Chapter 40

757 10 1
                                    

Gueene pov:

Malalim na ang gabi ngunit narito parin ako sa gilid ng bintana nakatanaw sa kawalan. Iyong anak ko kanina pa humihilik. Kung hindi ko pa pinagsabihan si Razen hindi pa matigil ng pag-uusap nila kanina.

Gusto kong magalit sa kanya. Sa pagsisinungaling niya sa akin. Sa paglihim tungkol sa kasal namin. Okay sana kung pareho kami ng nararamdaman, ngunit hindi. Ako lang kasi iyong nagmamahal. At hindi na ako aasa na mahalin niya rin ako katulad kung paano ko siya mahalin.

Ang hindi ko lang alam ngayon ay paano siya haharapin at umakto na walang alam sa nangyari sa kasal namin. At lalo na ngayong napatunayan kong siya at si Zen ay iisa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Mama... "

Bumalik ako sa kama at tinabihan siya. Kaagad siyang sumiksik sa bisig ko ng yakapin ko siya. Maya-maya hinila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako ng marinig ang isang hagikhik. Pagmulat ko iyong anak ko kaagad ang nakita ko, nasa tainga nito ang cellphone at may kausap. Ang tamis ng kanyang ngiti. Iyong mga mata niya nangingislap sa tuwa. Ngayon ko lang nakita ang ganitong kakaiba na saya ng anak ko.

"Gusto ko rin po  mag play ng basketball pero bawal po sa akin ang mapagod....Ayos lang po sa akin ang hindi makapaglaro hindi lang magalit at mag-alala si mama sa akin...

Nakatagilid siya sa akin kaya hindi niya namalayan na gising na ako at nakikinig sa usapan nila dahil nakafucoa siya doon. Tungkol sa kung ano-ano siguro ang pinagsasabi ni Razen dahil nag iiba ang bawat sagot niya. Tumalikod siya sa akin at tinanday ang paa sa pintunan ng drawer ng mga damit.

"Noong family day, ako lang iyong walang tatay. Yung drawing ko tatlo lang kami lola nanay at mama."

Parang hiniwa ang puso ko nang marinig ang pag-iba ng tono ng boses niya. Bigla siyang nalungkot at naging matamlay. Hindi na nasundan ang kanilang pag-uusap at nagpaalam na sa isa't isa. Inilapag niya sa bed ang phone ko at lumabas ng silid na hindi ako nilingon. Bumangon ako at dinampot ang cellphone ko ng tumunog iyon. Isang text message na galing kay Razen.

:Biglang naputol ang tawag. Pakisabi kay Azane na pwede niya ako maging tatay kaya huwag na siyang malungkot.

Binuksan ko ang isa niya pang mensahe.

:Kung okay lang naman sayo. At para hindi narin siya malungkot. Hindi niya sinabi sa akin pero ramdam ko sa boses niya na malungkot siya.

Tatay ka naman niya talaga. Gusto ko sanang isagot sa kanya. Ngunit pinili ko na hindi nalang siya replayan. Pinatay ko ang cellphone ko at lumabas para sundan ang anak ko.

Natagpuan ko siya sa bakuran. Kumakain ng nilagang kamote na pinarisan niya ng hot choco. Tumabi ako ng upo sa kanya at nakikain ng kamote sa kanyang plato.

"Nak, paano kung isang araw bigla ko nalang sabihin sayo na nakita ko na ang tatay mo, ano ang mararamdaman mo? "

"Hindi ko po alam kasi hindi pa naman dumadating ang araw na iyon. "

Napangiwi ako ng pilosopo niya akong sagutin. Tama nga naman siya.

"I mean, paano kung isang araw makita mo na ang tatay mo, ano ang una mong gagawin? Ano ang sasabihin mo sa kanya? "

"Tulad nga po ng sinabi niyo, wala siyang kasalan, hindi niya alam na may anak siya sa inyo, kaya hindi ko siya susumbatan. Siguro, pakinggan ko ang sasabihin niya at bigyan siya ng chance na maging bahagi ng buhay ko. Pero kung siya mismo ayaw sa akin, mas maigi nalang ho na hindi ko siya kilalanin. Ayaw ko rin na makilala siya at pagkatapos non hindi kami magsasama kasi may iba siyang pamilya," hinarap niya ako at inabot ang aking pisngi. "Ikaw lang at si lola nanay ang sapat sa akin, mama."

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon