Chapter 30

717 9 0
                                    

"Paano mo pala nalaman ang nangyari sa akin? " Tanong ko makaraan ang ilang minuto na pagpapatahan niya. Pinahiga niya ako ng maayos at inayos ang buhok ko na nagulo. Bumalik na sa pormal ang kanyang mukha.

He let out a heavy sighed before he spoke. "Pagkatapos naming mag-usap ni mama, pupuntahan sana kita sa kwarto. Ang sabi niya, wag raw kitang distorbuhin kasi nadatnan ka niyang naglilinis baka pagod ka at nagpapahinga. Kaya dinala ko nalang siya sa farm para makita niya rin kung ano ang sitwasyon doon."

"Madilim na ng maka uwi ako kasi biglang umulan nang hapon na iyon. Nagtataka ako kung bakit walang ilaw sa loob ng bahay. Akala ko napahaba lang ang tulog mo. Hindi mo namalayan ang oras. Pero hindi kita nadatnan sa kwarto. Naiwan pa ang cellphone mo hindi kita matawagan. "

"Bumalik ako sa farm kasi baka pumunta ka doon para sunduin ako. Pero walang may nakakita sayo doon. Bumalik ako sa bahay, baka nandoon ka lang at hindi kita nakita. Pero hinalughog ko na ang buong bahay hindi parin kita makita. "

"Subrang nag-alala ako kasi hindi ka naman umaalis ng ganon katagal  na hindi nagpapaalam sa akin. Kahit umuulan, naglakad ako para hanapin ka. Doon sa short cut ako dumaan nagbabakasali na baka sumilong ka sa mga bahay doon. Pero hindi ka nila nakita na dumaan . "

"Nang pupunta na ako sa bahay ni Manang Lisa, nakita ko na may nagkakagulo sa tindahan ni Aling Rosa. Bigla akong kinabahan habang papalapit sa kanila. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Manang Lisa, sinisigaw ang pangalan mo. "

Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko. Nanginginig iyon. Malungkot ang mga mata na sinuyod niya ng tingin ang kabouan ko.

"Nang makita kita akala ko patay ka na..."his voice broke. Fear crossed his face. "Takot na takot ako nang makita ko ang kalagayan mo. Wala kang malay, yung katawan mo.. Hindi ko kayang hawakan sa subrang panghihina. "

"Sorry... " lumuluha sa sambit ko. Hindi ko alam na ganitong pag-alala pala ang idinulot ko sa kanya. Akala ko hindi niya ako hinahap ng araw ng iyon. Na balewala lang ako kasi ganon naman ang pinaparamdam niya sa akin. Naging mahalaga lang ako kapag nandiyan ang nanay niya, kapag may tao kaming kasama.

Pero habang kinukwento niya sa akin ang mga 'to, dito ko narealize na ako ang may mali. Na binibigyan ko ng ibang kahulugan ang mga bagay na nakikita kong ginagawa niya kay Chloe. Na palagi kong tinatatak sa isip ko na kaya siya concern sa akin dahil may ibang tao na nakapalibot sa amin.

He genuinely cared at me. Na hindi pagpapanggap ang lahat ng pinapakita niyang pag-alala sa akin may nakakita man o wala. At nagpapasalamat ako doon. Pero sa kabila niyon, tangin 'sorry' lang ang masabi ko kasi wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang buong katotohanan.

Mula sa kanilang mansyon hanggang dito sa bahay niya hindi ko parin masabi sa kanya ang mga nangyayari sa akin na hindi maganda. Naghihintay ako na magkaroon ng lakas ng loob, ng tamang pagkakataon... O tamang sabihin na, hinihintay ko na siya mismo mo ang makasaksi sa ginagawa sa akin ng nanay niya at ng kababata niya.

Seryoso ang kanyang mukha na tiningnan ako. "Simula ngayon, hindi ko na hahayaan na mawala ka sa paningin ko. Kung saan ako nandoon ka.. " napapikit ako ng haplusin niya ang pisngi ko. "Hindi ko na hahayaan na mangyari sayo ulit ito... "

Ayokong panghawakan ang binitawan niyang salita, kasi alam ko na hindi niya iyon magagawa gayong ang kalaban namin ay ang mga taong mahalaga sa kanya.

Paano niya iyon iiwasan kung sinasaktan nila ako kapag wala siya? Paano niya ako maipagtanggol gayong takot ako na magsumbong sa kanya? I want him to protect me at all cost. Pero paano niya iyon magagawa kung ako mismo ay duwag? Duwag na magsumbong sa kanya. Duwag na ipaglaban ang sarili.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now