Chapter 4

878 17 1
                                    

"Saan ka noong kailangan ka namin?! Bakit umuwi ka pa?! "

Napaluhod ako sa aking kinatayuan. Nawala lahat ng lakas ko sa mga narinig. Paanong patay na ang mga kapatid ko? Paano sila namatay?

Walang tigil ang pag-agos ng luha. Tahimik akong tumatangis habang iniisip kung paano nangyari sa kanila iyon?

Nadurog nang tuluyan ang puso nang tumangis si Itay. Subrang sakit pakinggan ang mga hagulgol niya. Sinikap kong tumayo upang daluhan siya ngunit walang lakas ang mga tuhod ko. Pagapang akong lumapit sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang palad niya ngunit tinabig niya iyon dahilan para masubsob ako sa sahig.

"Yung mga kapatid mo... Walang awa nilang pinatay.. " tumatangis na sambit niya. "Tinatawagan ka nila ng mga araw na iyon... Humihingi sila ng tulong sayo! Pero nasaan ka?! Telepono mo nakapatay! "

Sa subrang pagdamdam ko sa pagbintang nila sa akin na nagnakaw ako, hindi ko na napagtuunan ng pansin ang telepono ko. Lowbat iyon at hindi ko na-charge dahil dalawang araw akong nagkasakit. Problemado ako nang mga araw na iyon sa dami ng iniisip ko.

Kung nagkataon na bukas ang cellphone ko, siguro buhay pa ang mga kapatid ko. Siguro nagawa pa silang iligtas ng mga araw na iyon.

"Patawad.. Patawad, Itay... " humahagulgol na sambit ko.

Napapikit ako at pumalahaw nang ibalibag niya ang mesa namin. Nawasak iyon. Galit na galit siya. Hindi ko alam paano siya pakalmahin dahil ako mismo ang unang dahilan kung bakit siya galit.

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina at lumabas ng bahay. Napatakip ako sa aking tainga na humahagulgol nang sumigaw si Itay.

"Ahhh! Bakit!? Bakit ang mga anak ko pa?! Bakit sila pa? Anong kasalanan nila?! "

Puno ng hinanakit at galit na pagsusumigaw niya. Ang sakit para sa akin na mawalan ng kapatid, paano pa kaya para kay Itay na siya ang ama? Paano pa kaya sa kanya na mahal  na mahal niya ang dalawang iyon?

Humahagulgol na sinalubong namin ni Inay nang yakap ang isa't isa. Gusot at butas-butas ang kanyang damit. Magulo ang buhok at halata sa mukha na wala siyang tulog. Yumuyugyog ang kanyang balikat at ang higpit ng yakap niya.

"Wala na ang mga kapatid mo, " halos hindi na siya makapagsalita sa pag-iyak.

"Sorry, Nay. Sorry ho at wala ako para iligtas sila.... Patawad, Nay... "

Hindi ko sila matanong kung paano at kung bakit namatay ang mga kapatid ko. Si Itay hindi ko makausap. Si Inay naman tulala habang nakaupo sa lantay nakatanaw sa aming lupain kung saan madalas naglalaro ang dalawa kong kapatid.

Pinahid ko ang luha na nag unahan na nagsibagsakan. Ang bata pa nila. Marami pa silang pangarap sa kanilang sarili at para kay Itay. Pero dahil sa mga walang-hiya na pumatay sa kanila, nawakasan ang mga pangarap nila sa buhay.

Paano na kami ngayon? Si Itay at Inay? Ang mga kapatid ko ang dahilan kung bakit sila nagsusumikap. Ang mga kapatid ko ang dahilan ng saya nila tapos sa isang iglap bigla iyong kinuha.

Wala kaming sapat na pera para sa ilang araw na lamay ng mga kapatid ko. Sa kabaong palang kinapos na kami sa pera. Kaya isang araw lang namin sila nakasama at napagdesisyunan ng ilibing dahil ayaw magbigay ng palugit ang purinarya. Kailangan mabayaran namin ang kalahati ngunit wala kaming thirty thousand na pera.

Ubos na rin ang naitabi ko na pera. Pati ang naitabi nila Inay nasimot na rin. May natira pa kaming babayarin sa purinarya na forty thousand.

Wala kaming mahingan ng tulong sa kaso ng mga kapatid ko. Hangad ko ang mabigyan sila ng hustisya ngunit wala akong malapitan upang mahingan ng tulong. Sabi ng pulis na nakausap ko, ginahasa raw ang mga kapatid ko. Nanlaban sila kaya may mga bugbog silang natamo sa katawan. Hindi pa nakontento ang mga taong iyon dahil pagkatapos silang gahasain, pinatay pa nila ito. Maraming saksak sa katawan. At ang mas masakit pa, sa maisan namin sa bukirin sila tinapon.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now