Chapter 21

659 12 1
                                    

Nagsukatan kami ng titig. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ako naglilinis dahil ito ang gusto ng kanyang ina. Gusto kong sabihin na sinasaktan ako ng nanay niya hindi lang sa salita kundi pati sa pisikal. Ako ang unang umiwas ng tingin. Baka kapag nakipagtitigan pa ako sa kanya baka hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking mga luha.

Kinuha niya ang mop na hawak ko. "Alam ko naman iyon, Gueene pero..."

Hinarap ko siyang muli dahil ang kulit niya. Ayaw niyang magpatalo at ayaw niyang pagbigyan ang gusto ko. "Hayaan mo na ako sa gusto ko! "

Umawang ang kanyang mapulang labi ng marinig ang iritable kong boses. May kalakasan rin iyon at batid ko narinig iyon ni Ma'am Elizabeth sa ibaba.

Pumungay ang kanyang mga mata na nakatunghay sa akin. "Galit ka ba sa akin?" ako naman ang natigilan sa sinambit niya. "Nagtatampo ka ba? " he asked softly.

Umiling ako. Kinuha ko muli sa kanya ang mop sabay talikod. "Hindi. Wala namang dahilan para magalit at magtampo ako sayo, " usal ko pero ang totoo taliwas ang naramdaman ko sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng inis sa kanya, kung bakit bigla akong nagtampo at the same time may galit ng kaunti. "Magpahinga ka muna doon sa kwarto. Tatapusin ko lang 'to. Maaga pa para magluto ako ng hapunan. "

"Hihintayin nalang kita hanggang sa matapos ka... "

Mabilis ko siyang nilingon. "A-Ano? Nahihibang ka ba? Matagal pa ako matapos rito, " inis na singhal ko.

Nagkibit-balikat siya at sumandal sa railings ng hagdan. Pinag-cross pa ang braso sa tapad ng dibdib. Para siyang modelo na nag-perturial.

"Hindi ako pagod at hindi rin ako inaantok. Sabi mo nga maaga pa para magluto ng hapunan, " casual niyang sabi. "Sige na, ituloy mo iyang ginagawa mo. "

"Hindi ako makatrabaho ng maayos kapag may tumitingin, " reklamo ko.

Nagkibit-balikat lang siya at lumabi. Humugot ako ng isang malalim na paghinga upang mabawasan ang pagka inis ko sa kanya.

"Nang iinis ka ba? " pikon na tanong ko.  Nang hindi siya sumagot, padabog na bumalik ako sa ginagawa. "Umalis ka!" inis na singhal ko at nilakasan ang pagtama ng mop sa paa niya.

Humakbang siya pababa. Matalim ang mata na tiningala ko siya. Bumaba nga siya pero sa isang baitang lang. Paano ako makapaglinis ng maayos?

"Sabi ko bumaba ka. Paano ako makapaglinis ng mabilis kong nandiyan ang paa mo na nakaharang? "

Naiilang na nga ako sa kanya tapos nag aabang pa siya sa akin. Pwede naman doon niya ako sa sala o kaya sa labas ng bahay nila hintayin kung ayaw niyang magkulong sa kwarto niya. Hindi iyong para siyang aso, buntot nang buntot sa likod ko.

"Panginoon ko po... " Gulat na sambit ko nang pag atras ko na short ang paa ko sa baitang ng hagdan. Pumikit ako at hinintay na bumagsak ang katawan ko ngunit...

"Careful... " he uttered.

Sa kanyang matigas na bisig ako bumagsak. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko mababalian na ako ng buto. Aalis na sana ako mula sa pagyapos niya ngunit ganoon nalang ang panlaki ng mata ko nang kargahin niya ako ng pang bridal style.

"Razen! Ibaba mo 'ko... "

"Muntik ka na mahulog. Sa tingin mo ibababa pa kita? " ngumisi siya sabay iling. "Hindi na kita papayagan sa gusto mo."

Para akong nakalutang sa ere habang buhat niya ako hanggang sa makapasok sa silid ng aming kwarto. Seryoso na ngayon ang kanyang mukha. Hindi ako umimik nang ilapag niya ako sa ibabaw ng kama. Hindi rin ako makatingin sa kanya.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now