Chapter Twenty-Nine

5.9K 194 3
                                    

It's my first day of work, wala naman akong naramdamang excitement. Gusto ko lang libangin ang utak ko, para hindi na ako masyadong mag-isip. Sobrang stress ang pinag daanan ko. Halos hindi na ako makakain noong unang linggo ng pag e-emote ko. Ganito ba talaga kapag nag mahal ka? Kung gaanu ka naging masaya, ay ganun rin ang kapalit na sakit.

Paulit ulit kong niloloko ang sarili ko, bumabalik at babalik padin ang sakit. Kung may gamot lang na papawi ng nararamdaman ko ay baka bumili na ako."

"Hi this is Andrea, how may I help you?" Walang sigla ang boses ko. Habang sinasabi ng kausap ko ang concern niya ay lutang ang utak ko. Marerealize ko nalang na putol na ang linya, dahil binabaan na ako ng phone.

"First day mo palang puro customer complain kana!" Nang-gagalaiting sigaw ng team leader. Napakurap nalang ako sa boses niya, binitbit ko ang bag ko at dali daling umalis.

"Miss, are you ok?" Tanong ng lalakeng nabangga ko.

Hindi ko namalayan na medyo malayo na pala ang nilakad ko. Napatingin ako sa kanya, hindi ordinaryo ang kanyang mukha. Naka business attire ito. Para itong artista sa sobrang gwapo, mga nasa late thirties siguro ang edad nito. May kasama itong babae. Bigla akong kinabahan, kamukhang kamukha niya ang kapatid ni Dylan na si Celine. Ilang beses ko na kasing nakita ang picture niya na tinitingnan ni Dylan.

"I'm fine, pasensya na ha." Pilit ang ngiting sabi ko. Bahagya akong tumabi, ngumiti lang ang mga ito at tumawid sa kabila. Pumasok ang nga ito sa mall.

Pasimple kong sinundan ang dalawa. Humantong ang mga ito sa isang restaurant Tinawagan ko agad si Lukan, at ibinalita sa kanya ang nakita ko. Sinabihan niya akong sundan ko ang dalawa at darating siya.

Palihim ko silang kinuhanan ng picture, maraming tao ang mall kaya hindi nila ako mapapansin. Nagulat ako ng may biglang humila sa akin, si Lukan.

"Andrie, sila ba ang tinutukoy mo?" Tanong nito habang nasa loob kami ng shop katapat ng retaurant.

"Oo ang babae, kamukhang kamukha ng kapatid ni Dylan.." Mahina ang boses na sabi ko, sabay dampot ng isang dress at tiningnan ko ito.

"Si Marduko ang lalakeng kasama niya, nagulat ako ng mapatingin ako sa gawi ng tinintingnan mo. Kaya bigla kitang hinila dito. Diba bihag niya ang kapatid ni Dylan?" Tanong nito.

"Oo, noong lumusob tayo sa Asupre ay wala tayong natagpuang ni isang bihag. Baka daw isinama niya ang mga ito sa lupa, tapos na silang kumain halika sundan natin." Ibinalik ko ang damit at hinila ko na si Lukan.

Nakisabay kami sa daloy ng maraming tao ngunit hindi namin inaalis ang paningin sa kanila. Tumawid ulet ang mga ito sa kalsada at pumasok sa isang building. Huminto na kami dahil mahigpit ang security.

"Medical Supplies Company yan Andrie, iisang company lang ang tenant sa building na yan." Sabi ni Lukan.

"Ibig mong sabihin dyan sila nagtatrabaho?"

"Siguro, hindi ko ineexpect na makita ko siya dito. Sa tagal ko siyang hinahanap halos magkalapit lang ang office namin." Hindi makapaniwalang sabi ni Lukan.

----

Pagdating ko ng bahay ay agad akong nagresearch about sa company na sinabi ni Lukan. Bumungad agad sa akin ang job hiring pag bukas ko ng site nila. Ayun dito ay urgent hiring sila, at tumatanggap ng walk in applicant. Tininingnan ko ang mga available possition, nagpasya akong mag apply ng accounting assistant. Dahil accountancy naman ang natapos kong course. Wala pa nga lang akong experience, pero tumatanggap naman sila kahit walang experirience. Inayos ko ang resume ko, buo ang loob ko na mag apply.



Kinabukasan maaga palang ay nasa company na ako may mangilan ngilang applicant. Mukhang fresh graduate ang mga ito. Nag exam muna kami at hinintay namin ang result. Halos lahat ay pasado namam. Ininterview kami ng HR manager. Pagkatapos ay babalik kami ng hapon para sa final interview sa Accounting manager, one day process lang ang application. Pero hindi ko pa nakita si Celine at si Marduko.

Kinahapunan ay isa isa kaming tinawag para sa final interview.
Pag pasok ko sa office ay nakayuko ang babae, nagiisa lang ito. Siya na nga siguro ang accounting manager.

"Good afternoon mam." Bati ko sa kanya.

"You are Andrea Ferrer?" Tanong nito sabay angat ng ulo, nagulat ako ng makita kong muli si Celine.

"Yes mam!"

"Have a seat Miss Ferrer." Agad naman akong naupo at tumingin sa kanya. Habang tinitingnan niya ang resume ko.

"Impressive naman ang credentials mo, I'm sure fast learner ka naman kahit wala kang experience?" Tanong nito at bahagyang ngumiti.

Ngumiti naman ako bago sumagot.

"Yes mam."


"Ok this is for formalities lang naman, wala na akong masyadong itatanong. Bukas na ang start ng training mo."

"Sige po mam, thank you!" Masaya kong sagot.

"Sa akin ka magrereport tomorow, by the way I'm Mylene Sandoval. Goodluck see you tomorow." Sabay lahad ko nito ng kamay, nakangiti ko naman itong tinanggap.

Bago ako lumabas ng pinto, ay bahagya pa akong sumulyap sa kanya. Nalingunan ko itong kakaiba ang tingin sa akin. Agad akong lumabas ng pinto, kinabahan ako. Alam kaya niya na isa akong diwata?












ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now