Chapter 45

804 12 6
                                    

Razen pov:

       Six years ago.


"Chloe is my friend, ma! And I love her. Bakit ba gusto mo akong ilayo sa kanya!? And please... Wag niyo akong ipagtulakan sa kung sino-sinong babae para lang pakasalan ko. "

She wants me to settle for good. Pero ayaw niyang si Chloe ang papakasalan ko. For what reason? Kilala naman niya si Chloe because she is my childhood friend.

"I am your mother. I know what is the best for you."

Hinarap ko siya. "At ang ipaglayo kami ni Chloe sa isa't isa ang rason? Ma, hindi na ako bata. May sarili na akong desisyon. Kaya ko nga magpalago ng isang negosyo tapos pagdating sa babaeng pipiliin ko didiktahan mo ako? Stop this nonsense, ma. Ayoko na ito ang dahilan upang lumayo ang loob ko sayo. "

Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na ako. Araw-araw nalang ganito kami. Palaging nagtatalo sa ganitong bagay. Nakakasawa.

"Razen, come back here! We are not done talking yet!"

Pumasok ako sa loob ng sasakyan na hindi siya sinagot. Mabilis na pinaharurot ko iyon paalis. Gusto ko ng makalayo rito. Kahit ngayon lang ayaw ko muna marinig ang boses ni mama.

Simula ng ipamana ni dad sa akin ang Real Estate Brokerage Firm/Construction, kung kani-kanino na ako pinagtutulakan ni Mommy sa mga anak na babae ng mga kapwa naming negosyante. Kulang nalang ang isurpresa niya ako sa mismong araw ng kasal ko na hindi ko alam.

Walang araw na walang babae sa bahay na naghihintay sa akin. Madalas bina-blind date niya ako na kinaiinisan ko. Naaawa ako sa mga babae dahil hindi ko naman sila gusto. At ang pagtaboy sa kanila ang tangi lang na magawa ko.

All I want is Chloe. She is my childhood friend. Ang tingin niya sa akin ay nakakatandang kuya niya but for me, she is more than a friend. I love her more than that.

Matagal ko na siyang gusto. I think, since we were in high school days? Basta. At gusto ko iyon sabihin sa kanya pero natatakot ako. Maraming what if ang pumapasok sa isip ko once na sasabihin ko iyon sa kanya.

What if, as a older brother lang ang tingin niya sa akin?
What if, kahit crush ay wala siyang nararamdaman para sa akin?
What if, lumayo ang loob niya sa akin kapag sinabi ko na mahal ko siya.

I won't risk our friendship para lang dito sa nararamdaman ko para sa kanya. Hihintayin ko na lang ang tamang panahon at oras na sabihin iyon sa kanya. Iyong kapag sinabi ko, handa na ako sa maging resulta. Iyong kaya ko nang mawala siya bigla. Iyong hindi ko pagsisihan na ginawa ko iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na may puno ng tapang, may lakas ng loob at tibay na damdamin.

Sa pagkalutang ko sa pagmamaneho hindi ko alam kung nasaan na ako napadpad. Nasa looban na bahagi ito ng Balibag. At naagaw ng pansin ko ang isang bar. Dahil nandito lang rin naman ako, naisipan kong mag chill nalang muna pampalamig sa ulo.

Sa madilim na bahagi ako pumuwesto. Hindi imposible na may makakilala sa akin rito lalo na at ang bar na ito ay tambayan ng mga malalaking tao sa lipunan. Iyong mga tao na makasalanan. Mga taong may tinatago kaya dito napapadpad. Kasi kung matino kang tao, bakit mo piliin na pumunta sa tagong lugar na ito para mag chill? Para dito magkita-kita at mag meeting habang may naka kandong na babae, may taga himas sa dibdib tapos mga malalaswa na damit ang suot?

Well, buhay naman nila iyan, bakit ko ba sila hinuhusgahan. Natuon ang paningin ko sa counter nang mahagip ng aking paningin ang isang mala anghel na babae. Kahit hindi siya nakangiti ang ganda niya tingnan.

"Available ba iyang babae na nasa counter? "

Mabilis na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tumingin ulit sa counter. Walang ibang babae roon kundi iyong babae na kanina ko pa tinititigan. My forehead furrowed nang himasin nang lalaki ang kanyang baba habang malaswa na nakatingin sa babae na nasa counter.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora