Chapter 11

747 10 0
                                    

Nang umalis si Ma'am Elizabeth pinuntahan ko si Ante Minda. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo at batid ko umiiyak siya. I didn't say a word. Nagkunwari ako na wala akong alam, wala akong narinig. Hinayaan ko lang siya na umiyak ng tahimik.

"Ako na dito, Gueene. Ako na maglinis, " aniya ng tulungan ko siyang damputin ang mga basag na banga.

"May sugat ka sa kamay, Ante. Gamotin mo muna doon ako na muna magtipon nitong mga nabasag. "

"Sige. Kukuha rin ako ng panglinis. "

Wala akong karapatan para husgahan si Ante dahil wala naman akong alam sa mga nangyari sa kanila. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maawa kay Ma'am Elizabeth. Kung gaano ka sakit para sa kanya na sarili niyang kaibigan niloko siya, trinaydor at inagaw pa ang kaligayahan sa buong pagkatao niya.

Kahit siya na ang sinaktan at niloko, nagawa niya paring patuluyin sa pamamahay niya ang dating kaibigan dahil iyon ang gusto ng kanyang asawa at para sa kinabukasan ng bata na  bunga ng kanilang mga kasalanan. Hindi ko maimagine kung gaano iyon kasakit para sa kanya. Kung paano niya lunukin ang pride niya sa kagustuhan ng asawa. Siguro ito ang rason kung bakit wala dito palagi ang kanyang asawa.

Kung aalis na dito si Ante Minda, paano ang anak niya na umaasa sa kanya? Hindi ko maiwasan na maawa sa kanya. Itong mga nangyari kay Ante Minda, alam ko may malalim rin siyang dahilan kaya siya napunta sa sitwasyon na'to. Sana maging maayos siya pagkatapos nito. At sana hindi maapektuhan ang bata dahil wala naman itong kinalaman sa kasalanan ng mga magulang niya.

"What are you doing? " nagtataka, may pag-alala sa boses na sambit ni Razen.

Sa lalim ng iniisip ko sa mga nasaksihan, hindi ko napansin ang pagdating niya. Napangiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa daliri ko. Nasugatan ako. Siguro dahil nabigla ako sa pagdating ni Razen.

Hinawakan niya kamay ko at maingat na hinila patayo. Nagsalubong ang kanyang kilay at umigting ang panga nang makita ang malalim na sugat doon. Nagpatianod ako nang hilain niya ako. Pagbukas ng pinto tumambad sa akin ang malinis at maayos na kusina. May ibang kusina pa ang bahay na'to?

"Hindi mo dapat iyon ginawa, " kalmadong wika niya at tinapat sa gripo ang daliri ko na may sugat. Hinugasan niya iyon.

"Ang alin? "

"Ang pulutin yung mga nabasag. Nagkasugat ka tuloy. "

Tinuyo niya ang kamay ko at nilagyan ng betadine saka nilagyan ng band aid.

"Nagulat ako sayo kaya ako nagkasugat. Tinipon ko yung mga nabasag habang hindi pa nakabalik si ante baka-,"

"Hindi mo iyon trabaho. "

"Pero gusto ko tumulong... "

Buntonghininga lang ang sagot niya. Hinila niya ako at pinaupo sa upuan. Nagtataka man umupo nalang ako at tumahimik. Alam niya ba ang nangyari kanina? Alam niya ba na may ganoong problema ang mga magulang niya? Gusto ko sana sabihin sa kanya iyong mga narinig ko pero nag aalangan ako at hindi dapat ako manghimasok sa kanilang problema.

Napatingin ako sa daliri ko na ginamot niya. Biglang may humaplos sa puso ko at napangiti nalang dahil may concern siya sa akin. Kung tutuosin pwede naman niya akong hayaan nalang dahil wala naman dito ang ina niya na nakamasid sa amin. Pero ginamot niya parin ako at nakita ko ang pag alala sa kanyang mukha kanina nang makita ang sugat ko.

"Masama ang pakiramdam ni mama kaya tayo na lang ang kakain, " aniya at inilapag sa mesa ang pagkain na niluto ni Ate Ruby kanina.

Hindi ko man lang napansin na lumabas siya at kinuha ang pagkain sa kabilang kusina. Nakatitig ako sa kanya habang inaayos niya ang hapag. Bumabakat sa kanyang damit ang malapad nitong dibdib at braso sa tuwing gagalaw. Ang kanyang seryosong mukha na katulad ng kanyang ina na mukhang maldito tignan. Ang kanyang matangos na ilong at hulmadong panga na parang inukit sa subrang perpekto nito tingnan.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now