Chapter Fourty

10.1K 270 26
                                    

After 6 years...

"Mommy ang tagal mo naman, malalate na po ako!" nag papadyak na sabi ni Addyson at nauna na itong bumaba sa sala.

First day of class ng aming unica hija ni Dylan. Si Addyson Ferrer Valderama, grade one na ito ngayon.

"Wait lang baby, nagbibihis pa si mommy." sigaw ko.

"Matagal pa po ba mommy?!" ilang saglit palang ay inis na sumigaw ulit ito.

"Nandyan na baby!" nagmamadaling dinampot ko ang susi ng kotse at bumaba.

Pagdating ko sa baba ay nagliliyab
na ang center table sa sala.
Mukhang napagtripan ito ni Addy. Nakahalukipkip ito habang nakasimangot at nakatingin sa
apoy. Pinatay ko naman ang apoy sa pamamagitan ng kapangyarihan ko. Kaya wala kaming katulong, kahit napakalaki ng bahay namin. Masyadong pilya si Addy, minsan nga ay pinatigas nito ang swimming pool at naging yelo ito. Namana niya ang kapangyarihan namin ni Dylan ang taglay naming apat na elemento.

"Baby remember ang sabi ni mommy? Don't use your powers kapag may ibang tao ha?" Bilin ko dito, noong kinder ito ay kapag naiinis ito sa clasmates niya. Tiyak sunog ang baon na sandwich ng mga ito. Kikindatan lang ito ni Addy, ganun katindi ang kakayahan niya. Minsan nga nag iyakan ang mga bata, nanigas kasi ang baon ng mga itong chocolate at juice drinks. Samantalang ang pilya kong anak ay tahimik na umiinum ng juice niya.

"Tsss. Mommy for the 'nth time, paulit ulit nalang po." nakangusong sabi nito. Habang nagmamaneho ako para ihatid ko ito sa eskwelahan.

"Promise mo ha? Kasi kapag nakita nila ang powers mo. Hindi ka na makapag aral." Minsan kasi trip din nito ang humiga at magpalutang lutang sa hangin. Nag aalala ako na baka may makakita!

"Promise mommy, ang tagal ng weekend. Gusto ko ng pumunta ng Dyamantes, mis ko na sila grandma at grandapa. Pati sila tito at tita Ashly mis na mis ko na!" sabi nito habang umaaksyon pa ito at niyayakap ang munting mga braso sa sarili. Madalas din itong dalawin ni mommy at daddy ang mga magulang ko na umampon sa akin. Tuwang tuwa naman si Addy dahil may tatlong pair siya ng grandparents.

Dahil payapa ang Dyamantes ay nagpasya kami ni Dylan na manirahan sa lupa. Every weekend naman ay sa Dyamantes kami, or kahit gusto namin mag dinner doon ay pumapasok lang kami sa lagusan. Si Theos at Ashley ay doon nanirahan may isa na rin silang anak na lalake na si Ashton. Ang tatlong bugoy naman ay may sarili ng pamilya, bagamat sila din ang pinunong hukbo. Si Ditana ang nakatuluyan ni Jeff. Samantalang si Max at Patrick ay mga diwata na taga kaharian nila Theos. May mga anak narin ang mga ito, kaya kapag nagkasama ang mga anak namin ay parang second generation na ng barkada ang mga ito.

Pagdating namin sa school ay wala pa palang pasok. Amoy pintura pa kasi ang mga classroom. Kaya nagpasya nalang kaming umuwi.

"Yehey mommy pupunta tayo sa Dyamantes." tuwang sabi ni Addy.

Umuwi na kami ni Addy, pagdating sa bahay ay nandoon na si Dylan. Galing itong business trip sa Singapore. Namuhay parin kami ng normal, kahit kong tutuusin ay hindi na kailangang magtrabaho ni Dylan. Nakangiti itong sumalubong sa amin.

"Hello honey, I'm glad your home, walang pasok si Addy." nakangiting sabi ko dito.

"Good to hear that honey. Namiss ko kayong dalawa."

"Daddy!" sigaw naman ni Addy.

"So hows may baby? Good girl ba?" Sabay pupog nito ng halik kay Addy. Pagkatapos ay binuhat niya ito at lumapit sa akin. Humalik din ako sa kanya.

Naghanda kami para pumunta sa Dyamantes. Naunang pumasok sa lagusan sa kwarto namin si Addy. Hinayaan nalang namin ito.

"I love you honey. Kayo ni Addy ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." sabi ni Dylan at niyakap niya ako ng mahigpit.

"I love you too hubby, your the best. wala na akong mahihiling pa." Magkayakap kaming pumasok sa lagusan.

Pag labas namin sa lagusan sa tapat ng palasyo ay nakita kong masayang nakipaglaro sa mga diwata si Addy. Nagbigay galang muna kami sa mga parents namin, pagkatapos ay bumalik na kami sa aming palasyo. Nabalitaan naman ng buong barkada ang pagdating namin kaya pumunta agad ang mga ito.

"Wow Ash, sobrang laki naman ata ng tyan mo? Kambal ba yan?" tanong ko dito. Hirap na hirap ito sa paglalakad.

"Malamang!" nakangiwing sagot nito. Habang nakakapit kay Theos. Sweet na sweet parin sila ni Ashly. Para parin silang mag boyfriend kong kumilos.

"Andrie?!" tawag ni Jeff, Max at Pat. sa akin pagdating nila.

"Si Lukan?" tanong ko naman.

"Nasa lupa, sinusuyo ang asawa niya. Pambihira hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi ang totoong pagka engkanto niya. Napapagkamalan tuloy ng asawa na nambabae!" sabi ni Theos. Madalas din kasing dumalaw si Lukan sa mga magulang nito.

Nagkatawanan kaming lahat. Dahil sa Dyamantes ay dito namin natagpuan ang aming mga better half. Tumibay lalo ang pagkakaibigan namin. Pantay pantay ang lahat ng Diwata sa Dyamantes at wala ng mahihiling pa ang bawat isa.

Itinaas ni Dylan ang hawak niyang kopita ng alak."CHEERS GUYS IT'S BEEN EIGHT YEARS, ITO ANG PETSA NG UNANG PAG-APAK NATIN SA DYAMANTES! NAWA PATULOY PA NA MANATILI ANG KAPAYAPAAN HANGGANG SA


-WAKAS...

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt