Chapter 49

838 16 1
                                    

Gueene pov:

Narito kami ngayon sa Obgyne. Ika-apat na buwan na ngayon ng pagbubuntis ko at kasama ko si Inay at Azane. Kanina pa ito excited. Gusto na niyang malaman kung ano ang gender ng maging kapatid niya. Sana nga malaman namin ito ngayon, mukhang ito ang sadya ng anak ko at hindi pa pumasok sa school.

Habang naghihintay, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng lungkot habang nakatingin sa mga mag-asawa na aming kasama. Hindi ko maiwasan na mag-isip na sana may asawa rin akong kasama ngayon at pareho kaming excited.

Sana may humahaplos rin sa tiyan ko na nakangiti at masaya. Naka alalay sa akin. Taga bitbit ng gamit ko. Iyong mga ganoong bagay.

Piniling ko ang aking ulo at sinuway ang sarili. Hormones nga naman. Hinaplos ko ang buhok ni Azane nang itapat niya ang kanyang tainga sa aking tiyan.

"Sa tingin ko babae ang kapatid ko, mama. " maya-maya ay wika niya.

"Bakit mo naman na sabi?"

"Ang behave niya po kasi. "

Natawa ako. "Hindi pa talaga iyan maglilikot sa tiyan ko, nak. Hintayin natin pagdating ng six months, magkukulit na iyan diyan sa loob kagaya mo dati. "

Walang araw na hindi niya pinapakinggan ang kapatid niya. Madalas niya itong kinakausap sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog o kaya ay kapag magkasama kaming dalawa.

Natutuwa ako at mahal niya ang kapatid niya. Hindi nga rin ito nang usisa kung sino ang ama ng kapatid niya. Mukhang naintindihan naman niya, na katulad niya ay wala rin itong ama na maipakilala ko sa kanila.

"Miss Aloquin. "

Tawag sa akin ng assistant. Pati sa loob ay sumama si Azane at Inay. Sa tuwing check up ko nalulungkot ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta iyon palagi ang nararamdaman ko sa tuwing tutungtong ako dito.

Napangiti ako nang makita ang tensyonadong mukha ni Azane. Nakamasid ito  sa ginagawa ni dok. Tahimik lang rin itong nakikinig habang kinakausap ako ng doktor.

Nang mahiga na ako para sa ultrasound lumapit siya sa ulohan ko. "Doktor, makikita ko na po ba ang kapatid ko? " curious na tanong niya.

"Yes, big boy. Malalaman na natin kung ano ang gender ng magiging kapatid ko. Excited ka na ba? " wika ni dok.

Mabilis siyang tumango. "Opo, doktor, " nakangiti na usal niya.

Matulin siyang nakikinig sa bawat sinasabi ni dok habang nakaturo ito sa monitor. Titig na titig siya roon nang sabihin ni Dok na dito makita at malaman kung ano ang gender ng kapatid niya.

"Congratulations mommy and big boy, it's a girl. "

Naluluha na yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Thank you, mama. May little princess na po ako. Dalawa na kayo ang aalagaan ko, " kumalas siya ng yakap at tiningala si Inay. "Tatlo pala kayo ni lola nanay. "

Kahit wala ang kanilang ama, nakikita ko naman ito kay Azane. Nararamdaman ang pag-aalaga niya. Hindi ako sigurado kung ano ang naipamana ko sa anak ko. Kasi lahat ng aspito na mayroon siya, kuhang-kuha niya ito sa kanyang ama.

Matapos ang check up ko nag grocery kami. Malaking halaga ang ibinigay sa akin ni Ma'am Elizabeth, subra subra para sa akin na kontento lang sa buhay. Ngunit hindi lang naman ako ang makinabang sa pera niya, kundi pati apo niya.

Wala na akong balita sa kanilang pamilya. Pati si Tim ay hindi narin nangangamusta sa akin. Baka nanganak na ang asawa niya kaya wala na itong paramdam sa akin. Mabuti na rin siguro iyon, nang sa ganun tuluyan na akong makawala sa pamilya na iyon na kahit anong koneksyon ay wala na rin.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now