Chapter Five

10.5K 327 4
                                    

Alas dôs na 'ng hapon, nagluto ng pagkain ang anak ni Tata Dario. Sinampalukang manok ang ulam, naparami tuloy ang kain namin, dahil napakasarap nito.

Pagka pahinga ay naghanda na kami sa pagpasok sa gubat, inalok naman kami nila tata Dario na magpalipas muna ng gabi. Ngunit nagpasya na kaming umalis, dahil maaga pa naman.

Napagkasunduan namin na magbigay ng pera sa anak ni tata Dario. Ayaw nitong tanggapin, sa kakapilit namin ay kinuha 'nya rin ito. Napag alaman kasi namin na may sarili na itong pamilya. Sa bayan sila nakatira, at doon din nag aaral ang mga anak niya. Madalas naman silang umuuwi sa bayan. Ayaw naman niya na mag isa ang tatang niya kaya sinasamahan niya ito.

Napahanga ako sa kanya. Wagas ang pagmamahal nito sa kanyang ama. Samantalang ako? Kelan ko nga ba huling kinamusta ang parents ko? Basta nalang akong umaalis sa bahay, nag iiwan lang ako lagi ng sticky notes sa salamin ng kwarto nila. I don't even bother to text or call them. Sabagay ganun din naman sila sa akin. *Sigh.*

Pagkatapos naming magpasalamat kay tata Dario at sa anak nito ay lumakad na kami. Habang naglalakad ay kinuha ko ang dslr ko, piniktyuran ko ang bundok. Nang tingnan ko ang kuha ko ay mangiyak ngiyak ako.

"Huhu, sira na ang camera ko tingnan 'nyo puro itim ang kuha."

Inulit ko ulit, hindi naman sira ang screen nito, malinaw ko namang nakikita ang kinukuhanan ko. Ngunit pagkatapos nitong macaptured ay nagiging dark ang kinalabasan ng picture.

"Paano nangyari 'eh buo naman ang lcd?" Sabi ni Patrick.

Kinuha ni Ashly at tinutok niya sa opposite direction, kung saan kami nanggaling. Ok naman ang picture. Kinuhanan niya ulit ang part ng gubat, naging black ulit ito.

"Shocks creepy." Sabi ni Ashly sabay balik niya sa akin ng camera.

"Ganyan din ang kwento ng mga classmate ng kapatid ko. Hindi sila nakakakuha ng picture. Nagiging black daw lahat." Sabi ni Dylan,

Nasa hulihan namin ito.  May bitbit pa itong isang malaking bag na itim, na mukhang mabigat.May sukbit din siyang pana na bigay ng anak ni tata Dario.

Halos dalawang kilometro ang layo bago kami nakarating sa bukana. Nagmatyag at nag masid muna kami, mukhang wala namang kakaiba. Binuksan niya ang bag at binigyan ng baril ang tatlong bugoy. Baril pala ang laman ng bag niya, meron pa itong mahabang armas. Sabagay sundalo nga pala ito.

"Salamat pare." Sabi ng tatlo, sabay sukbit sa bewang nila.

Pare daw? Kelan pa sila naging magkumpare. Inis na bulong ko, pa'no lahat kinakausap niya maliban sa akin.

Hmm siguro nga nahurt siya sa sinabi ko? Magsosory ba ako,? Sabagay pag sa akin sinabi 'yon sa mga gantong pagkakataon, t'yak magagalit din ako.

So mali nga ako?

Nag-uusap ang thoughts ko?! Shit nababaliw na nga ako..

Shitt.. Napalakas kong sabi, napatingin silang lahat sa akin.

"Something wrong?" Si Patrick.

"Nothing." Sagot ko, bigla akong nabother ng maisip ko ang baliw factor na problema ko.

Paano nga kong hindi na sila makakabalik? Dahil pinatay ko sila habang natutulog? Because I'm crazy! Oh no!! ano ba itong iniisip ko. Makapag sorry na nga lang, para matahimik na ako.

Sinabayan ko si Dylan sa paglalakad.
"Dylan? Im sorry sa nasabi ko kanina, ha?"

"It's ok, pasensya ka na din. Nag aalala lang kasi ako sa kapatid ko, mas maiigi na nga lang siguro na nakipagtanan ito. Atleast she's safe and-alive." Sabi nito.

"Don't worry we will help you to find her." Biglang sabi ko... Hala!! Nagdesisyon agad ako, with out asking my barkada's oppinion. Patay mapapasubo 'ata ako nito.

"Thanks I need to find her dead or alive." Mahinang sabi nito. "But what if kung totoo ang Engkanto Thingy na sinasabi ni Tata Dario? How could we fight them?" Dugtong pa nito.

Napaisip din ako..

"Did you believed that they exist?

"Yes I dreamed about them-most of the time...- Aww forget about it." Biglang bawi nito sa sinabi niya.

Natahimik ako. Naglalakad nga pala kami sa gubat, walang nabubuhay na damo pawang mga sanga at tuyong dahon lang ang nasa paligid. Matataas ang mga punong kahoy, parang nag uunahan sila para makasilip sa araw. Nakarinig kami ng ingay, huminto kami at nagmasid. Mukhang may nalaglag na malaking sanga, pabulusok kasi ang tunog nito.

Napapikit ako,ngunit bigla akong nakarinig nang tawanan. Matitinis na tawanan.

"Did you hear that?" Pagmulat ng mata ko ay nawala na rin ang boses.

"Hear what?" Tanong ni Ashly, nakatingin din ang tatlong lalake sa akin.

"Oi, Andrie wag ka namang manakot." Sabi naman ni Max,.

Tumuloy kami sa paglalakad. Habang alerto kaming nagmamasid sa paligid. Baka mamaya may biglang tumalon na ahas.

"This is weird, kahit compass ayaw gumana." Sabi ni Patrick. Inagaw ko naman ang compass at tinaktak.

"Baka naman sira na 'to, Pat?"

"Maybe." Sagot naman ni Patrick.

"Guys 'yong relo ko hindi na rin gumagana, Kakapalit lang ng baterry nito." Si Ashly.

Sabay sabay kaming napatingin sa wristwatch namin. Hindi gumagana ang pink watch ko.

"Guys don't tell me, hindi rin gumagana ang mga relos nyo?

"It's not working." Sabi ni Jeff.

'We should be carefull, this is not an ordinary forest." Sabi ni Ashly.

Napadaan kami sa isang puno na may pumapatak na dagta. Kumuha ng malaking dahon si Dylan at nilagay ang dagta, nakatingin lang kami sa kanya.

"We can make fire on it." Sabi niya habang patuloy na kinukuha ang matigas na dagta. Binigyan ko siya ng eco-bag, dito niya nilagay ang dagta. Kumilos naman ang mga boys at kumuha ng mga kahoy. Papadilim na kasi ang paligid.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora