Chapter 16

662 11 0
                                    

Sanay na ako makarinig ng mga masakit na salita laban sa akin. Pero ang saktan ako pisikal, isang beses lang nangyari yun noong sampalin ako no itay nang malaman niya na buntis ako. At ito ang ikalawang pagkakataon na may nanakit sa akin pisikal.

Masakit. Takot na takot ako. Wala naman siyang karapatan na saktan ako dahil wala naman akong ginagawa sa kanya. Pero anong laban ko? Nasa pamamahay niya ako. Kung sasagot ako at papatulan siya baka mas malala pa ang gagawin niya sa akin.

Hindi ko pinigilan ang pagpatak ng luha ko kasabay ng paghikbi. Naka alis na si Ma'am Elizabeth ngunit nanatili parin ako sa aking kinatayuan. Nanginginig ang kamay at tuhod ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na naramdaman kanina sa ginawa niya.

Akala ko sampalin niya ako. Na hindi lang iyon ang aabotin ko kanina sa subrang galit niya sa akin. Hinimas ko ang braso ko na mariin niyang hinawakan kanina. Masakit iyon. May bakas pa ng mga daliri niya roon sa higpit ng pagkahawak niya.

Inayos ko ang sarili ko. Kailangan ko pang taposin ang trabaho ko. Hinila ko ang manggas ng damit ko upang matakpan ang braso ko baka may makakita. Nang masiguro na ayos na, nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago bumaba sa kusina.

Napanguso ako nang nginitian ako ng matamis ni Ate Ruby. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiti niya. Nanunukso siya.

"Naranasan ko rin naman ang magkaroon ng boyfriend at ma in love pero sa inyong dalawa lang ni Sir Razen ako kinilig ng todo, " hagikhik na sambit niya. "Pero bakit pa ika-ika kang maglakad kaninang umaga? Ang wild ba ni Sir? "

"Ate! " nanlaki ang mata na sambit ko. "Walang gano'n na nangyari. "

"Ows, talaga?"

Tumango ako. Kahit isang beses hindi sumagi sa isip ko ang ganong bagay. Na may mangyari sa amin ni Razen.

"Mabuti at nakatiis si sir. "

Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa mga pinagsasabi ni Ate Ruby. Hindi naman siya aware na walang namamagitan sa amin ni Razen kaya nasabi niya sa akin ang ganitong bagay. Para maka-iwas iniba ko ang usapan.

"Ate, hihingi pala ako ng tupperware pang sidlan ng mga karne."

Kahit naghahanap ng mga tupperware na kailangan ko hindi parin siya tumitigil sa pagsasalita sa ganoong bagay. Nakisali na rin ang ibang kasamahan niya. Nagbibigay pa ng tip kung ano ang gagawin.

"Panigurado, babawi yan si sir sa honeymoon niyo. "

"Tama na nga iyang ganyang usapan, " naiilang sa hiya na sambit ko. "Aakyat na ako. "

Tinukso pa nila ako hanggang makalabas ako ng kusina. Napailing nalang ako.

Inumpisahan ko na kaagad ang gawain ko ng makabalik dito sa itaas. Kaya lang ang tahimik. Inaantok tuloy ako. Naisipan ko nalang na kunin ang cellphone ko at tawagan si Inay.

"Mabuti at tumawag ka, Gueene. " aniya nang sagutin ang tawag ko.

"Bakit ho, nay. May problema ba? "

"Nagpunta ako sa paaralan kanina para ipa-enrolled itong anak mo kaya lang, " narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. "Hindi siya tinanggap ng teacher sa kender."

"Ho? E, bakit daw? Dahil hindi siya nakapag day care? "

"May pinabasa yung teacher sa kanya. English at tagalog. Maniwala ka sa hindi anak nabasa iyon ng anak mo ng matulin. Nagulat ako kasi hindi ko naman nakita ang apo ko na nagbabasa. Pati nga iyong mathematics nasagutan niya. "

Napatulala ako sa aking narinig. Kahit ako hindi ko nakita ang anak ko na nagbabasa. Kapag tinuturuan ko siya ang dami niyang reklamo. Hindi ko naman mapilit dahil iiyakan niya lang ako. Mas gusto niyang tulungan kami ni Inay na magbungkal at magtanim sa bukirin. Hindi rin iyon naglalaro katulad ng ibang mga bata na ka edad niya.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt