Chapter Thirty-Four

6.1K 199 4
                                    

Dumating ang gabi ng kasiyahan sa palasyo nila Lukan. Paglabas namin sa bulwagan ay naroon na ang lahat pati si Dylan at Vera. Iniwasan kong tumingin kay Dylan, lumapit naman sa akin ang tatlong bugoy.

"Andrie kamusta na?" Alanganing tanong ni Jeff.

"Ok naman, kayo ba?"

"Hindi kami ok. Nag-alala kami sa'yo alam naming masama ang loob mo sa amin." Malungkot na sabi ni Patrick.

"Sorry na. Wag ka ng magtampo please?" Segunda naman ni Max.

"Hmm. Ok! Hindi naman ako galit na-miss ko kayong tatlo. Nakakainis kayo." Madamdaming sabi ko. Niyakap nila akong tatlo.

"Mag usap nalang tayo bukas. May kailangan kang malaman." Bulong ni Jeff habang nakayakap sila sa akin.

Tumango ako sa kanya mukhang
may alam sila sa mga nangyayari. Hindi sinasadyang magkatitigan
kami ni Dylan. Biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko. Nakangiting nilapitan ko ang dalawa.

"Hi Vera binabati ko kayo ni Dylan best wishes." Ngitian ko siya. Nagsalpukan naman ang kilay niya, samantalang wala namang reaksyon ang mukha ni Dylan.

"Pwede ba Andrea, huwag kang mag panggap. Aminin mo sa sarili mo na isa kang talunan." Gigil na sabi nito. Habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Dylan.

"Sus! Ikaw naman, kalimutan na natin 'yon. Sige ha maiwan ko muna kayo. Enjoy yourself!" Nginitian ko
pa ito bago ako ako tumalikod.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin ang mga salamangkero. Mukhang binabantayan nila ang
mga kilos namin. Bumalik ako sa grupo ng mga kaibigan kong lalaki. Masaya kaming nag kwentuhan hanggang matapos ang party.

----

Ipinatawag naman kaming lahat ni Malakya kinabukasan. Kumpleto ang lahat ng konseho.

"Mabuti naman at nandito na kayong lahat. Tatalakayin natin ang tungkol sa paglusob sa kaharian ni Ditana. Sa lalong madaling panahon. Upang makumpleto na ang mga elemento." panimula ni Malakya.

Ang kulit talaga ni tanda sabing magsasanay muna eh! Masyadong atat kong siya nalang kaya ang kumuha.

"Andrea kailangan sa susunod na linggo ay kumilos na kayo. Bago mag ikatlong kabilugan ng buwan dito sa Dyamantes." Dugtong pa nito.

"Nais muna naming magsanay punong konseho. Hindi pa sapat ang kapangyarihan namin para labanan
si Ditana." Ang sagot ko naman nagtinginan ang mga ito.

Oh anu bigo kayo 'no? Tsss. Mga user!

"Sige papangunahan namin ang pagsasanay ninyo. Wala tayong araw at oras na sasayangin." sabi naman
ni Aydan.

"Gusto kong magsanay mag-isa." Walang ganang sagot ko.

"Hindi maari ang iyong nais ang Andrea, kailangan mo ng gabay namin." Matigas na sabi Malakya.  Napansin kong napangiti si Vera.

Pagtapos ng pulong ay pumunta kami sa isang silid. Mukha itong library dahil maraming aklat. Kasama namin ang tatlong bugoy at ang magkapatid na Theos at Lukan. Pagkapasok namin ay binalot ng kapangyarihan ni Lukan ang silid.

"Proteksyon yan para hindi nila tayo marinig." Ang sabi ni Lukan.

"Mabuti naman at nagkaroon tayo ng pagkakataong magkausap-usap. Madalas naming nakitang pumunta sa palasyo ang mga salamangkero. Kausap nila si Haging Petre at Vera. Isang araw sinadya kong sundan sila, nagdududa kasi ako sa kilos nila. Narinig ko ang kanilang pinag usapan, gusto nilang makuha na natin ang elemento. Bago mag ikatlong kabilugan ng buwan, dahil 'yun lang daw ang panahon na tatalab ang sumpa sa ating lahat!" sabi ni Jeff.

"Hangga't maari ay hindi muna natin kukunin ang elemento. Mag focus tayo sa training, magpalakas tayo. Mag ingat din kayo sa mga bagay na pag uusapan ninyo. Matalas ang tenga ng mga konseho." Ani ni Theos.

"Sa tingin ninyo may alam kaya si Dylan sa nga nangyayri?" Tanong ni Ashly.

"Hindi kami sigurado bantay sarado ito ni Vera, kaya wala kaming pagkakataon na makauap si Dylan." Sagot ni Max.

"Kailangan may body language tayo. Posible kasing gayahin ng salamangkero ang anyo natin." Sabi ni Lukan.

"Ano namang klaseng body language?" Tanong ko.

"Tatlong kindat ng kaliwang mata. Tapos ang kaharap ay kailangang magresponse. Pipisilin niya ng kaliwang kamay ang ilong niya. Tas sabay pout ng lips." Inaksyon ni Ash ang suggestion niya. Sinang ayunan naman ito ng lahat. Sabi ni Lukan hindi daw uso ang kindat sa Dyamantes.

Marami din kaming napag usapan bago lumabas. Ngunit pag bukas namin ng pinto ay nasa labas sila Malakya.

"Nagpupulong yata kayo ng hindi namin nalalaman?" Tanong ni Falcon. Buti nalang at naisara ni Lukan ang isipan ng tatlo. Kong hindi ay mababasa ng mga ito ang isip nila. Wala kasi silang kakayahan na gawin 'yon.

"Nagkakasiyahan lang kami Falcon." Halatang nainis si Lukan. " Bakit nga pala kayo narito?" May kailangan ba kayo?" tanong ni Lukan.

"Napadaan lang kami." sabat naman ni Matatya.

"Bakit saan ba ang tungo ninyo? Imposibleng mapadaan kayo dito. Sapagkat ito ay dulo ng palasyo, talagang sinasadya ang pagpunta dito." Sarkastikong sabi ni Theos.

Nilagpasan namin ang mga ito at pumunta sa bulwagan. Nang lingunin ko ay naglaho na ang mga ito.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now