Chapter 52

1K 15 1
                                    

Gueene pov.

"Gueene..."

His eyes widened when he saw me. Tears shimmered in his eyes. Binitawan niya ang mga prutas na bitbit at lumapit sa akin.

"Wag ka muna bumangon, " pigil niya sa akin nang akma akong babangon.

Hindi na ako nagmatigas dahil bigla akong nahilo. "Nasaan ako? " nanghihina na tanong ko.

"In the hospital. You gave birth yesterday," a genuine smile appeared on his lips.

Napakurap ako ng ilang beses. "A-Anong sabi mo? " Nauutal na tanong ko sa pagkabigla. Dahan-dahan kung ibinaba ang tingin sa akin tiyan, hindi na nga iyon malaki. Wala nang bakas doon na isa akong buntis.

"Nawalan ka ng malay sa bahay niyo. Nang dalhin kita rito pumutok ang panubigan mo.  Kaya nagdesisyon si Dok to make you a CS operation. Don't worry, healthy si baby. She is waiting at you to awake. Nasa nursery room siya. "

Naluha ako sa kanyang sinabi. Mabuti naman at maayos ang anak ko. Kahit wala akong malay-tao, isinilang ko parin siya ng maayos.

May ngiti sa labi na pinunasan niya ang pisngi ko. "I am so proud of you... You're a great mother. Thank you for bringing them into this world, " emosyonal na usal niya.

'And thank you too.' I wanted to say. Ngunit tikom ang aking bibig. Hindi ko iyon maibuka  sa labis na kasiyahang nararamdaman.

"Gusto mo ba siyang makita? " tumango ako. "Tatawagin ko lang si Dok para sabihing gising ka na. "

Muli siyang ngumiti bago lumabas. Kinapa ko ang aking tiyan. Kung saan, kanina lang ay ramdam ko pa doon ang anak ko. Ngayon, masisilayan ko na siya. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan siya, yakapin at halikan.

Nanubig ang mata ko pagbukas ng pinto, tulak ng nurse ang crib kung saan naroon ang anak ko na mahimbing na natutulog.

Kaagad na lumapit si Razen sa akin upang alalayan akong makasandal ng maayos. Kinuha ng nurse si baby at inabot sa akin.

Ang ganda niya. Sa kanyang pangangatawan hindi ko masabi na isa siyang 7 months old premature baby. Naluluha ang mata na napangiti ako nang gumalaw siya ng hawakan ko ang kanyang kamay.

Yes baby. It's me. Hawak ka na ni mama. I will take care of you. I will love you and guide you. Nandito kami ni Kuya Azane at papa mo. We love you so much.

God answered my prayers. Normal lahat ng test ni baby, iyon ang sabi ni Dok. Miracle baby kung tawagin niya dahil bihira lang ang ganitong senaryo para sa mga premature baby. Kailangan lang raw namin bantayan ang paglaki niya kung mayroong kakaibang pagbabago.

Marami pang sinabi si Dok pero sa isang salita niya doon ako napa angat ng tingin at gulat na gulat.

"Si daddy muna ang unang dumede--"

"H-Ho? " Muntik ko pang mabitawan si baby sa gulat sa narinig.

"If you experience a clogged breast,  ipasipsip mo kay mister hanggang sa marami nang  gatas ang lumabas sa dede mo. Kung ayaw parin, ipamasahe mo sa kanya ang dibdib mo, " kaswal na wika niya. "Mas epektibo ang option number 2 na sinabi ko. Makatulong rin iyon para humupa ang sakit. "

Napa awang ang aking labi sa sinabi ni Dok. Pakiramdam ko pulang pula ang buong mukha ko sa subrang hiya na naramdaman. Normal lang talaga na sabihin niya iyon, pero sa aming dalawa ni Razen, hindi iyon normal.

Yes, we made sex. Kaya nga kami nakabuo. Nagawa niya rin sa akin ang bagay na sinabi ni Dok, pero ibang usapan iyon. Lasing ako no'n. Wala ako sa tamang katinuan.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt