Chapter 22

644 9 0
                                    

Kapag ba sinabi ko kay Razen ang tungkol sa ginagawa sa akin ng nanay niya, mawakasan na ba iyon? O, baka mas malala pa ang aabotin ko? Siguro, piliin ko na lang ang manahimik at indahin lahat ng mga ginagawa niya. Lahat naman ng mga pangyayari ay nawawaksan. Hindi pa nga lang ito ang tamang oras at panahon.

"Sorry.... "

Tanging sambit ko. Nahihiya na ako sa abala na binigay ko sa kanya. Sa pag alala niya. Oo kargo niya ako dahil sa mata ng lahat mag-asawa kaming dalawa. Nangako rin siya sa akin na hindi niya ako pababayaan. Pero ako itong hindi nag iingat-o tamang sabihin na dahil sinasaktan ako ng nanay niya kaya ako nagkaganito.

"Hindi ako galit. Naiinis lang ako makita na nasasaktan ka pala habang wala ako sa tabi mo, " malumanay niyang usal. "Nag aalala rin ako kasi paano kung mas malala pa ang mangyari sayo? Hindi ko alam ang gagawin ko, Gueene. Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang mo kung uuwi ka sa kanila na puro sugat sa katawan?"

Napayuko ako ng ulo. "Sorry... Hindi na mauulit.. "

Marahan niyang hinaplos ang buhok  ko. "Next time tawagan mo ako kapag may nangyari sayo. Hindi yung magugulat nalang ako pagdating ko rito at madatnan kang inaapoy ng lagnat. "

Kaya pala nabungaran ko siya na pinupunasan niya ako dahil may lagnat ako. Akala ko dahil marungis ako na nakasampa sa kama niya at mabaho.

Pinahiga niya ako saka siya tumayo at hinatid sa kusina ang pinagkainan ko. Pagbalik niya may bitbit na itong water bag.

"Makatulong ito sa period cramps mo, " aniya sabay abot niyon sa akin.

Ramdam ko ang pagbilog ng mata ko sa gulat at hiya. Paano niya nalamang may regla ako?

Mahina siyang tumikhim at umiwas ng tingin. "May tagos ka--"

"Bakit hindi mo sinabi ka agad!? "

Napatingin siya sa akin nang tumaas ang boses ko. Pakiramdam ko parang kulay ng kamatis na ang mukha ko sa pamumula dahil sa hiya.

"Tulog ka ng madatnan kita--"

"Kahit na! Dapat ginising mo 'ko! "

Kaagad niya akong inalalayan nang bumangon ako at bumaba ng kama. Puro tagos na itong sapin kung ganon.

"Na prepared ko na ang pamalit mo. Nandoon sa banyo. "

Laglag ang panga na tiningala ko siya. Paanong alam niya ang bagay na iyon? Sabi niya NGSB siya. Wala rin siyang kapatid na babae kaya paanong alam niya?

Napakamot siya sa kanyang batok. "Stop looking at me like that. Fine, " pagsuko niya nang magbuhol ang kilay ko na pinakatitigan siya. "Understood naman kung ano ang need ng isang babae kapag may re-red days. Diba, am I right?"

"Pero hindi tama na ikaw ang mag prepare ng pamalit ko... "

Pinatalikod niya ako sa kanya at tinulak patungo sa banyo. "Wag ka na makipagtalo, " saad niya nang makapasok ako. Hindi pa niya tuluyang nasara ang pinto nang pigilan ko iyon. "Why? " nagtataka na wika niya.

"Hindi ako araw-araw may regla, " nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. "Pero bakit ang dami mo namang binili na pads? Ano ako magtitinda ng mga napkin? "

"Well... Hindi ko alam kung ano ang brand ng pads na ginagamit mo kaya binili ko nalang lahat ng brand doon sa store. "

Lihim akong napabuntonghininga. Matuyuan ako ng dugo sa kanya. "Sige, salamat dito. " saad ko at sinarado ang pinto.

Hindi ba siya tinubuan ng hiya nang bilhin niya ang mga 'to? Kasi ako, hiyang-hiya ako sa mga pinaggagawa niya. Oo naintindihan ko na kailangan niya akong tulungan pero ito? Anak ng... Hindi nga ako humihingi ng tulong sa nanay ko tapos siya walang pasabi sa akin na gawin ang bagay na'to? Sumakit ang ulo ko sa pinaggagawa niya.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon