Chapter 12

751 9 0
                                    

Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya para ganoon lang ako kadali na pumabor sa gusto niya.  Wala naman akong special na naramdaman para sa kanya. Awa lang.

Well... Oo gwapo siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag magkadikit kaming dalawa. Napatulala ako kapag nag alala siya pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko na siya. Sa ngayon, ang naramdaman ko lang para sa kanya ay awa.

When our eyes meet, his lips parted. Nagulat yata sa sinabi ko. Binalik ko ang tingin sa madilim na kalangitan. Kamangha-mangha dahil unti-unting nagsilabasan ang mga bituin doon at kumukutikutitap. Mukhang pati sila sang ayon sa desisyon ko.

"Pwede naman siguro gawing fake marriage diba? " tanong ko hindi siya nilingon. "Magawan mo naman iyon ng paraan? Kasi iyon lang talaga ang tulong na kaya kong ibigay. "

Mayaman naman siya. Kaya niyang gawin ang imposible gamit ang pera niya. Kaya niyang gawin na makatotohanan ang kasal kung kakapit siya sa makapangyarihan na tao at sa pera niya. Hindi naman siguro hahanap ng butas ang ina niya para sa kasal na iyon para lang hindi ako pakasalan ng anak niya.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil tila na engkanto siya sa kanyang kinatayuan.

Kinalabit ko siya. "Hoy! Sabi ko pwede namang fake marriage-"

Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako.

"Thank you, Gueene..."

Ako na naman ang hindi makapagsalita. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang matigas nitong braso at katawan na sumakop sa akin. Sa liit kong 'to para akong unan na yakap niya. Pwede naman mag thank you na walang yakap na kasama.

"I owe you a lot. Thank you so much, Gueene.. " puno ng sinseridad na sambit niya.

Ramdam ko ang pintig ng puso niya... Puso nga ba niya o puso ko?

Kumalas siya ng yakap sa akin. "Kahit fake marriage lang may maipakita lang ako na katibayan kay mama. "

Tumango ako at maliit na ngumiti. Wala akong masagap na salita. Tinangay lahat sa isipan ko. Ang tapang kung pumayag sa gusto niya tapos ako na ngayon ang biglang na pepe na hindi makapagsalita.

Naglakad siya papunta sa kaliwang bahagi ng kanyang kama. Tinulak niya ang pader na iyon at tumambad sa akin ang isang malaking cabinet. May malaking flat  screen tv. May mga libro na naka display at iba pang gamit doon. Hindi ko akalain na cabinet pala ang nasa likod ng pader na iyon. Akala ko walang ibang gamit dito bukod sa malaking kama at maliit na mesa na pinagpatungan ng lampshade, iyon pala dahil nakatago lahat ng mga gamit.  Nice idea. Kapag napasok ng magnanakaw wala silang manakaw dahil walang mga gamit.

Inilahad niya sa akin ang maliit na notebook na hawak. Nagtataka na tinanggap ko iyon. Aanhin ko 'to?

"Gusto ko sana i-discuss sayo about sa set up natin, pero gabi na at bukas maaga akong aalis. Dalawang araw akong mawawala, " napaangat ako ng tingin sa kanya. "Kaya sinulat ko nalang. Sabihan mo nalang ako kung may gusto kang idagdag o baguhin dyan sa mga nakasulat.  At sa pagbalik ko, doon na natin asikasuhin ang kasal.... Our fake marriage. "

"S-Sige... "

Pagkatapos naming mag usap hinatid niya ako pabalik sa aking kwarto. Hindi na natuloy ang balak ko na bumaba upang manghiram ng charger kina Ate Ruby.

Hindi ako makatulog. Pabaling-baling ako sa aking higaan. Ilang tupa na ang nabilang ko sa kisame ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi parin mawala sa isipan ko ang pagyakap ni Razen kanina. Pakiramdam ko narito parin ang init ng katawan niya. Ramdam ko parin kung gaano ka tigas ang braso at katawan niya na sumakop sa akin.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now