Chapter 14

699 13 0
                                    

Wala siyang choice kaya basta niya lang ako ipinasok sa ganitong sitwasyon. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sagot niya. Bigla ring bumigat ang dibdib ko at nawalan ng gana. Ano ba ang aasahan ko? Ano ba ang gusto kong marinig at bigla akong nagkaganito?

"Nabigla ako.. Na pressure ako kay mama kaya pinakilala kita na fiance sa kanya, " napayuko siya at napahimas sa kanyang batok. "Hindi ko na mabawi kasi alam ko ang sunod na hakbang niya. Dalhin niya rito ang babae at mag set ng engagement party. Hindi ko iyon gusto, Gueene. "Napasandal siya sa ref at tumingala. " Kaya ko naman ibigay ang gusto niya na mag-asawa ako. Hindi ko lang gusto ang paraan niya. Pinapalabas niya kasi na hanggang ngayon siya parin ang masusunod. Na para bang wala akong sariling desisyon at gusto sa buhay. "

"Razen... "

Tumingin siya sa akin. Seryoso na ngayon ang kanyang mukha. "Ngayon narinig mo na ang dahilan ko... Nasa iyo ang desisyon kung payag ka parin sa gusto ko na magpa--"

"Hindi... Hindi magbabago ang desisyon ko na tulungan ka."

Sa mga narinig ko lalo ko pa tuloy na gusto siyang tulungan. Fake marriage lang naman ang sa amin. Kapag nahanap na niya ang babaeng gusto niyang pakasalan, doon na siguro namin sabihin ang totoo sa kanyang magulang. Sa ngayon, kailangan niya ang tulong ko at kailangan kong panindigan iyon.

"By the way, ayos lang ba sayo kung civil wedding lang ang kasal? May kaibigan ako na judge, pwede na siya ang magkasal sa ating dalawa. "

"Mabuti na siguro iyon nang makasiguro tayo na mapeke iyong kasal natin," tiningala ko siya dahil nandoon parin siya nakasandal sa ref. "Hindi ba tayo kuyugin ng media kapag nalaman nilang magpapakasal ka? "

"This must be a secret wedding... " he sighed. "Pati kay mama gusto ko sana wala siya sa kasal natin..."

"Hindi naman pwede iyon, Razen. Mama mo parin yun kahit ayaw niya na magpakasal ka sa akin.. "

Kahit ayaw sa akin ng ginang. Kahit tutol siya sa kasal na ito, may karapatan parin siyang malaman at um-attend sa kasal ng anak niya. Nag-iisa niya lang itong anak. Kahit peke iyong kasal namin ngunit sa kanyang ina makatotohanan iyon.

Napabuga siya ng hangin. "Fine. Sabihan ko na lang siya na wag nang magpa-party before the wedding. "

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kahit hindi niya pagsabihan ang ina, panigurado na hindi naman iyon magpa-party at ipagsabi na ikakasal na ang anak niya. Kung intensyon niyang hindi matuloy ang kasal, siguro gagawin niya ang bagay na iyon. Pero kung ayaw niyang mapahiya at pag piyestahan ng mga tao at media, mabuti ngang tumahimik nalang siya at tanggapin ang katotohanan na magpakasal sa akin ang anak niya.

Pagkatapos naming mag-usap hinatid niya ako sa aking silid. Pinagsabihan niya rin ako na huwag nang aakyat ulit sa bintana. Matibay naman iyon ngunit hindi parin siya kampante. Sinabihan niya rin ako na pwede akong maglabas-masok sa silid niya kung gusto kong tumambay doon.

"Mag grocery tayo bukas para may stock ang kitchen... Kung ayos lang sayo--'

"Bakit naman hindi? " agarang sambit ko.

"O-Okay... Good night. "

"Good night. "

Nang maka alis siya doon lang ako humiga. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga at ipinikit ang mata. Wala akong ginawa maghapon ngunit pagod ang buong katawan ko. Hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Humihikab na bumangon ako kinaumagahan. Inaantok pa ako. Nakalimutan ko pala na isara ang kurtina ng bintana kagabi bago ako natulog. Wala akong alarm clock at ang sikat ng araw ang gumising sa akin. Nakapikit ang mata na tinungo ko ang banyo. Kabisado ko na ito kaya madali lang sa akin na makapasok. Kahit sa loob na ako nakapikit parin ako dahil sa antok. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Nang mabuksan ko iyon kaagad na hinubad ko ang aking damit. Saulo ko ang loob ng banyo kaya kahit nakapikit alam ko kung saan banda ang shower. Hindi pa ako nakahakbang nang marinig ko ang pag click ng switch ng ilaw. Pagmulat ko, nanlaki ang aking mata sa nabungaran.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now