Chapter Eleven

9.7K 311 10
                                    

May biglang kumislap na liwanag at nakakasilaw ito, pa ikot-ikot ang makinang na liwanag. Naipon ito at nag hugis bilog, at lumitaw  ang isang lagusan. Lumabas ang halos isang daang mandirigmang engkanto, nakasakay ang mga ito sa puting puti na kabayo, hawak naman ng kanang kamay nila ang espada.

May lumapit sa gawi namin na isang puting kabayo, may isa itong sungay sa ulo na kulay ginto.

"Sumakay kayo kay Hakun, kailangan nating magmadali!" Utos niya sa amin. Hindi pa namin alam ang kanyang pangalan.

Agad naman kaming lumulan kay Hakun. Naunang lumipad ang kabayo ng aming tagapagligtas, at mukhang siya rin ang pinuno ng hukbo. Sumunod naman si Hakun sa kanya. Napakapit kami ni Ash, kasing bilis kasi ito ng hangin.

Pagdating namin sa kakahuyan ay pinaikutan ng mga kawal,
ang mga engkantong itim. Gumalaw ang mga baging, humanda naman ang mga kawal na kasama namin sa pagsalakay.

"YASUR!? ILABAS MO ANG MGA TAGA LUPA!!" Sigaw ng nagligtas sa amin.

PANGAHAS KA PUTING ENGKANTO. ANO BA ANG PAKIALAM MO SA MGA TAGA LUPA?" Galit na sagot nito.

"WAG NA TAYONG MAG AKSAYA NG PANAHON! MGA KAWAL SUGODDD!!! sigaw niya, agad namang tumalima ang mg kawal. Naglabasan ang mga itim na engkanto para salubungin sila.

Bahagya namang dumistansya si Hakun, ng mag simula ang labanan. Naglaho ang mga puno, animoy isang malawak na kapatagan ang biglang lumitaw. Ito ang naging battle ground nila. Kitang kita namin ang labanan, nakakalamang ang mga puting engkanto.

Ang pinuno naman ng engkantong itim, mula sa pagiging puno ay nagpalit ito ng anyo. Kawangis ito ng isang tao ngunit napakaitim at kulay pula ang kanyang mata, nakasakay siya sa kabayong itim. Nagtuos sila ng aming tagapag ligtas, halos kalahating oras din ang labanan. Hindi namin mawari kung papalubog na ba ang araw, dahil wala kaming nakikitang araw.

PAGBABAYARAN MO ITO! Galit na sigaw ng engkantong itim, nang masugatan ito. Natalo rin ang kanyang mga kampon. Umatras ang mga ito at naglaho. Bumalik sa dati ang lugar, maya maya pa ay nagbagsakan si Max, Dylan, Jeff at Patrick sa lupa, mula sa mataas na puno.

Bumaba kami sa kabayo, at patakbo kaming lumapit sa mga ito.

"Guys gising... gising?" Tarantang sabi ni Ashly.

Pinulsuhan namin sila, buhay pa naman ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag, ngunit marami silang sugat.

"Umalis na tayo sa lugar na ito mag-gagabi na, teritoryo nila ito!" Sabi ng pinuno ng mga engkantadong puti.

Tumango naman kami ni Ashly, isinakay sila ng mga kawal sa kabayo. Bumalik kami sa lugar kong saan kami nanggaling, bukas pa rin ang lagusan. May mga nakabantay ditong mga kawal. Nauna kaming pumasok, alam kong papunta kami sa ibang dimension. Para kaming nahulog sa malalim na balon, asul na asul ang paligid na parang tubig. Naalala ko ang nakita kong tubig sa panaginip ko.

Napunta kami sa harap ng isang palasyo, isa itong malaking kaharian. Matatayog ang mga tore ng gusali. Sa gitna ng kaharian ay may nakatayo na dalawang makinang na espada. Kumikinang na esmeralda at dyamante ang kulay ng mga ito. May nanggagaling ditong enerhiya na parang kidlat, na siyang bumabalot at pumuprotekta sa buong kaharian.

Hindi kami nag uusap ni Ashly, nakasunod lang kami sa pinuno ng hukbo. Kasunod namin ang mga kawal na pumapasan sa apat naming kaibigan. Abala ang mata namin habang naglalakad, makikita sa loob ng palasyo ang iba't ibang uri ng makikinang na bato at dyamante. Gawa din ang palasyo sa purong ginto, simetrikal ang disenyo ng dingding nito hanggang kisame. Makikita mo naman sa kisame ang magagarang chandellier na puno ng nagkikislapang gemstone.

Nakasalubong namin ang mga engkantada at engkantado, magagara ang kanilang kasuotan. Bahagya naman silang yumuyukod sa pinuno ng kawal na kasama namin. Hindi ako magkamayaw sa pagtingin sa buong paligid.

Hanggang sa pumasok kami sa isang malaking silid. Marami itong higaan, ito siguro ang pagamutan. Pagkalapag ng mga kawal sa kaibigan namin ay umalis agad ang mga ito.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa kaharian kayo ng Dyamantes." Sagot niya.

Napatingin kami sa pumasok na isang matandang lalake. Mukha itong ermitanyo mahaba ang balbas at may tungkod na kulay ginto. Maputi ito pati ang kanyang buhok at balbas Kulay asul ang kanyang mahabang damit. Itinapat niya ang tungkod sa mga kaibigan namin, may puting usok na lumabas mula sa tungkod. Paghupa ng usok ay nawala rin ang kanilang mga sugat.

"Salamat po, pero bakit hindi pa sila nagigising?"

"Hayaan muna natin silang magpahinga, pag gising nila ay kakausapin namin kayo." Sabi ng matanda, sabay alis nito.

"Hindi ko pa pala naipakilala ang aking sarili, ako si Prinsipe Theos ng Dyamantes." Pakilala nito sa sarili at bahagyang yumukod.

"Ako naman si Ashly, bestfriend ko si Andrie. 'yung mga natutulog naman si Max, Patrick, Jeff at si Dylan 'yong matankad." Pacute na pakilala ni Ash. sa barkada namin.

"Kilala ko na kayo." Nakangiting sabi niya.

Sabagay nakasama na pala namin siya bilang isang ibon.

"Prinsipe ka pala?" Manghang tanong ko. "Saan nga pala kami, sa ilalim ng lupa?" Tanong ko pa ulet.

"Ipagpaumanhin mo, gaya ng sabi ng manggagamot na si Malakya, kakausapin muna kayo ng konseho. Sumama muna kayo sa akin para makakain kayo." Sabi niya, sumunod naman kami sa kanya.

Nalula kami sa haba ng dinning table, kulay ginto ito  pati  ang mga upuan. May mga iba't ibang prutas na nakahain at tinapay. Iginiya kami paupo ng mga tagapag silbing engkantada, naupo naman si Prinsipe Theos sa pinakadulo ng mesa kami naman ay nasa bandang kanan niya.

Kulay ginto din ang mga kubyertos. Agad kaming kumain ni Ashly, gutom na gutom na kasi kami, ang sarap ng tinapay at mga prutas. Nakangiti naman si Theos habang pinapanuod kami sa pag kain na parang patay gutom mode! Naconcious naman si Ashly, at naalala bigla ang table manners. Wala naman akong pakialam, nang bigla akong may maalala.

Shemay, sabi nila kapag kumain ka ng pagkain ng engkanto ay hindi ka na makakabalik sa lupa!

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant