Chapter 20

694 12 0
                                    

Sanay ang katawan ko sa trabaho. Pero ang magtrabaho buong araw ng walang kain hindi ko kaya, hindi ako sanay. Kaya mabilis akong manghina.

Pagkalabas ko ng silid nakasalubong ko si Ma'am Elizabeth. Iniyuko ko ang aking ulo pagbigay galang kahit hindi naman niya deserve iyon. Lalagpasan ko sana siya nang magsalita siya na ikinatigil ko.

"Punasan mo ang mga railings nitong hagdan mula doon sa itaas hanggang doon sa ibaba, " diniro niya ang sintido ko. "At kapag narakating sa anak ko na pinagtrabaho kita rito, malintikan ka sa akin! Naintindihan mo?! " mariin na usal niya.

Kandalunok na tumango ako. Napahawak ako sa pader nang mapaatras ako ng banggain niya ako sa balikat at tuluyang lumakad papunta sa pupuntahan niya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong bahay kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta. Humugot ako ng isang mamalim na paghinga at sinunod ang utos niyang punasan ang mga railings ng hagdan.

Nakakabingi sa katahimikan ang bahay. Na para bang malaki ang kasalan mo kapag tumawa ka o kaya ay ngumiti sa pamamahay na'to. Ang mga kasambahay nakatutok sa kani-kanilang trabaho. Bawal magharutan, bawal magkwentuhan. Kapag nakita ka ni Ma'am Elizabeth baka mawalan ka ng trabaho.

Mula rito sa ikatlong palapag ng bahay, kita ko ang pamimilog ng mata  at pagka awang ng labi ni Judy sa sala nang makita akong naglilinis. Sumenyas ako ng tumahimik siya at nag sign ng 'okay lang ako'. Tumango siya at dumiretso sa loob ng dirty kitchen.

Sa laki at taas nitong hagdan, isang palapag palang ang natapos ko pero nangangalay na ang braso at hita ko. Madami kasing dekorasyon itong railings, kailangan ko punasan isa-isa at masiguro na walang dumi na matira kundi lagot ako.

Tumabi ako at tumigil sa ginagawa nang makita na paparating si Ma'am Elizabeth. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso sa takot at kaba. Huminto siya sa tapat ko.

"Bumalik ka na doon sa silid niyo. Paparating na ang anak ko. Tandaan mo, wag kang magkamali na magsumbong sa kanya kun'di makikita mo ang hinahanap mo! "

"O-Opo... "

Patakbo na bumalik ako sa aming silid. Alas-singko palang ng hapon bakit ang aga naman umuwi ni Razen? Itinago ko ang pamunas sa ilalim ng cabinet dito sa loob ng kusina. Ilang beses akong napabuga ng hangin upang ikalma ang sarili. Ewan ko ba, bigla akong kinabahan. Na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa labas. Taranta na binuksan ko ang ref at nanghalugkat doon kahit wala naman akong kukunin. Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Razen. Hapon na pero ang presko niya parin tingnan. Ang bango niya parin na kahit medyo malayo siya nanunuot parin sa ilong ko ang kanyang amoy.

"Hey, how is your day?"

His baritone voice immediately filled the entire room. Buong maghapon ko siyang hindi nakita. Buong maghapon na hindi narinig ang boses niya at parang na miss ko siya. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin. Ang makulong sa mga bisig niya.

Itinaas niya hanggang siko ang manggas ng kanyang polo. Tumabi ako nang lumapit siya sa akin. Akala ko hahalikan niya ako sa noo katulad ng kagawian niya noong hindi pa kami kasal pero nagkamali ako. Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel na may lamang tubig. Nagsalin siya sa baso at ininom iyon.

Ang kaninang kaba na naramdaman ko napalitan ng lungkot at pagkadismaya? Piniling ko ang aking ulo. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakatingin pala siya sa akin. Nag aabang ng sagot ko sa tanong niya. Hindi ko iyon sinagot dahil bakit ko pa sasagutin kung alam ko sa sarili ko na hindi maayos ang buong araw ko sa pamamahay na'to.

"Ano ang gusto mong ulam sa dinner? " I asked. Pinagdiskitahan ko ang laman ng cabinet kunyari naghahanap ako ng pwedeng lutuin doon.

"Ako na ang magluluto--"

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now