Chapter 19

630 13 0
                                    

"May pasalubong pala ako. "

Bumaba siya sa bisig ko at sinipat ang dala ko. "Wow, cake. Pero hindi ko pa naman birthday, mama. "

Pinisil ko ang kanyang pisngi at kinuha ang cake. Inaakay ko siya papasok sa loob ng bahay. "Makakain ka na ng cake kahit hindi mo birthday."

"Talaga, mama? " nangingislap ang mga mata sa tuwa na sambit niya.

Binuhat ko siya at pina upo ng maayos sa upuan. Pinaghiwa ko silang dalawa ni nanay ng chiffon cake na binili ko.

"Oo naman. Gusto mo kada sahod ni mama kakain ka ng cake? Iyon ang pasalubong ko sa tuwing uuwi ako. "

Tuwang-tuwa na tumango siya at nilantakan ang cake na hawak. Hindi naman masama kung pagbigyan ko ang gusto ng anak ko. Ngayon lang ito nangyari sa kanya. Kaya habang kaya ko pang ibigay ang gusto niya, ibibigay ko sa abot ng makakaya ko.

Matamis ang ngiti sa labi na kinain ko ang cake na sinubo niya sa akin. Panay ang kwento niya ng kung anu-ano habang kumakain. Pati kaklase niya na naka ihi sa pants naikwento niya. Nakakatuwa kasi lahat ng nangyayari sa kanya sinasabi niya sa akin. Maliban sa pag-aaral niya.

"Hindi mo ba ikuwento kay mama ang tungkol sa pag-aaral mo? " napangiti ako nang yumuko siya ng ulo sa tanong ko. Na para bang nahihiya siya na sabihin sa akin iyon.

"Kailangan pa ba iyon, mama? " inosenteng tanong niya.

"Oo naman. Wala namang masama kung magkwento ka tungkol sa pag-aaral mo. Dapat nga maging proud ka na ipagsabi ang bagay na iyon. "

Nakaramdam ako ng pag-alala nang makita ang malungkot niyang mukha.

"Tinutukso po kasi nila ako, " mahinang usal niya. "Sabi nila, hindi raw ako normal na bata kasi ang talino ko tapos six pa raw ang edad ko. At alien raw ang...tatay ko. "

Parang nilamusak ang puso ko ng marinig ang sinabi ng anak ko. Hindi naman niya kasalanan kung biniyayaan siya ng ganyang talino. At ang tungkol sa ama niya, kasalanan ko kung bakit wala akong may maipakilala sa kanya dahil kahit ako mismo hindi ko kilalang tunay ang tatay niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ginawaran ng masuyong ngiti. "Hindi totoo yung mga sinasabi nila. Ang swerte mo kasi biniyayaan ka ng ganyang talino katulad ng Tita Maureen at Tita Beatriz mo. Ang ganyang talento dapat ipinagmamalaki. Patunayan mo sa kanila na higit pa riyan ang kaya mo na kahit ganyan ang edad mo, " hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Wala kang dapat ikahiya, anak, hmm. At saka hindi alien ang tatay mo. Maging ganito ka ba ka pogi kung alien siya? "

Napangiti siya sa hirit ko. Ako noon, kumpulan ako ng tukso dahil mahina ang utak ko. Iyon ang dahilan kung bakit nagsumikap ako mag aral nang mapatunayan ko sa kanila na ang tinutukso nilang bobo ay nakatapos ng kolehiyo. Pero iba sa senaryo ng anak ko. Tinutukso siya dahil sa mura niyang edad iba na ang taas ng talino na mayroon siya.

"Saan ka pupunta? " nagtataka na tanong ko ng bigla siyang tumayo. Hindi naman kasi niya ugali ang umalis sa harap ng hapag-kainan lalo na kapag hindi niya pa naubos ang kinakain.

"May kukunin lang ako, mama. Saglit lang ho, "aniya at tumakbo sa loob ng kwarto ko. Paglabas niya bitbit na niya ang kanyang bag. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa at kinuha ang lahat ng mga notebook nito. "Five star po yan lahat, mama. Very good daw ako sabi ni teacher, " masayang sambit niya habang binubuklat ang mga ito.

Naluluha ang mga mata ko sa subrang tuwa ng makita iyon. Lahat perfect score. Maganda rin ang hand writing niya. Tama ang desisyon ko noon na buhayin siya. Kasi sa lahat ng kamalasan na dumaan sa akin, siya lang ang bukod-tangi na swerte sa buhay ko.

"Sabi ni teacher, ako daw ang ilalaban nila sa contest. Kaya lang hindi ako pumayag kasi baka malaki ang gastos.. "

"Si mama na ang bahala doon, anak. Bakit hindi ka muna nagsabi kay mama at kay lola nanay? "

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon