumabor sa gusto niya, pero sino ba ako para umayaw?

"At sa tingin mo maniniwala ako? "

Mariin akong napapikit at humugot ng isang malalim na paghinga bago siya hinarap. Sumunod pa talaga rito.

"Edi, wag kang maniwala. Hindi ko na problema iyon," pabalang na sagot ko.

Kinuha ko ang mga kailangan ko at iniwan siyang nagpupuyos sa inis. Hindi ko alam kung matatagalan ko bang makasama itong babae na 'to, lumalabas ang pagka demonyo.

Nang magdapit-hapon dumating ang kaibigan niya. Iyong kaibigan niyang dumalaw dito dati. Ang dami niyang dala. Magpa party yata silang dalawa. 

Hindi na ako bumaba para maghapunan. Kinaumagahan maaga akong gumising. Dumiretso ako sa farm at doon nagpahanda ng agahan. Sa tatlong araw na hindi umuwi si Razen, nandito ako buong araw.

"Manong, ano pong meron at mukhang nagkakagulo sila doon? " kanina ko pa kasi napansin ang tensiyon ng mga trabahador habang nakikipag-usap doon sa mga taong kaharap.

"Mga suppliers ho yan sila, ma'am. Nagkakagulo kasi hindi naayos ang listahan kung sino ang mabigyan ng supply ngayon. Marami kasing reject na lobster at crabs. Ayaw naman nilang kunin kasi lugi raw sila. "

Hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko sila. Baka umabot pa ito kay Razen, mapa uwi siya ng wala sa oras.

Nagtatalo ang mga suppliers. Hindi ko alam paano sisingit sa usapan nila. Hinanap ng mata ko si Joan, ang kanang kamay ni Razen ngunit hindi ko makita.

"Hindi pwede iyang gusto mo! Ako ang unang dumating--"

"Sundin nalang natin ang nasa listahan. Tutal iyon naman ang patakaran! "

"Paano naman kami na naka-booking na?! E, gusto niyong kunin lahat! "

"Sandali ho! Sandali. Pag-usapan ho natin ng mahinahon! " pag awat ko dito dahil mukhang magsusuntukan na sila.

"Sino ka ba para makisawsaw sa usapan?! " singhal sa akin ng lalaking mataba na puro gold ang abobot na nakasabit sa katawan.

"Asawa siya ni Mr. Montagne.. "

Biglang umamo ang kanilang mga mukha sa sagot ni Manong na nasa tabi ko. Humingi sila ng pasensiya at binigyan ako ng pagkakataon na makapagsalita.

"Since kulang itong mga supply, bakit hindi nalang natin hatiin nang sa ganon lahat kayo mabigyan? " sabi ko. "Unfair naman sa iba na narito. Alam ko mali namin kasi hindi kami nag inform sa inyo kaagad. Kaya para fair, paghatian niyo nalang nang sa ganon lahat kayo may maiuwi."

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now