Chapter Twenty

6.5K 224 1
                                    

"Sigurado ka ba sa balak mong pag uwi? Tanong ni Ash. "Baka pag balik natin, wala ka ng babalikan." Sabi pa nito habang nakahiga kami.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Awtsuu.. kunyari pa si Dylan ang tinutukoy ko."

"Ewan ko ba Ash nawawalan na nga ako ng gana. Kanina nga kausap ko siya, tapos dumating lang si Vera isang yayaan lang sumama agad." Napabuntung hiningang sabi ko.

"Baka naman kasi pinapairal mo ang pride mo? Hindi naman siguro masama na magpakita ka ng motibo diba?"

"Pa'no nga madalas niyang kasama 'yun? Hai naku mag focus nalang tayo sa misyon natin. After this- bahala na... Kayo ni Theos kamusta?"

"Ok naman, masaya siyang kasama." kinikilig na sagot nito.

"Buti pa sila masaya sa party. Sinadya talaga ni Vera na magpaparty para inisin tayo. Pati friends natin invited lahat." Inis na sabi ko.

"Hamu siya, feeling niya naman makukuha niya ang loob ng barkada. Assuming!" Nakanguso din na sabi ni Ash.

Kasabay ng desisyon na kalimutan ko ang feelings ko kay Dylan ay malungkot akong natulog.

----
"Good morning guys." Masiglang bati ni Ashly kinaumagahan. "So hows the party?" Tanong pa nito.

"Ok lang masaya naman. Marami kaming nakilalang magagandang engkantada." Sabi naman ni Max.

"Malay mo Max dito mo makilala ang better half mo." Sabi ko naman.

"Pwede na din." Sagot naman nito.

Kahit pinipilit kong maging masaya ay mahirap palang magpanggap. Papunta kami sa training ground kung saan nagsasanay ang mga mandirigmang engkanto. Habang naglalakad ay sumabay si Dylan sa akin.

"Kelan mo balak umuwi?" Tanong nito.

"Hindi na muna siguro." Matamlay kong sagot.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya.

"Tungkol naman saan?

"Doon muna tayo." turo niya sa may puno, na medyo malayo sa mga engkantado.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko.

"Pwede bang mag kaayos na kayo ni Vera. Mahirap kasi 'yung magsasama kayo sa digmaan tapos may alitan kayo." Sabi niya.

Natigilan ako, akala ko kung anu ang pag uusapan namin. Si Vera lang pala, at parang gusto niya pa na ako ang makipag ayos?

"Bakit ako ang kinakausap mo sa ganyang bagay? Ako ba nagsimula ng gulo. Ininsulto 'nya nga ang parents natin." Galit na sabi ko.

"Nag sorry naman siya." Sabi pa nito na lalong kinaiinit ng ulo ko.

"Sayo?... Oo! Sa akin?... nag sorry ba siya? Kaya nga kami nagkagulo diba?" Natahimik ito sa sinabi ko. "Bakit Dylan kinausap ka ba niya para magka ayos kami? I bet-hindi!" Dugtong ko pa.

"I'm sorry, para lang sana sa ika bubuti ang intensyon ko." Nakayukong sabi niya.

"Napaka insensitive mo! 'Hindi mo manlang naisip ang nararamdaman ko!" Sabi ko sabay alis.

Hinabol niya ako, pero hindi ko na ito pinapansin nanlalabo na ang mata ko. Gusto kong umiyak, pakiramdam ko gusto kong maglaho at mapunta sa malayong lugar. Pinikit ko ang mata ko para pigilin ang pag patak ng luha ko. Ngunit pagdilat ko ay nagulat ako hindi ko na sila nakikita lahat. Napunta ako sa tuktok ng mataas na bundok malapit sa bahaghari.

Umupo ako at niyakap ko ang ang dalawang tuhod ko. Yumuko ako at umiyak ng umiyak. Nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko, pakiramdam ko ay hindi nauubos ang luha ko. Ang sakit sakit ng kalooban ko. Kahit pinipigilan ko ng uniyak ay patuloy parin ang pag patak ng luha ko.

Kinalma ko ang sarili ko, nahiga ako sa malaking tuyong dahon sa lilim ng malaking puno.

Bakit ka umiiyak Andrea? Nakarinig ako ng boses..

Sino ka?

Biglang may lumitaw na babae na nakakasilaw sa harapan ko.

Ako ang bathala ng Dyamantes Andrea? Bakit mo hinahayaan na lamunin ka ng iyong kahinaan?

Bathala? Sabay yukod ko sa kanya.

Patawad Bathala... Nakayuko ang ulo na sabi ko.

Walang masama kong iibig ka Andrea! Pero wag mong hahayaang dahil sa pag ibig, ay magkakaroon ng puwang ang poot sa iyong puso.

Ano po ang gagawin ko?

Maging mahinahon ka Andrea. Huwag mong pairalin ang iyong emosyon. Tingnan mo ang damong napatakan ng iyong luha, lahat sila ay nangamatay. Ang matindi mong emosyon ang kikitil sa iyong buhay kapag nagpadala ka sa iyong nararamdaman.

Hindi na ako sumagot, yumuko ako at huminga ng malalim. Emosyon ko ang papatay sa akin? Napaka unfair talaga. Parang wala na akong karapatan sa sarili ko.

Nagrerebelde ang iyong kalooban Andrea! Nagulat ako dahil hindi pa pala ito umaalis sa harapan ko. Umagos na naman ang luha ko. Akala ko pinagpala ako dahil sa kakayahan ko, ngunit ako pala ay isinumpa!

Hindi ka isinumpa, ikaw ay sinusubok lamang. Ikaw ang mag didikta ng iyong kapalaran. Huwag ka ng malungkot. Sabi pa ulet ng bathala.

Bakit ko napanaginipan si Dylan? Tanong ko.

Isa yan sa kakayahan ninyo ang magtagpo sa panaginip. Ngunit hindi ang panaginip ang mag didikta ng iyong kapalaran. Maari pa itong mag bago Andrea.

Naglaho ang bathala, naging palaisipan sa akin ang sinabi niya. Hinipo ko ang mata ko para matanggal ang pamamaga. Muli akong pumikit, pag dilat ko ay nasa palasyo na ako. Pagpasok ko sa bulwagan ay naroon ang barkada at si Theos, maliban kay Dylan. Ngunit nakaagaw sa aking pansin ang bagong mukha, na galing sa mundo ng mga tao.











ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now