Chapter 38

659 9 0
                                    

Gueene pov:

Nagising ako na masakit ang aking ulo at parang binugbog ang buong katawan ko. Mariin akong napapikit sapo ang aking ulo nang maalala ang nangyari kagabi.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Pakiramdam ko panaginip lang ang nangyari sa amin ni Razen. Pero hindi. Totoo talaga  na Razen and I had sex last night.

Alas-onse na. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko. Wala si Razen sa tabi ko. Ngunit may suot na akong damit. Siguro binihisan niya ako kagabi. Napagiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa ibaba ko. Nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala kung gaano ako ka wild kagabi sa ibabaw ni Razen.

Napatingin ako sa terrace. Naroon siya nakatayo. Walang pang itaas na damit at tanging pajama lang ang suot. Napasinghap ako kasabay ang pag-awang ng aking labi ng makita ang mga pulang marka sa likod niya. Para masiguro kung ano iyon nagmadali na bumaba ako sa kama at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo.

"Oh my god! " bulalas ko ng makita ang maliit na pulang marka sa panga at punong tainga ko. "What the heck! "

Hindi na ako nakapagsipilyo. Nagmadali akong lumabas para puntahan siya at komprontahin tungkol dito sa marka ko ngunit natigil ako sa paghakbang ng makita si Chloe na masaya at malaki ang ngiti na nilapitan si Razen. Laglag ang panga na napatulala ako nang halikan siya ni Chloe sa labi at lumambitin ang kamay niya sa leeg ni Razen.

Aalis na sana ako ngunit may nag uudyok sa akin na manatili at pakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko masyadong marinig kaya lumapit pa ako ng kaunti. Ngunit pinagsisisihan ko din dahil sa mga narinig.

"I love you. But I can't marry you.... Ngayon ko lang napag-alaman na hindi pala peke yung kasal namin. "

Napahawak ako sa glass wall nang bigla akong manghina. How could it be?! Ang sabi niya okay na ang lahat. Paanong nangyari na nagkatotoo ang kasal namin? Parang sasabog ang ulo ko sa narinig.

Kung sa ibang pagkakataon ko ito narinig siguro naglulupasay na ako sa saya. Pero hindi ko magawang sumaya matapos kong malaman na hindi peke ang kasal namin dahil iba ang mahal niya. Iba ang gusto niyang pakasalan.

Bumaba ako sa kusina bago pa nila  makita na nakikinig ako sa kanila. Dalawang baso ng tubig na ang nainom ko ngunit hindi parin ako kumakalma. Gusto kong malaman ang totoo. Kung bakit humantong sa ganito na dapat ay peke lang sana. Nakakainis. Kasi imbis na sa'kin niya iyon sabihin, inuna niya pang ipaalam doon sa babae niya.

Kung ganon, may karapatan pala akong magalit sa babae na iyon. Kung totoo man ang kasal namin ni Razen dapat lang na magalit ako sa kabit niya.

Ang ipinagtataka ko lang, kailan pa sinabi ni Razen sa kanya na peke lang ang kasal namin?

Paano kung malaman iyon ni Ma'am Elizabeth?

Namutla na napa upo ako. Biglang nanlamig ang mga kamay ko at pinagpawisan ako. Nag umpisa ng kumabog ang puso ko sa kaba at samo't saring negatibong iniisip. Kapag nalaman niya ito, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Hindi ko alam kung ano ang maging kahinatnan ko sa kamay niya.

"Gueene, may sakit ka ba?"

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Razen. May damit na siyang suot at basa ang kanyang buhok. Nanuot kaagad sa ilong ko ang pinanghalong amoy ng kanyang mamahaling cologne at shampoo. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko ng lumapat ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat pero bakit namumutla ka?"

Nangunot ang kanyang noo. Ang kanyang gwapong mukha nabahiran ng pag-alala at pagkataranta nang makita ang mga butil ng pawis ko at humahangos ako na para bang kinakapos sa paghinga.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now