Chapter 43

705 14 1
                                    

Pumunta ako sa likod ng bahay. Doon sa puno kung saan ako naaksidente noon. Sumandal ako at ipinikit ang mga mata dinadama ang presko at malamig na hangin na tumatama sa aking balat.

Nakatulong ang payapang paligid at sariwang hangin para kumalma ako. Parang sasabog na ang puso ko  sa subrang galit na nararamdaman ko sa dalawang babae kanina.

Mabuti nalang na kahit galit ako nagawa ko paring makapagtimpi na wag sampalin si Ma'am Elizabeth. Nanay parin siya ng lalaking mahal ko. Lola ng anak ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatambay rito. Hindi pa ako handa na umuwi sa bahay. Hindi pa ako handa na makaharap si Razen. Baka umusbong ulit ang galit ko at may masabi akong masama sa kanya.

Unti-unti nang dumilim. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Ni hindi ako nakaramdam ng pangangalay sa tagal ng pagka upo ko. Gusto ko lang manatili rito hangga't gusto ko.

May sasakyan na paparating. Ngunit hindi na ako nag abala pang tumayo upang tingnan kung sino iyon dahil sa tunog ng sasakyan alam ko na kung sino.

Ang taong iyon na bulag sa lahat ng nangyayari sa akin sa loob ng pamamahay niya. Isang tao na walang kaalam-alam kung ano ang sinapit ko sa piling niya.

Hindi ko naman siya masisi kasi ako itong may ayaw at takot magsumbong sa kanya. Pero hindi ako makasiguro kung kaya ko pa iyon pigilan kapag anak ko na ang nadamay.

Timping-timpi na ako sa nanay at kabit niya. Kung nagkataon na may nangyari sa anak ko, kahit maliit na galos lang, iyon rin ang gagawin ko sa kanilang dalawa, ang iparanas ang sinapit ng anak ko.

Nilamon na ng kadiliman ang buong paligid. Lumalamig na rin ang hampas ng hangin at nakaramdam na ako ng ginaw. Tumayo ako at bumalik na ng bahay baka nagtaranta na naman si Razen kung saan ako ngayon at hindi mahagilap sa  loob  ng bahay niya.

Akma ko ng pihitin ang siradora nang matigilan ako ng marinig ko ang boses niya.

"Pagdating ko wala siya dito. Why, what happened? "

"Just... Just asked her. "

Nagtangis ang ngipin ko nang marinig ang boses ni Chloe. Nanginginig iyon na parang may kinakatakutan.

"Okay, calm down. Hindi ako makapunta d'yan so please, gamutin mo ang sugat mo, " mahinahon na wika ni Razen.

"I can't, " nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang hikbi niya. "Masakit ang ulo ko. Mahapdi ang mga galos ko. Hindi ko kayang gamutin ang sugat ko. "

"Okay. Pupunta ako. Calm down, hmm."

Hindi na nasundan ang kanilang pag-uusap. Ang ini-expect ko hahanapin niya ako dahil wala ako rito, ngunit umalis siya. It's fine. Alam ko naman na pagdating sa kabit niya hindi siya makatanggi. Kahit delikado umalis parin siya para puntahan ito.

Sa bodega ako namalagi. Baka bumalik siya. Ayaw ko siyang makita o makasama. Umuusbong ang galit dito sa puso ko.

Ano na naman kaya ang pagdadrama ni Chloe? Mga galos? Hindi ko natandaan na nagkagalos siya sa ginawa kong pagkaladkad sa kanya. Wag niya lang ako masisi dahil baka sa sunod makalbo ko na siya.

Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako, nakatulala sa kawalan blangko ang isip. Subrang stress ko na ba? Ganito ba ka pagod ang utak ko na kahit anak ko hindi masagi sa isipan ko?

Bumangon ako at lumabas sa bodega. Ayaw kong pilitin ang sarili ko na matulog dahil sasakit lang ang ulo ko.

Sa loob ng walong buwan ko dito, ngayon ko lang naikot ang buong bahay. Nasa terrace ako. At ngayon ko lang napansin na may pinto rito sa isang sulok malapit sa pool.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now