Chapter Twenty Three

6.9K 221 2
                                    

Niyakap niya ulet ako ng matagal, at buong higpit. Matagal kami sa ganong posisyon.

"Dylan paano si Vera?" Tanong ko, gusto ko lang manigurado na akin lang talaga si Dylan.

"What about her? Walang namamagitan sa amin. She is just a friend to me." Sagot niya.

"Sure ka ha? Selosa ako Dylan." Sabay yakap ko sa kanya.

"I know!" Nakangiting sabi niya sabay halik sa noo ko.

Bumalik na tayo sa bulwagan yaya ko sa kanya, magkahawak kamay kaming bumalik sa bulwagan. Nanunudyo naman ang tingin ng mga kaibigan namin.

"Dylan halika lapitan natin ang mga konsehong magpuputong ng korona mo." Sabi ni Vera sabay hawak sa kamay ni Dylan.

"No Vera! Sabay tabig ko sa kamay niya, ako ang makakasama ni Dylan. Karapatan ko 'yun bilang magiging reyna ng kahariang ito." Mataray na sabi ko sa kanya.

"Anong ibig sabihin nito Dylan?" Mangiyak ngiyak at galit na tanong ni Vera.

"Ang alin Vera-?"

"Ako dapat ang magiging reyna mo!" galit na galit na sabi nito.

"Wala akong ipinangako sayo na ganyan Vera, kaibigan lang ang turing ko sayo." Mahinahong sabi ni Dylan.

"Pagbabayaran 'nyo ito! Isinusumpa ko pag babayaran 'nyo itong dalawa." Galit na galit itong umalis.

Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya, wag siyang magkamaling gumawa ng hindi ko magugustuhan. Makikita niya ang hinahanap niya.

"For real?! Kayo na?" Tanong ni Ashly halatang masaya ito.

Binati kami ng aming mga kaibigan, ito na yata ang gabing pinaka masaya sa buhay ko.

Binasbasan si Dylan ng mga kataas taasang konseho. Bilang simbulo ng pagiging hari ay ipinutong kanya ang korona. Hinandugan siya ng espada at baluti, na nagpapahiwatig na sa kanyang kamay ang proteksyon at kaligtasan ng kaharian. Isinuot sa kanya ang singsing na simbolo ng pinakamataas na uri ng maharlika. Sinuutan din siya ng kapa, na simbulo ng kapangyarihan. Naka upo naman ako sa tabi ni Dylan habang magkahawak ang aming kamay, nag bigay pugay naman ang mga batang engkantada sa pamamagitan ng napaka gandang awitin.

Pag katapos ng deklarasyon ng pagiging hari ni Dylan, ay nag simula na ang piging at kasiyahan. Nag sayawan ang mga engkantada at engkantado.

Napangiwi ako ng makita ko ang mga barkada ko, parang sa bar lang ang mga ito habang nag pa-party party. Sayaw kong sayaw na parang walang bukas, natatawa kong itinuro ito kay Dylan, hindi niya rin napigilan ang matawa ng makita niya si Patrick at Maxx na nag di-dirty dancing. Aliw na aliw naman ang mga engkantada sa mga ito.

Habang patuloy ang kasiyahan ay pumunta kami ni Dylan sa balcony kong saan kita ang bulwagan.

"Saan kaya dinala ang kapatid mo at ilang bihag?" tanong ko.

"Hindi ko alam, pero ang sabi ng mga salamangkero ay baka isinama ni Marduko sa lupa." Malungkot na sagot ni Dylan.

"Anong balak mo ngayon?"

"Magpapadala ako ng mapapagkatiwalaang engkantado upang hanapin sila." Sabay buntung hininga nito.

"Bumalik na sa lupa si Lukan, upang hanapin si Marduko."

"Mabuti kong gayun, pwede bang dito nalang kayo mag stay?" Tanong nito, pabor naman ito sa akin, baka kasi puntahan ito dito ni Vera Bitch at akitin.

"Kausapin mo si Theos, nakakahiya naman sa kanya, alam mo naman sobrang welcome kami sa kaharian nila." Sabi ko. Tumango lang ito, sabay kabig at yakap sa akin.

Pumunta kami sa bulwagan ni Dylan at nakisaya sa mga engkantado at engkantada. Marami ang bumati sa kanya at nagbigay ng basbas ang mga matandang engkantada. Para sa katahimikan at ikakaunlad ng kaharian.

Bago matapos ang gabi ay kinausap naman ni Dylan si Theos tungkol sa paglipat namin sa kanyang kaharian. Pumayag din naman agad ito.

"Oh? Bakit Ashley dear, anong drama yan?" Nang mapansin kong tahimik ito, habang nag bubura ako ng make-up sa harap ng salamin. As usual share na naman kami ng room.

"Wala namimiss ko na si Theos." Nakalabing sagot nito.

"Wala pa ngang one hour, mis agad? Wag ka ng malungkot anytime naman pwede kayong magkita."

"Sabagay hay naku, ang ganda ng room. Kahit magtabi pa tayo sa iisang kama ay napaka luwag padin." Sabi nito, habang gumulong gulong sa kama.

Habang nakahiga kami ay halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pero isa lang ang alam ko, sobrang saya ng nararamdam ko.

Kinabukasan. Pumunta kami sa tanggapan ng konseho para sa pag pupulong.

"Nalaman na namin kung saan nagkukuta si Ditana." Sabi ni Aydan.

Tumayo si Falcon at kinuha ang mapa.

"Dito sa lugar na ito nagkukuta si Ditana, sa ilalim ng malawak na karagatan." Sabay turo niya sa mapa.

Sa palawan?? Sabay sabay na sabi namin.

"Alam ninyo ang lugar na ito? Sabi ni Lukan may bali balita daw na nawawala ang ilang turistang kalalakihan sa lugar na iyan. Pinagpalagay nalang ng mga tao na nalunod ang mga ito." Sabi ni Matatya.

"Guys remember nong nag punta tayo dyan? 'Yung lumabas ako ng cottage, may narinig akong malamyos na boses. Then I saw a lady with a tail. Tapos sinabi ko sa inyo, pinagtawanan nyo lang ako." Sabi ni Max.

"Oo nga, ano? Sorry naman Max medyo tipsy ka kasi that time. Hindi kaya may katotohanan ang alamat na inaakit nila ang kalalakihan para madala sa kanilang kaharian." Sabi naman ni Ashly.

Tumango tango naman ang mga konseho.

"Aakyat tayo ng lupa, pero hindi lahat. Kailangang may maiwan dito sa Dyamantes." Sabi ni Dylan.

"Ako na ang maiwan." Taas kamay agad si Vera. Buti naman, baka maialay ko pa siya sa mga syokoy.

"Wag kayong mag aalala walang kakayahan si Marduko na lumusob dito." Sabi ni Aydan.

"So aalis tayong lahat? this is exciting bakasyon plus misyon." Sabi naman ni Ash. sabay kindat.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Where stories live. Discover now