Chapter Six

10.1K 337 3
                                    

Nag hanap kami ng lugar kung saan pwedeng maglagay ng tent. Habang magkatulong kami nina Patrick at Ashly sa pag aassemble ng tent, ay nagputol naman ng kahoy ang tatlo. Binakuran nila ang paligid ng tent namin, nakatingin lang naman kami sa ginagawa nila.

Kinuha ko ang flash light ko para ilawan sila. Ayaw gumana, tiningnan namin ni Ashly ang mga cellphone namin. Nakapatay ang mga ito, sinaksak ko sa power bank walang nangyari.

"Guys wala atang karapatang gumana ang mga electric devices dito." Sabi ko.

"Walang silbi tong mga flashlight natin." Sabi ni Ashly sabay pindot niya ng lighter, gumana naman ito.

"It's ok gagawa nalang tayo ng apoy." Ani ni Dylan habang hinigpitan nito ang tali ng bakod, na nakakabit sa puno. Dalawang tent lang ang binuo namin, balak naming mag tig-tatluhan bawat tent, si Patrick ang makakatabi namin sa pag tulog.

Nagsindi ako ng katol, malamok kasi ang paligid.....

Aa~w~o~o~o~hhhh..... may narinig kaming alulong ng aso. Napakapit naman kami sa isa't isa ni Ashly. Nagsipasukan kami sa tent at isinara ito. 

May apoy naman sa labas galing sa dagta na nilagay nila sa pagitan ng mga bato, para hindi ito kumalat.

May mga narinig kaming yabag, parang isa itong kabayo, Tumatakbo ito paikot sa lugar namin. Nakikiramdam lang kami, habang nakahiga. Ngunit nakahanda rin ang aming mga sandata. Hawak ko ang itak, si Ashley naman ay may hawak na kahoy na matulis ang dulo. Baril naman ang hawak ni Patrick.

Nagcontrate ako, pinikit ko ang aking mata. Susubukan ko ang mental power-illness?! 'ko echoz lang. Tutal kapag pumipikit ako at nirelax ko ang sarili ko. Marami akong nakikita sa gunitaw ko, simula noong eighteen years old ako.

Tumihaya ako ng higa, huminga ako ng dahan dahan hangang sa kumalma ang tibok ng puso ko.

Ang madilim na paligid ay naging maliwanag sa isipan ko. Kitang kita ko ang itim na kabayo, matangkad ito,mahaba ang leeg at malago ang buhok. Paikot ikot ito ng takbo sa kinalalagyan namin, maya-maya ay huminto ito.

Nakita niya ako, bago pa ito makalapit ay lumitaw sa tabi ko si Dylan. Napalingon ako sa kanya, siya nga.. siya ang lalake na laman ng mga panaginip ko.

Nakaputing damit ito, pagtingin ko sa sarili ko ay ganun din ako. Magkahawak kamay kami, habang magkaharap sa isa't isa may nabuong bolang apoy sa pagitan namin. Para bang alam na alam namin ang dapat naming gawin.

Inutusan ko ang bolang apoy na tupukin ang kabayo. Agad itong nagapi, nagsisigaw ito habang unti unti itong nasusunog. Nagmasid kami at nag abang sa maaring  dumating na panganib.

May nakita akong taong paniki na paparating, hiniling ko sa hangin na lipulin sila. Nagka butas-butas  ang mga katawan nila ng tamaan sila ng punyal na hangin.

Marami ang nag-aabang, naghihintay ng pagkakataong sumalakay ngunit wala ng nagtangkang lumapit.

----

Umaga. Paglingon ko ay tulog pa si Ashly, wala na si Patrick sa tabi namin. Sumilip ako sa labas, nag papakulo sila ng tubig.

Napalingon naman si Dylan sa akin. Ngumiti ito, gumanti rin ako ng ngiti. Tinanguan ko siya at bumalik sa pagkakahiga.

Tindee ng panaginip mo kagabi teh?

Fantasy 'no, dumale ka ng ka- loveteam. Yung mukhang gising na gising, 'nong nagsabog ng kagwapuhan at kamachohan!!

Syempre, kapanta-pantasya naman kasi siya. Bakit de mo bet?

Bet na bet. Sagot naman ng isipan ko.

Napabangon ako!! Wait..! me, myself and I,  are talking!?

*Ting* Oh my— I..I h-have split personality? Sabi ko na nga ba! Magiging masama ang isang pagkatao ko.! Napasapo ako sa ulo ko.

Nang may biglang tumampal sa braso ko..

"Hoy, sarap ng tulog mo kagabi. Alam mo ba ihing-ihi na ako, nagpasama ako kay Pat ng humupa ang ingay sa labas. Ang creepy talaga!"

"Nakatulog ka naman ba ng maayos?"

"Medyo, takot na takot nga ako eh. Samantalang ikaw, tulog na tulog."

"Girl's breakfast muna tayo." Tinawag kami ni Jeff.

Lumabas kami at nagmumog, bago kumain.

"Kamusta ang tulog nyo?" Tanong ni Max.

"Ok lang nakatulog agad ako, ito si Ash, napuyat ata."

"Sino ba naman makakatulog agad 'non? Ang creepy kaya." Sagot ni Ashly.

"Basta guys wag kayo magpapadaig sa takot, alam na natin na kakaiba ang gubat na 'to. Maging matalino tayo." Sabi ni Jeff.

Nagligpit na kami ng mga gamit namin. Ginupit naman ni Jeff ang neon t-shirt niya.

"Anong paandar yan Jeff?" Tanong ko.

"Itatali ko ito sa puno, para pananda. Malay mo paikot-ikot lang pala tayo."

"Pa'no kung tatangalin nila?"

"Kunsensya na nila 'yun!!" Nakatawang sagot ni Jeff.. Natawa din ako sa sagot 'nya.

Naglakad kami, halos pare pareho lang ang itsura ng mga puno. Para hindi mabored ay nagkwentuhan kami.

"My mga group daw ng scientist ang pumasok dito, marami silang nadiscover na mga specie ng halaman. Paglabas nila ng gubat, nawala lahat ng data nila. Nakasulat lang kasi ito sa papel. One time, lumuwas si Arman 'yung anak ni tata Dario nakita niya ang isang scientist sa mall. Binati niya ito hindi na daw siya kilala. Todo tanggi pa daw ito na nagawi siya sa lugar na 'to. Samantalang pagkalabas ng gubat ay ginamot pa ang mga ito ng tatang niya." Sabi ni Dylan.

"Na factory reset sila." Biro ni Max.

"Siguro lahat ng pumapasok dito ay walang maalala kapag nakalabas na sila.

"Guys may na-trap na ibon." Sabay turo ni Ashly.

"Stop pointing your finger! Baka maengkanto ka... Sabi ni manang." Sabay peace sign ni Max.

Nilapitan namin ang puting ibon. Nanghihina ito, may sugat ang kanyang pakpak at nakapulupot ang baging sa paa niya. Tinulungan agad ito ni Jeff.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now