Chapter 17

643 10 0
                                    

Bukas na ang kasal namin. Ang fake marriage pala. At kinakabahan ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Ang daming tumatakbo sa isip ko na mga negatibong bagay. Wala si Razen. Maaga itong umalis kanina para kausapin ang kaibigan niyang judge na magkakasal sa amin bukas. Kaya nandito ako sa kanyang silid at kanina pa palakad-lakad at hindi ma pirmi.

Dumating na ang mga damit  na susuotin namin bukas. Nasa loob ito ng malaking kahon at hindi ko pa nabubuksan. Hintayin ko nalang ang pag-uwi ni Razen para sabay naming tingnan itong mga damit.

Napatingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Napatayo ako ng tuwid nang pumasok si Ma'am Elizabeth. Hindi ko mabasa kung anong emosyon mayroon siya. Kaswal lang ang kanyang mukha ngunit lumalabas ang pagiging mataray niya. Napalunok ako nang maglakad siya papalapit sa akin. Huminto siya sa tapat ko ngunit nakaharap siya sa labas.

"Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung ano ang nagustuhan ng anak ko sayo, " aniya sa patag na tono. "Marami na akong babae na pinagkasundo sa kanya. Maganda, mayaman, matalino, kayang pantayan kung anong mayroon ang anak ko... Pero bakit sa isang tulad mo siya bumagsak? " hinarap niya ako. Sa puntong ito mariin na ang kanyang mga tingin sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang layo mo sa mga babae na iyon."

Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. Ngumisi ito sabay iling ng pagkadismaya. Ako, hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakatingin lang ako sa kanya, nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Nakapagtataka. Nakakagulat... At nakakadismaya, " umatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. "Nakapagtataka na sa isang tulad mo pumatol ang anak ko. Nakakagulat na sa isang iglap bigla ka nalang sumulpot sa pamamahay ko at pinakilala sa akin na fiance ka niya. At nakakadismaya dahil sa isa pang mahirap na katulad mo! "

Naghahalo ang emosyon na  naramdaman ko. Kinakabahan, nasasaktan sa mga salita niya at natatakot na baka saktan na naman niya ako. Napatigil ako sa pag atras nang mabangga ng likod ko  ang salamin na dingding.

She crossed her arm and looked at me angirly. "Alam mo na una palang ayaw na kita para sa anak ko. Nakita mo kung paano niya ako hindi respetohin  sa harap mo pero hindi ka parin ma awat at gusto mo parin magpakasal sa kanya! Ayaw ko na magpakasal ka sa kanya dahil ayaw ko na mahaluan ng isang hampaslupa ang pamilya namin! Naintindihan mo ba?! " nanlilisik ang mata na sambit niya.

Napapikit ako nang tumaas ang palad niya. Akala ko sasampalin niya ako ngunit hindi. Narinig ko ang kalampag sa dingding kasabay ng aking malakas na pagkabagsak sa sahig. Mariin akong napapikit. Kinagat ko ang loob ng aking labi upang pigilan ang pagpatak ng luha ko. Dahil nakasandal ako, malakas ang pagkabagsak ko. Ramdam ko ang matinding kirot sa balakang ko. Para akong kinuryente doon.

"Iyan ang aabotin mo balang araw. Sa taas ng ambisyon mo, dahil diyan sa ilusyon mo... Tandaan mo mas malakas pa d'yan ang paglagapak mo. Mas masakit at mas mahirap. Kaya ngayon palang, gumising ka na sa katotohanan na hindi ka nababagay sa anak ko! "

Napaigik ako sa aking isipan nang sipain niya ang paa ko bago ako tinalikuran at lumabas ng silid. Napahiga ako sa subrang sakit. Gumapang ang sakit sa buong balakang ko nang sipain niya ang paa ko. Napahagulhol ako. Hindi ko maigalaw ang paa at katawan ko.

Gusto kong sumigaw sa sakit. Gusto kong humingi ng tulong pero natatakot ako. Natatakot ako kay Ma'am Elizabeth baka balikan niya ako kapag narinig niyang humihingi ako ng saklolo. Baka mas malala pa dito ang gagawin niya.

Sinubukan kong iangat ang katawan ko ngunit bumalik rin ako sa paghiga nang pati puson ko ay kumirot. Tanging iyak lang ang nagawa ko.

Sa puntong 'to, gusto ko nalag bawiin lahat ng sinabi ko kay Razen. Natatakot ako sa ina niya. Natatakot ako para sa buhay ko sa pamamahay na ito kapag wala si Razen. Pakiramdam ko hindi ako ligtas kapag wala siya dito. Na para bang anumang oras susugurin ako ng ina niya at saktan.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Where stories live. Discover now