Chapter 47

798 14 0
                                    

Razen pov:

[chapter 45.3 continuation]

I know everything.

Bumalik sa aking alaala ang lahat. Kaya pala may kung ano kay Gueene na nagpapaalala sa akin ngunit hindi ko matukoy kung ano iyon. Ito pala ang dahilan.

Nawala sa memorya ko ang bagong kaganapan bago ako maaksidente ng gabing iyon. At isa ni Gueene sa nakalimutan ko.

I didn't tell anyone about this. Kahit kay mama at mas lalo na kay Chloe. Even Gueene I didn't tell her about my condition. Nagpanggap parin ako sa harap ni Chloe na wala akong maalala. Hindi ako takot sa maaring gawin niya sa akin kapag sinabi ko na naalala ko na ang lahat. Natatakot ako sa maaring gawin niya kay Gueene.

She kissed me. And Gueene saw us. Gusto ko siyang itulak at sundan si Gueene ngunit baka makahalata si Chloe. Kahit gusto ko ng umuwi, pinagbigyan ko ang hiling niya na samahan siyang maghapunan dito sa farm bago siya uuwi ng apartment niya.

Hindi ko na inalok si Chloe na ihatid siya pauwi. Atat na akong umuwi sa bahay at ipaliwanag kay Gueene iyong nakita niya. Ngunit nagulat ako sa aking nadatnan. Nagpakalasing siya.

"Lumayo ka sa akin... Nag iinit ang pakiramdam ko."

Wika niya na nagpatigil sa akin nang saluhin ko siya ng muntik na siyang matumba. Hindi ko siya binitawan. Nagpumiglas siya ng kargahin ko siya. Dinala ko siya sa banyo para paliguan nang mahimasmasan. 

"Ano ba! Kainis ka! " sigaw niya ng paandarin ko ang shower at nabasa ang likod niya. "Sabi nang ayaw ko e! Bakit ba hindi ka makaintindi?!"

Lumamlam ang aking mata nang makita siyang galit. "Kailangan mo 'to--"

"Ayoko nga! Pwede ba, kahit ngayon lang pabayaan mo ako?! "

"Gueene.... "

Lumambot ang aking ekspresyon nang gumaralgal ang boses niya kasabay ang pagtulo ng mga luha  nito.

"Please, kahit ngayon lang pabayaan mo'ko... "

Pinatay ko ang shower. Hinablot ko ang towel at binalot sa katawan niya. Inalalayan ko siyang tumayo at inakay palabas ng banyo. Pinaupo ko siya sa kama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw parin matigil ang pag agos ng luha niya.

Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa. Humikbi siya ng  pinahiran ko ang luha niya sa kanyang pisngi.

I want to hug her. Sa paraan ng pag iyak niya I know I hurt her so much. I want to say sorry ngunit tinutulak niya ako palayo. Nasasaktan ako.

"Lumayo ka sa akin, please... " pagmamaka-awa niya.

Napa upo ako sa sahig nang itulak niya ako. Hindi ko na siya inawat nang  bumalik siya sa  loob ng banyo. Narito lang ako hinihintay ang paglabas niya at hindi mapakali.

Natigilan ako at napatitig sa kanya ng lumabas siyang hubo't hubad. Hindi parin yata siya nahimasmasan dahil naka todo na ang A.C pero hindi siya nakaramdam ng ginaw.

Sinabihan ko siya na magbihis ngunit padapa siyang humiga sa kama. It's killing me. I'm hard watching her naked body lying in our bed.

"Sa guest room nalang ako matutulog, " aniya nang pilitin ko siyang magsuot ng damit.

Ngunit bago pa siya makatalikod, hinapit ko ang baywang niya at mariing siniil ng halik ang kanyang mga labi. Ramdam ko na natigilan siya ngunit kalaunan gumaganti na siya  sa marubrub kong mga halik.

I can't resist myself not to touch her. Same feeling, pareho ang init ng katawan, at ang kagustuhan ko na gawin ang bagay na ito. Ganitong-ganito ang naramdaman ko noong unang beses namin itong ginawa.

Contract Marriage To Mr. Billionaire[Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora