Chapter One

34.9K 648 16
                                    

I took a deep breath after we reach the peak of Mount 'Paraiso. It's a real paradise, nilibot ko ang paningin ko sa paligid, kitang kita ko kahit ang pinakamalayong bayan.

Sulit ang four days na nilakbay namin paakyat, kahit pawis at pagod ang puhunan ay tanggal lahat ng pagod, pagkakita namin ng napakagandang scenery.

Lima kaming magkabarkada, dalawa lang kaming babae ni Ashly, si Jeff naman ang pinaka lider sa grupo. Si Patrick ay medyo mahiyain, si Max naman ang pinaka maingay, at si Ashly ay katulad ko rin na go with the flow. Sabagay lahat naman kami, kapag nagyaya ang isa tiyak sasama ang lahat.

Magkakabarkada kami since college, we know each other for seven years halos mag ka-age lang din kaming apat, si Jeff naman ay 24 na, ahead siya ng isang taon sa amin. Mag kakaiba kami ng company na pinapasukan, ngunit iisa 'ata ang aming kapalaran sabay sabay kaming nawalan ng trabaho.

Paano ba naman, tuwing weekend ay nag o-out of town kami. Lagi kaming late na nakakabalik ng Manila. Kaya marami kaming absences. Hindi lang kami Monday wala sa trabaho, inaabot pa madalas ng hangang Wensday, sinong boss ba naman ang matutuwa sa mga katulad namin.

Bago ulet maghanap ng work, ay nagpasya kaming gawin muna ang mga bagay na gusto namin. Medyo may kaya naman kami sa buhay, pero syempre hindi 'yun reason para hindi kami mag work.

"Grabe guys, after four days nakarating din tayo, ito na yata ang pinakamataas na naakyat natin. Worth it naman, it looks like paradise." Sabi naman ni Max.

"So what's our next plan?" Tanong ko, habang nakaupo kami at kumakain.

"Im thinking about Mount Bulakaw, Sabi nila may lake daw 'yun sa taas na parang sink hole. Exciting diba, what do you think guys?" Tanong ni Jeff.

"Diba prohibited 'yong place na
'yun? I heard na hindi na nakakabalik ang mga mountaineer na umakyat 'doon." Sabi naman ni Ashly.

"Kaya nga diba? Let's find out, exciting nga 'eh baka sabi-sabi lang 'yon." Ang sagot ko naman, ewan ko'ba basta nature tripping go lang ako ng go.

"Ok guy's after this, planuhin na natin. Mataas kasi ang Mount Bulakaw, I don't have idea kung ilang araw bago marating ang peak." Sabi naman ni Jeff.

Inihanda ko ang dslr camera ko para kuhanan ang paglubog ng araw. Patag ang tuktok ng bundok, kaya maganda ang pwesto dito sa taas. Naka assemble na rin ang mga tent na tutulogan namin, mag-palipas muna kami ng gabi, at kinabukasan na kami bababa. Gumagawa naman ng apoy ang tatlong bugoy, si Ashly naman ay mukhang nakatulog sa sobrang pagod.

Gabi. Naka indian seat kami paikot sa bonfire. Malakas ang hangin sa tuktok ng bundok, kaya nilipat namin ang tent sa tabi ng malalaking bato. Sobrang lamig ng hangin, kahit wala pa kaming ligo ay feeling fresh padin kami.

---

Nang matulog kami ay magkatabi kami ni Ashly, sama sama naman ang tatlong lalake sa 'iisang tent. Hindi ko alam kong bakit hindi ako makatulog, dapat nga mahimbing na ang tulog ko ngayon dahil pagod ako.

"Andreaaa,..Andreaaa.." Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko, kinilabutan ako. Animo'y garalgal at paos ang boses na sumasabay sa hangin.

Baka naman guni-guni ko lang 'yon..

Makatulog na nga..

Pinilit kong matulog, hanggang sa...

Mabilis akong tumakbo para takasan ang mga tumutugis sa akin. Hindi ko mawari kong mga tao ba ito 'o halimaw? Mahahaba ang tenga at malalaki ang nandidilat na mga mata! Payat ang katawan ng mga ito, na parang katawan ng tao ngunit, mahahaba ang mapapayat na kamay at binti.

Palundag lundag ang mga ito, gamit ang kamay at paa habang tumatakbo. Nakakita ako ng liwanag, binilisan ko upang makarating ako doon sa natatanaw kong liwanag. Para itong malaking lagusan, ngunit pag dating ko doon ay sinalubong ako ng malaking anyo ng tubig. Wala na akong ibang makita kundi puro tubig, kulay asul ito at para bang walang hanggang ang lalim nito.

Naririnig ko ang matitinis na boses nila palapit ito ng palapit, paglingon ko ay naglundagan na ang mga ito patungo sa akin. Napasigaw ako ng makita kong dadaganan na nila ako ipinikit ko ang aking mga mata.. ahhhhhhhhhh....!!

"Andrie gising..gising..!!" Malakas na yugyog ang gumising sa akin. Si Patrick pala ang gumigising sa akin, at nakatanghod naman si Ashly na labis ang pag-aalala. Hingal na hingal ako, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

"Nanaginip ka, kanina ka pa namin ginigising pero hindi ka magising gising." Sabi ni Patrick. 'Inabutan naman ako ni Jeff ng isang basong tubig, agad ko itong tinanggap at ininum.

"Tinakot mo kami Andrie, kanina pa kita ginigising, eh." Sabi naman ni Patrick.

Paglabas ko paputok na ang araw sa silanganan. Naghanda na kami para bumaba. Habang naglalakad na kami pababa pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa amin.

Naisip ko ang panaginip ko, hindi ko maintindihan paulit ulit lamang ang mga ito. May lugar ako na gustong puntahan ngunit bago ako makarating duon ay may biglang hahabol sa akin.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now