Chapter Twenty Two

6.8K 235 12
                                    

"Kong gayon wala si Marduko ng sumalakay kayo?" Nakahawak sa baba na tanong ni Malakya, habang nag iisip.

"Kahit ang mga bihag ay wala kaming nakita, ginalugad namin ang mga kulungan. Kahit isa ay wala kaming natagpuan." Sabi naman ni Jeff.

Napansin kong nalungkot si Dylan. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya.

"Ngayong bumalik na ang iyong kaharian Dylan, ikaw na ang mamumuno at mangangalaga sa elemento ng apoy." Sabi naman ni Falcon, ngiting tagumpay tagumpay naman si Vera habang nakatingin kay Dylan.

Tumango lang si Dylan, bahagya itong sumulyap sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"Babalik ako sa mundo ng mga tao. Masama ang kutob ko, hindi kaya nasa lupa si Marduko?" Tanong naman ni Lukan.

"Maari Lukan, hanapin mo si Demitrios siya ang makakatulong sayo para mahanap si Marduko." Sabi naman ni Falcon.

Pagkatapos ng pagpupulong ay nag anyaya si Dylan na magkakaroon ng pag diriwang at kasiyahan sa kanyang kaharian kinagibihan. Excited ang lahat maliban sa akin, alam kong madudurog na naman ang puso ko sa aking masasaksihan. Lalo pang nadagdagan ang aking kalungkutan ng mag paalam si Lukan.

"Ingat Lukan, see you soon." Sabi ko naman ng ihatid namin siya sa lagusan. Kumaway pa ito sa amin bago sumara ang lagusan.

Pag balik namin sa palasyo ay agad kaming pumunta sa aming silid. Nahiga agad ako sa kama samantalang si Ashly, ay abala sa paghahanap ng damit para sa party mamayang gabi.

"Hoy Andrea! Party ang pupuntahan natin mamaya ha. Hindi lamay, mamaya magluksa ka na naman. Nakaka excite makikita na natin ang loob ng kingdom ni Dylan." Nag takip ako ng tenga, dakdak parin ito ng dakdak.

----
"Gumising ka na jan kanina ka pa tulog, maligo na tayo. Nakahanda na ang damit mo. Magpaganda ka ha, magpapa talbog ka ba kay Vera?" Nabuhay naman ang dugo ko pagkarinig ko sa pangalan ng bruha, agad akong bumangon.

"Good girl." Nakangising sabi ni Ashly.

Nagustuhan ko naman ang gown na napili ni Ashly para sa akin, tube na kulay red hanggang sakong. May slit ito hanggang kalahati ng hita at may mga gems na design sa dibdib. Ang kanya naman ay kulay peach na halter at kita ang kaluluwa sa likod.

May mga engkantadang nag ayos sa buhok ko, pinakulot ko ito at hinayaang nakalugay. Nilagyan din nila ako ng make up. (Yes may make-up sa mundo ng engkanto). Lalong lumutang ang angkin kong ganda. Naalala ko nung nag aaral kami ni Ashly, laging sinasabi ng mga classmates namin na mukha kaming diwata sa ganda. Which is true, diwata nga talaga kami.

"Wow ash? Ano aatend lang ng Oscar? Pang awards night ang peg mo ha?" Nakataas kilay na sabi ko, mataas ang pusod at nakabun ang buhok niya.

"Kesa naman sayo, masyadong seductive."

"Hay naku! Tara na nga, bago pa magbago ang isip ko." Mabilis itong tumayo at nauna sa pintuan. Pag dating namin sa bulwagan ay naghihintay na ang mga boy's.

"Witwiwww dyosa talaga ang dalawang prinsesa namin." Puri ni Pat. Sinigundahan naman ito ni Max, Jeff at Theos.

Kumindat naman si Ashly sa akin ng inabot ni Theos ang kamay nito, para alalayan siya paakyat sa karwahe. Animoy nang iinggit ito. Sinimangutan ko naman ito. Lulan kaming anim ng magarang karwahe papunta sa kaharian ni Dylan. Dahil mabilis ang lipad ng kabayo at walang traffic ay nakarating agad kami sa kaharian ni Dylan.

Maliwanag ang buong kaharian, imbitado ang lahat ng uri ng diwata maharlika man o alipin. Nandito na naman ako para saktan ang sarili ko, napabuntung hininga ako bago bumaba sa karwahe.

Pagpasok namin sa bulwagn ay nagkakasiyahan ang mga maharlika, nakita kami ni Dylan agad itong lumapit sa amin.

"Congrats Dylan." Bati ng mga kasama ko, kinamayan ito ng mga guys. Humalik naman ito kay Ash at agad itong dumiretso sa akin sabay halik sa pingi ko.

"I'm glad you came." Sabi niya sa akin saka ngumiti, gumanti din ako ng ngiti sa kanya.

Dali dali namang lumapit si Vera sa gawi namin, para salubungin kunyari ang mga bisita. Wag ka talagang magkamaling tumabi sa kanya, dahil mawawalan ka ng space sa laki ng damit niya.

Iginiya kami ni Dylan patungo sa mesang kinauupuan nila, pag kaupo ko ay agad itong tumabi sa akin. Inunahan naman ni Ashly si Vera, umupo ito sa tabi ni Dylan. Nakasimangot naman umupo si Vera sa tabi ni Ashly, hirap itong makaupo dahil sa laki ng damit nito.

Nakita kong pangiti ngiti si Ashly, umupo naman si Jeff sa tabi ni Vera. Agad niya itong kinausap sabay palihim na sumulyap sa akin. Hmm alerto talaga tong mga barkada ko. Magaling umaayon sa akin ang pagkakataon. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Excuse us! May pag uusapan lang kami." sabi ni Dylan, sabay hila sa akin patayo, nabigla man ay agad akong sumama sa kanya. Pag lingon ko ay hindi maipinta ang mukha ni Vera.

Pumasok kami sa isang silid malapit sa bulwagan. Agad niya akong niyakap at sumubsob sa leeg ko habang umiiyak. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Pagkaraan ng ilang saglit ay tumitig siya sa mga mata ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko, sinalubong ko ito ng titig. May bakas ng luha ang kanyang mata.

"Andrie, I miss you so bad. Hindi ko na palalagpasin ang pag kakataong ito. Will you be my queen?"

Napaawang ang labi ko, nabigla ako sa bilis ng pangyayari.

"Andrie, mahal na mahal kita." Hindi niya ako hinintay na sumagot. I feel his arms wrap strongly around my waist. He kissed me slowly, I feel his lips brushing into mine. I let his tongue exploring inside my mouth. I found my self kissing him back. "I love you so much Andrie, sorry kong nasaktan kita." Sabay haplos niya sa pingi ko.

"I love you too Dylan." Maluha luhang sagot ko.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now