Chapter 36

645 11 0
                                    

Gueene pov:

Piniling ko ang aking ulo sa mga haka-hakang naisip. Narinig ko lang ang pangalan na yun nag-assume kaagad ako na si Razen iyon.

"Hey, you! Nasaan si Razen? "

Hindi ko pinansin si Chloe at nagtuloy sa pagbaba at nilagpasan. Natigil ako sa paghakbang nang may tumama sa likod ko.

"Kinakausap kita, " mariing wika niya.

Blangko ang tingin na hinarap ko siya. Ang throw pillow na nasa aking paanan na binato niya sa akin ay sinipa ko pabalik sa kanya. Malakas siyang napasinghap nanlaki ang mga mata.

"Hindi 'hey you' ang pangalan ko. At malay ko ba na ako pala ang kinakausap mo, " I answered coldly.

"Can you please answer my question? " pagalit na singhal niya.

"Bakit mo sa akin tinatanong kayo ang palaging magkasama ng asawa ko, " tumaas rin ang boses.

She crossed her arm looked at me intently. "Alam ba ni Razen na masama ang ugali mo? Na nagbait baitan ka lang kapag kasama mo siya pero ang totoo isa kang tuso?."

Aba, at binaliktad pa ang sitwasyon naming dalawa. Baka kamo sarili niya ang sinasabihan niya.

"He knows me very well, Chloe, bago niya ako pinakasalan. At saka, wala naman akong dapat na itago sa kanya. Baka ikaw ang hindi pa niya kilala ng lubos... "

Tumaas ang dalawang kilay ko ng akma niya akong sampalin. Nanginginig ang kamay na kinuyom niya ang palad na nakataas sa ere. Her expression hardened. Matalim ang tingin na pinipigilan ang sarili na sugurin ako.

"Ngayon mo sabihin sa akin kung sino sa ating dalawa ngayon ang nagbabait-baitan, " matigas na usal ko. "Sige, sampalin mo ako... Pero sa harap mismo ni Razen. "

Pasinghap na ngumisi siya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. "Tumatapang ka dahil nandito si Razen," tumabi siya ng tayo sa akin at ipinatong ang kamay sa kaliwang balikat ko. Saktong pumasok si Razen nang mariin niyang pisilin ang balikat ko at bumulong. "Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, " mariin niyang bulong.

Nagka-iwasan kami ng tingin ni Razen. Naiilang kami sa isa't-isa dahil sa nangyari kagabi. Si Chloe na nasa tabi ko mas lalong dumikit sa akin at pasimpleng piniga ng malakas balikat ko. Nang tingnan ko si Razen, nakatabingi ang kanyang ulo, at kunot-noong nakatingin sa akin.

"Anong nangyari d'yan sa braso mo? " maaligasgas ang boses na tanong niya.

Doon lang bumitaw si Chloe at marahang lumayo sa akin. Nang tingnan ko ang aking braso ang malaking pasa ko pala ang tinutukoy niya.

"Razen... " nanginginig ang boses na usal ko ng hablutin niya ang kamay ko. Umigting ang kanyang panga nang makita ang naghahalo na kulay blue at purple na pasa ko doon.

Hinawakan ko ang kamay niya. Sumalo sa akin ang malamlam niyang mga mata. "Mamaya na tayo mag-usap, ha."

Umigting ang kanyang panga at marahang tumango. Binitawan niya ang kamay ko at doon niya pa lang hinarap si Chloe. Mariin akong napapikit. Ano na naman ang rason na sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman masabi na kagagawan ito ng kanyang ina.

Noong nakaraang araw pumunta dito si Ma'am Elizabeth. Pinagsasampal ako, kinaladkad, binalibag, tinadyakan pa. Ang galit niya sa akin tungkol doon sa kumakalat na balita na kasal na si Razen. Hindi iyon lumabas sa publiko ngunit sa istado na kinabibilangan nila, iyon ang pinag-uusapan.

Sinalo ko ang lahat ng galit at pananakit sa akin ng ginang. Sa akin niya binunton ang lahat dahil ako ang puno't dulo kung bakit nagulo ang buhay ni Razen. Kung bakit sunod-sunod ang mga problema na kinakaharap nila lalo na sa negosyo.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now