Chapter Thirty-Three

6K 220 3
                                    

Paglabas namin sa lagusan ay bigla akong nagulat nandoon kasi si Purple. Ang dragon ko, agad pumagaspas ang maliit nitong pakpak. Lumapit ito sa akin at dinilaan ako. Nanduon din ang dragon ni Ash sumalubong din ito sa kanya.

Bigla akong naguilty, basta ko nalang iniwan si Purple. Hindi manlang ako nagpaalam sa kanya halos isang buwan din akong nawala. Ibig sabihin inaabangan talaga ng mga dragon ang pagbabalik namin.

"Sorry purple, bigla nalang kitang iniwan." Niyakap ko ito at hinaplos ang mukha niya. Mukhang masayang masaya ito sa pagbabalik ko.

"Aww. My baby your soo sweet!" sabi naman ni Ash sa dragon nito.

"Buti pa sa inyo may sumalubong." Napakamot sa ulo na sabi ni Lukan.

"Sus! Wag ka na mainggit. Sana sinama mo dito ang girlfriend mo." Kantyaw ko sa kanya, meron kasi itong girlfriend na taga lupa. Ang problema hindi alam girlfriend niya na isa siyang engkantado. Gusto pa daw makilala nito ang parents niya. Wala naman siyang maipakilala. Kaya nag volunteer kami na ipakilala bilang mga kapatid niya.

Pagdating namin sa palasyo ay nanduon si Theos at mga salamangkero. Humingi ako ng dispensa sa mga ito sa biglaan kong pag-alis.

"Mabuti naman at bumalik ka agad. Hinayaan ka muna namin para makapag isip-isip." Si Falcon.

"Kelan mo itutuloy ang pagkuha mo sa elemento kay Ditana?" Tanong naman ni Malakya.

"Kailangan pa muna naming magsanay, mukhang mahirap na kalaban si Ditana. Isa pa nasa dagat ang mga ito, kaya hindi pwedeng magsama ng mga hukbo." Ang sagot ko sa kanya. Tumango tango naman ang mga ito.

Nagpaalam kami para magpahinga,
si Lukan na daw ang bahalang kumausap kay Theos ukol sa mga balak namin. Talagang puspusan kaming magsasanay para pag handaan ang paglaban namin sa kanila.

Kinahapunan. Lumabas ako sa palasyo para maglakad-lakad. Malapit na ako sa kuta ng mga hukbo ng may lumapit sa akin.

"Magandang araw prinsesa Andrea, ako po si Cenon." Magalang na pakilala nito sabay yukod.

"Magandang araw din Cenon. Nasabi sa akin ni Marduko ang tungkol sa iyo."

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa mahal na prinsesa, ako po ang mandirigma na laging kasama ng mga salamangkero. Narinig ko na may masama silang balak sa oras na makuha mo ang elemento. Maging alerto po kayo mahal na prinsesa. Ibukas ninyo ang inyong mata at tenga marami po kayong matutuklasan dito sa Dyamantes." sabi ni Cenon.

"Salamat Cenon, kong maari lahat ng malalaman mo ay iulat mo sa akin."

"Masusunod po mahal na prinsesa, aalis na po ako. Hindi ako pwedeng makita ninuman na nakikipag usap sa iyo!" Paalam nito.

Malayo na ang nalakad ko, ng makarating ako sa gubat. May naulinigan akong nag uusap, dahan dahan akong lumapit duon. Nagkubli ako sa mga puno, pagsilip ko ay nakita ko si Vera, Malakya at Aydan.

"Bantayan mong maigi ang kilos ni Dylan at mga taga lupa Vera." Sabi ni Aydan dito.

"Wala akong naramdamang kakaiba sa mga kinikilos nila, mukhang wala silang alam sa binabalak natin." Sagot ni Vera.

Kailangang nakumbinsi na natin si Andrea na makuha ang elemento sa madaling panahon." ani naman ni Malakya.

Bago pa nila ako mapansin ay pinikit ko ang mga mata ko para maglaho. Inisip kong mapunta ako sa bundok. Bigla nga akong napunta sa doon, tanaw ko mula dito ang buong Dyamantes. Naalala ko kapag naglalaho sila Malakya ay itinataas pa nila ang kanilang baston. Ibig sabihin likas ko itong kakayahan ang maglaho? Magagamit ko ito para pumunta kahit saan. Naglaho ulet ako ag lumitaw sa aming silid.

"Ayyy!" Tili ni Ashley. "Paano mo nagawang maglaho?" Nanlalaki na naman ang mata nito.

"Ilang beses ko na itong nagagawa, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. Kaya ko ng kontrolin kong saan ako pupunta." Tuwang sagot ko.

"Talaga? Try mo nga na hawakan ako, tingnan natin kung madissapearing act din ako?" Excited itong lumapit at kumapit sa akin. Sinubukan ko ulit, this time hndi na ako pumikit. Inisip ko na mapunta kami sa ilog ng Dyamantes. Sa isang iglap ay lumitaw kami sa ilog.

"Yay it works!" Tuwang sabi ko.

"Magagamit mo na ang kakayahan mo sa pag-iispy?!" Sabi naman ni Ash.

"Tama ka, alam mo ba napunta ako kanina sa gubat. Nakita ko sila Malakya, Aydan at Vera. Narinig ko ang na may balak sila, gusto ni Malakya na makuha ko na elemento. Nagsasabwatan nga sila nila Vera."

"Totoo nga talaga, kailangan nating mag ingat, malamang minamatyagan nila ang kilos natin. Mag paparty daw si Lukan, para maimbitahan sila Dylan dito." Tumingin pa ito sa akin at tiningnan ang magiging reaksyon.

"Mas mabuti, gusto kong makausap sila Jeff. May tiwala ako sa kanila alam kong hindi nila tayo iiwan sa ere." Namimiss ko na din ang nga kaibigan ko. Alam kong wala namang kasalanan ang mga ito.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Där berättelser lever. Upptäck nu